Sue Ramirez, napa-akting nang todo; ayaw mapahiya sa mag-asawang Buencamino

(Left photo) Sunshine Family cast Nonie Buencamino, Sue Ramirez, Marco Masa, and Shamaine Centenera-Buencamino. (Right photo) Sue in Korea.

PHOTOS: Allan Diones & @sueannadoodles

(Left photo) Sunshine Family cast Nonie Buencamino, Sue Ramirez, Marco Masa, and Shamaine Centenera-Buencamino. (Right photo) Sue in Korea.

Libre ang mga biyahe ni Sue Ramirez sa South Korea dahil kinuha siyang Korean Tourism Ambassador for the Philippines ng Korean Tourism Organization.

Si Jessy Mendiola ang nauna kay Sue sa posisyon na ‘yon, after 3 years ay si Sue naman ang kinuha ng KTO. Magti-3 years na raw si Sue kaya malapit na rin daw siyang mapalitan.

Tsika sa amin ng Kapamilya actress, ang pinaka-duty niya lang ay maging present at mag-perform kapag may event ang KTO, at siyempre ay i-promote ang South Korea, na hindi raw mahirap gawin bilang bet na bet ng mga Pinoy ang anything Korean.

Wala raw bayad si Sue bilang Korean Tourism Ambassador, sagot lang ng KTO ang trips niya to Korea, na ang nasa kontrata ay at least once a year.

Nakatatlong biyahe na si Sue to Korea at may nakita na rin siyang Korean stars, pero ang gusto niya raw talagang ma-meet ay si Kim Soo-hyun na nagbida sa hit K-drama na My Love from the Star (2013).

Pinapili namin siya kung si Kim Soo-hyun o si Joao Constancia ng BoybandPH at mabilis na, “Joao!” ang sagot sa amin ni Sue.

Boyfriend ni Sue si Joao at happy ang dalawa sa kanilang relasyon.

Hindi pa raw nila na-try mag-Korea together.   

Kung pupunta sila roon ay dadalhin niya raw si Joao sa Busan during the cherry blossoms festival.

“Magti-train kami, tapos ipapakain ko siya sa mga zombie doon! Ha! Ha! Ha!” tawa ng 22-anyos na dalaga.

‘Yung pagiging Korean Tourism Ambassador for the Philippines ni Sue ang dahilan kaya siya ang napiling maging bida sa Korean-Filipino co-production ng pelikulang Sunshine Family.

Produced by Spring Films (nina Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal at Erickson Raymundo) and Film Line Pictures Productions Ltd. (ng South Korea), co-stars dito ni Sue sina Nonie Buencamino, Shamaine Centenera-Buencamino at Marco Masa.

Halos isang buwan silang nag-shoot ng movie sa Seoul at sa Yangpyeong County. Hindi isinama ni Sue ang boyfie niyang si Joao at hindi rin ito dumalaw dahil trabaho ang ginawa niya roon.

Anak nina Nonie at Shamaine (bilang Don at Sonya Mapalad) ang role ni Sue (bilang Shine Mapalad) at kapatid niya ang child actor na si Marco (bilang Max Mapalad) sa family comedy na Sunshine Family, na dinirek ng Koreanong direktor na si Kim Tai-sik.

Ani Sue, ang dami niyang natutunan sa batikang showbiz couple na sina Nonie at Shamaine. Sobrang professional daw ng mag-asawa at nakakahiyang hindi mag-deliver, kaya dapat ay lagi kang handa pagdating sa set.

Kuwento pa ng Fil-Am na dalaga, ang dilemma ng karakter niya sa pelikula ay naka-hit and run ang tatay niya, tapos ang boyfriend niya ay isang pulis.

Ang laki raw ng problema niya dahil may death penalty doon sa South Korea.

Kahit kinunan sa nasabing bansa ang buong pelikula ay Pinoy na Pinoy daw ito at makikita rito ang kultura natin, sabi ni Sue.

Dagdag niya pang kuwento, mabilis ang trabaho nila roon dahil walang chika-chika sa set at work kung work sila.

Dahil Koreano ang kanilang direktor ay meron silang translator sa set. Pero kahit daw hindi nila naiintindihan ang sinasabi ng direktor nila ay nage-gets nila agad ‘pag nagmuwestra na ito. Sobrang kalma raw ni Direk Kim at never itong nagalit.

Leading man ni Sue sa movie si Shinwoo, na vocalist ng K-pop boy group na Blanc7.

This coming Wednesday na, June 5, ang showing ng Sunshine Family in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maris Racal wishes to do song collaborations with Unique Salonga, Sue Ramirez, and Clara Benin

LOOK: Sue Ramirez slays in rock chic-themed photoshoot 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.