Hindi pinalagpas ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga bashers na ang pinuntirya ay ang kanyang edad.
Sa kanyang Facebook kahapon, April 5, ipinost ng aktres ang screenshot photos na naglalaman ng FB comments ng bashers na walang pasintabi sa pang-iinsulto sa kanya.
Isa nga sa kanila ang talagang under the belt na bumanat kay Sunshine by saying “[S]till stunning look the outside..ang loob kaya sa panty baka matandang kwaknit.”
Posted by Sunshine Cruz on Monday, April 4, 2022
Short comment naman ang hirit ng isa at ang physical appearance naman n’ya ang pinuntirya nito, at sinabing “Tigulang na gyod [Matanda na].”
Hindi na ito pinalagpas ng seasoned actress at ni-lecture-an n’ya ang bastos na basher.
“[M]y sis is 54 and she obviously still looks good for her age,” sey ng aktres.
Dagdag pa n’ya, hindi daw dapat ikinahihiya ang pagtanda dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon to reach a certain age in their lives.
“Ageing happens to everyone po. Let’s not make it seem na ang pagtanda ay dapat ikalungkot at ikahiya. Blessing po ang mabigyan ng pagkakataong maging ‘tigulang,’” maayos na pahayag ni Sunshine.
Posted by Sunshine Cruz on Monday, April 4, 2022
Isa ring netizen ang tumawag na “lola” sa actress kahit na 44 years old pa lang naman s’ya at mga dalaga pang lahat ang tatlo n’yang anak.
“Lola, yung buto mo ingat ingat din baka mabalian ka,” paalala ng basher pero sa totoo naman ay nang-aasar sa aktres.
Dito na bumanat ang si Sunshine sa pangungutya ng pangahas na basher.
“[A]re you trying to insult me by calling me lola? Proud of my age! I am 44, healthy and happy. Tbh, I’d rather be a lola than be you,” bwelta n’ya rito.
Payo pa ni Sunshine sa kanya, “Kumain ka para magkaron ng nutrition ang katawan at pagiisip mo. You look frail and hungry. Take care and stay healthy.”
Posted by Sunshine Cruz on Monday, April 4, 2022
Paglilinaw pa ng celebrity mom of three daughters, ipinost n’ya sa social media ang mga negative comments ng bashers para ipaunawa sa publiko na hindi mali ang pagkakaroon ng edad at hindi daw dapat ito ginagamit para insultuhin ang mga nakakatanda.
“Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing. Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many,” pahayag n’ya.
“Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person negatively,” pagdidiin n’ya.
“I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy. Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan.
“At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating edad. Stay safe and healthy everyone,” pagtatapos ni Sunshine.
Guys! Hello!☺️🙏🏻 Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing. Being a lola or having the...
Posted by Sunshine Cruz on Monday, April 4, 2022
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber