Sue Ramirez, nagpaka-pokpok (sa pelikula) for three reasons

After the role of a prostitute sa Cuddle Weather, mas naiintindihan na daw ni Sue Ramirez ang buhay ng mga pokpok. Mas nakaka-offend na daw sa kanya pag may tinatawag na pokpok.

Photos: @sueannadoodles

After the role of a prostitute sa Cuddle Weather, mas naiintindihan na daw ni Sue Ramirez ang buhay ng mga pokpok. Mas nakaka-offend na daw sa kanya pag may tinatawag na pokpok.

Nakakabilib ang pagiging open ni Sue Ramirez sa pagtanggap ng daring role sa Cuddle Weather, ang latest movie under Regal Entertainment kung saan isang prostitute ang kanyang papel.

 

“Maraming dahilan kung bakit ko tinanggap ang role,” esplika ni Sue. “When it was first pitched to me, sobrang naging interesado na ako sa k’wento kasi very interesting ito. Hindi lang naman ito basta k’wento ng mga pokpok. K’wento natin lahat ito at marami sa atin ang makaka-relate sa story nina Adela at Ram.”

 

Patuloy niya: “Pangalawa, sobrang ganda nang pagkakasulat ng mga characters. And pangatlo, I want to challenge myself. I want to take on a role na I am afraid to take on. I want to push myself to do something daring.”

 

Surprisingly, hindi raw sila nagkahiyaan ni RK sa mga intimate scenes nila. First time daw nila nag-meet sa set ay kinunan na nila ang very sensual poster ng movie.

 

“I think maganda na ganoon siya kasi at least, nakita mo na ’yong kabuuan ng tao. Wala kaming malisya sa isa’t-isa. Siguro naging magandang tulay din siya na we became more comfortable with each other. Hindi kami nailang sa isa’t-isa. We helped each other sa mga eksenang medyo intimate,” kwento pa ni Sue. 

 

Mas spontaneous daw lumabas ‘yong emosyon nila ni RK sa mga eksena. Kahit na hindi sila nag-meet bago ang shoot at wala silang napag-usapan kung paano gagawin ang mga intimate scenes, maganda ang kinalabasan nito kasi comfortable sila ni RK sa isa’t-isa.

 

After the role of a prostitute sa Cuddle Weather, mas naiintindihan na daw niya ang buhay ng mga pokpok. Mas nakaka-offend na daw sa kanya pag may tinatawag na pokpok.

 

“Hindi ito biro guys. Hindi ito isang bagay na dapat pagtawanan. Other people may misinterpret them pero they are real people. Trabaho ito sa kanila kasi this is how nila binubuhay ang pamilya nila o pinapakain ang mga anak nila so hindi sila dapat pagtawanan.”

 

Sana raw, through Cuddle Weather, ay mabuksan ang isip natin sa buhay ng mga sex workers. Ayon pa kay Sue, dapat  maging maingat tayo sa mga binibitiwan nating mga salita kasi nakakasakit tayo ng damdamin.

 

“Mas masakit na siya ngayong pakinggan kasi mas naiintindihan ko na ‘yong buhay nila,” pagtatapos ni Sue.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:


Sue Ramirez returns to first love after nine years

Sue Ramirez shares secret to staying fit despite no exercise

 

Sue Ramirez, napa-akting nang todo; ayaw mapahiya sa mag-asawang Buencamino

LOOK: Sue Ramirez slays in rock chic-themed photoshoot 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.