Sue Ramirez, handa na bang maging First Lady ng Victorias City, Negros Occidental?

Hindi nagbigay ng definite answer si Sue sa tanong namin sa kanya kung nakikita ba niya sa mga bituin na magiging First Lady siya ng Victorias City, Negros Occidental by virtue of her romantic affiliation kay Javi na nababalitang susunod na sa yapak ng ama nito, ang dating Congressman na si Albee Benitez, at kakandidato naman para sa pagka-alkalde ng lungsod? “Wala pa pong filing, e, hindi pa po tayo sure,” natatawang sagot niya.

Photos: @sueannadoodles

Hindi nagbigay ng definite answer si Sue sa tanong namin sa kanya kung nakikita ba niya sa mga bituin na magiging First Lady siya ng Victorias City, Negros Occidental by virtue of her romantic affiliation kay Javi na nababalitang susunod na sa yapak ng ama nito, ang dating Congressman na si Albee Benitez, at kakandidato naman para sa pagka-alkalde ng lungsod? “Wala pa pong filing, e, hindi pa po tayo sure,” natatawang sagot niya.

Katulad ng ibang pangkaraniwang tao, tumitingin at kino-konsulta rin daw ng actress na si Sue Ramirez ang kanyang zodiac sign, lalo na pag dating sa mga compatibilities.

However, sila ng boyfriend niyang si Javi Benitez, kung zodiac daw ang pagbabasehan, ay hindi compatible. Libra daw si Javi, habang Cancer ang sign niya. Pero kung Instagram posts nila ang pagbabasehan ay wala kang makikitang any sign of incompatibility.

“Libra is one of the most incompatible signs with Cancer, but it’s how you make it work,” esplika ni Sue. 

“Siguro you check your zodiac signs for some guidance and how you are going to handle the different problems that you can face because nga sa difference n’yo ng zodiac [signs]. So, you’re prepared, ’di ba? Alam mo na ang haharapin mo. 

“So, for me, nakakatulong siya.”

Napag-usapan ang tungkol sa mga horoscopes at zodiac signs dahil sa bagong serye ni Sue kasama ang magagaling na aktor na sina JC de Vera at JC Santos, ang Boyfriend No.13, na isang WeTV original at line produced ng APT Productions. 

Naniniwala ang character ni Sue bilang si Kimverly, isang best-selling writer sa sinasabi ng “stars” sa kanya.

Pero hindi nagbigay ng definite answer si Sue sa tanong namin sa kanya kung nakikita rin ba niya sa mga bituin na magiging First Lady siya ng Victorias City, Negros Occidental by virtue of her romantic affiliation kay Javi na nababalitang susunod na sa yapak ng ama nito, ang dating Congressman na si Albee Benitez, at kakandidato naman sa pagka-alkalde ng lungsod. 

“Wala pa pong filing, e, hindi pa po tayo sure,” natatawang sagot niya.

Sa tanong naman kung nakikita ba niyang si Javi na nga ang naka-tadhana sa kanya?

“At this point, it’s not something I’m focused on,” pag-iwas ni Sue. “Very busy ako sa work. Ang dami kong blessings na dumarating—one after another. Also for Javi...so much is happening for him. So, I think, the focus is not on that aspect.”

Totoo rin naman nga na ngayong pandemic, si Sue ang isa sa mga artista na hindi nababakante at halos magkakasunod ang mga ginagawang proyekto.

Bukod kasi sa Boyfriend No.13–na mapapanood na simula sa July 2 sa WeTV at iFlix—nandiyan pa ang bago niyang serye sa Kapamilya Channel na The Broken Marriage Vow.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil mahilig manood ng videos online, Sue Ramirez, papasukin na rin ang vlogging

Para kay Tom Rodriguez, “summa cum laude” si Carla Abellana sa pago-organize ng nalalapit na wedding nila

Maikling mensahe ni Sharon Cuneta sa mga naiwan ni dating Pres. Noynoy, tinawag na “plastic” ng isang basher; resbak ni Sharon: “Ang pakikiramay kailangan nobela?”

Jay Manalo, matatag ang desisyon na hindi pag-artistahin ang mga anak

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.