Sunshine Cruz, nagtataka sa “no more hot words” na payo ni Lolit Solis sa kanila ni Cesar Montano: "My ex husband is none of my business."

PHOTO: @sunshinecruz718 on Instagram; INSET: @akosilolitsolis & @cesarbuboymontano on Instagram

PHOTO: @sunshinecruz718 on Instagram; INSET: @akosilolitsolis & @cesarbuboymontano on Instagram

Ayaw nang magkomento pa ng aktres na si Sunshine Cruz kung anuman ang issue ngayon sa buhay ng dati n'yang asawang si Cesar Montano.

Ito ang naging reaksyon ng aktres patungkol sa kanyang dating mister sa naging pahayag ng showbiz columnist na si Lolit Solis sa social media. 

Nag-ugat ang lahat sa naunang pagpo-post ng Filipino-German beauty queen-turned-entrepreneur na si Sandra Seifert ng photo ni Cesar while hugging and kissing her 5-year-old son na si Corinth Ian sa kanyang Instagram last November 25.

 

Dahil dito, umugong tuloy ang issue na si Cesar ang ama ng bata dahil napabalita noon, way back in 2015, na nagbuntis umano si Sandra matapos n'yang ma-link sa action-drama actor.

Wala namang direktang kumpirmasyon sa part ni Sandra dahil ang sinabi n'ya lamang about the photo ay: "Love Actually #fiveweeksbeforechristmas."

At dahil bagong usapin na naman ito tungkol kay Cesar, mukhang masasali na naman dito si Sunshine kahit hiwalay na sila nu'ng 2013 pa. Ito nga ang s'ya namang naging concern ng veteran showbiz news writer na si Lolit Solis. 

"Nagtataka ako Salve bakit parang walang katapusan iyon 'gulo' between Cesar Montano and Sunshine Cruz," sey ni Lolit sa kanyang Instgram post ngayong araw, November 27. 

"Hanggang ngayon na meron na sila mga bagong partner para bang every now and then meron pang intriga between them," dagdag n'ya. 

Hiling pa ng Take It... Per Minute (Me Ganon?) co-host, sana ay matigil na ang mga issue sa kanila for the sake of their three daughters. 

"Sana naman matapos na, lalo pa at 3 babae ang anak ni Cesar kay Sunshine na parang hindi maganda tuwing meron lumalabas pang mga issue tungkol sa magulang nila. 

"Puwede naman hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag ng pag usapan pa," pagsa-suggest pa ni Lolit.

"Hindi matigil tigil, para bang umaandar bawat araw , walang katapusan. Kanya kanya na sila, kaya hintuan na ang issue. Dapat wala na silang pakialam sa isa't isa. Dapat iyon communication nila para sa mga anak na lang nila. No more hot words. Peace. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako," pagtatapos n'ya. 

SCREENSHOT: @akosilolitsolis on Instagram

Nagtatakang sumagot si Sunshine kay Lolit upang sabihin na wala na s'yang kinalaman sa anumang issue meron ang kanyang former husband. Wala siyang pinakawalang salita at wala din siyang planong magbigay ng interview regarding this.

Mas mabuti pa daw kung pagtuunan n'ya ng pansin ang kanyang mga anak at trabaho. 

"Good Morning Tita Lolit. I haven’t said a single word. My ex husband is none of my business. Annulled na po kami. I’d rather focus sa mga anak ko at sa trabaho," sagot ni Sunshine sa comment’s section ng post ni Lolit. 

SCREENSHOT: @akosilolitsolis on Instagram

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Pika's Pick: Sunshine Cruz expresses sadness for not being present for eldest daughter Angelina’s 19th birthday; creates a through-the-years video vignette for her instead

Pika's Pick: Sunshine Cruz and Macky Mathay belatedly celebrate fourth anniversary as couple via a romantic getaway vacation

Sunshine Cruz tells Netizen who called her out for posting “sexy pics” of her daughters: “Naka-swimsuit or gown lalabas at lalabas ang mga manyak at bastos.”

Pika's Pick: Sunshine Cruz and boyfriend Macky Mathay celebrate four years of togetherness

 

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.