Sue Ramirez, excited pero natatakot sa reaction ng viewers sa kanyang kontrabida mistress role sa The Broken Marriage Vow: “Baka mapalo ako ng payong.”

Sa The Broken Marriage Vow ay gaganap si Sue Ramirez bilang si Lexy Lucero, ang mistress na tiyak na kaiinisan ng viewers kaya hindi daw n’ya maiwasang matakot kapag umere na ang kanilang TV series.

PHOTO: @sueannadoodles on Instagram

Sa The Broken Marriage Vow ay gaganap si Sue Ramirez bilang si Lexy Lucero, ang mistress na tiyak na kaiinisan ng viewers kaya hindi daw n’ya maiwasang matakot kapag umere na ang kanilang TV series.

Magkahalong takot at excitement daw ang nararamdaman ng aktres na si Sue Ramirez ngayong malapit nang ipalabas ang teleserye nilang The Broken Marriage Vow.

Ito ang Philippine adaptation ng BBC’s Doctor Foster na ginawan din ng Korean version entitled The World of the Married. 

Dito ay gaganap si Sue bilang si Lexy Lucero, ang mistress na tiyak na kaiinisan ng viewers kaya hindi daw n’ya maiwasang matakot kapag umere na ang kanilang TV series. 

May mga fans kasi na kapag talagang mahusay ang kontrabida ay nagiging totohanan ang inis nila dito to the point na pinepersonal nila sila sa social media o kaya naman ay minumura kapag nakikita sila in person

Baka mapalo ako ng payong,” natatawang saad ni Sue sa solo virtual media conference n’ya kamakailan. “’Yon ang kinakatakot ko. May namamalo pa ba ng payong ngayon? ’Di ba, dati ganu’n? Guys, alam n’yo naman. Ako lang ’to, guys. Hahaha!” 

Pero mas nangingibabaw pa rin daw sa kanya ang excitement dahil pinaghirapan daw nila ang TV series para sa mga manonood. Pumatok at sinubaybayan talaga kasi original version at Korean counterpart nito. 

“Actually, siguro ang emotion na nangingibabaw sa akin is excitement,” lahad pa ng Kapamilya actress.

“Of course, kinakabahan ako. Of course, napi-pressure ako. Of course, medyo natatakot din ako sa magiging reaksyon ng mga tao. But more than anything, I’m very, very excited. Itong project na ito pinaghirapan po talaga naming gawin. 

“I hope makikita nila… Hindi ‘I hope,’ I’m sorry. I’m sure na makikita nila ’yon kapag napanood na nila ’yong The Broken Marriage Vow. I’m very proud of this project and I’m very, very excited po.

Patikim pa n’ya sa kanyang karakter: “Yoga instructor ako dito from a mayamang pamilya, very spoiled… Hindi naman spoiled na brat ha, pero she gets what she wants.”

“Actually, nasa tama naman talaga s’yang pag-iisip,” dagdag niya. “’Yon lang, you know, people get stupid when they fall in love. Wala, e. Wala s’yang nagawa. Hindi n’ya rin in-expect. Trinay n’yang iwasan pero andyan, e. Lumalapit nang lumapalit. Hindi n’ya na rin napigilan ’yong sarili n’ya.

Mas mabuksan nga daw ang pang-unawa n’ya sa mga taong nasa kaparehong sitwasyon ng kanyang character kaya pinipili daw n’yang huwag husgahan ang mga ito. 

“That’s why also I didn’t want to judge my character. Hindi talaga p’wedeng i-judge ko ’yong character ko. I really had to embrace Lexy and her emotions and everything that she felt. Parang, I really had to open my mind,” pagbabahagi pa n’ya.

“Of course, personally I cannot do it. I cannot deny the fact that it is happening in real life. Hindi ko p’wede sisihin at i-judge ang mga tao base sa mga desisyon nila dahil hindi ko alam ang k’wento nila. Hindi ko alam kung saan nila gustong pumunta, hindi ko alam kung saan sila nanggaling. So, I had to really open my mind to do this character.”

Nagpapasalamat naman daw si Sue na happy ang love life ngayon with her boyfriend Javi Benitez. Nagpapasalamat din siya na hindi s’ya kailanman napunta pa sa sitwasyon na gaya ng karakter n’yang si Lexy. 

“Thank God, I was never in a situation like that. ’Yon nga, as I was saying… but I cannot close my mind to it because it happens every day in real life. And we don’t know ano bang pinanggagalingan nito, ano bang gusto nilang marating, ano bang gusto nilang kahinatnan,” paliwanag n’ya.

“As me, as an actor doing the character of Lexy, I really could not judge the character,” pagtatapos ni Sue.

Mapapanood si Sue kasama sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, at marami pang iba sa The Broken Marriage Vow na ipalalabas na sa January 24 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11 TV5, iWantTFC, at TFC.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.