Sunshine Dizon, kinilig sa pa-hashtag ng fans na #SunshineDizonAsDrFoster; aniya, “relate” siya sa naagawan-ng-asawa role kung sakaling ialok sa kanya

Nagandahan si Sunshine sa hit series na Doctor Foster, bagama’t ang pinanood niya ay ang Korean adaptation nito na The World of the Married. Aniya: “Relate, Ha ha ha! Parang kaya ko siyang gawin even with my eyes closed.”

Photos: @m_sunshinedizon | @dreamscapeph

Nagandahan si Sunshine sa hit series na Doctor Foster, bagama’t ang pinanood niya ay ang Korean adaptation nito na The World of the Married. Aniya: “Relate, Ha ha ha! Parang kaya ko siyang gawin even with my eyes closed.”

Inamin ng ngayo’y Kapamilya ng si Sunshine Dizon na dinis-connect muna niya ng kanyang Twitter account na Miss Sunshine Dizon mula noong may mga lumalabas ng balita na lilipat na siya ng TV network.

May mga violent reactions daw kasi patungkol sa network na pupuntahan niya at meron ding direktang tumutuligsa sa kanya. Parang gusto muna raw niya ng space at hindi mag-entertain ng mga negative thoughts.

Pero active na raw muli ang kanyang Twitter account at masaya siya dahil hindi raw niya akalaing magte-trending siya sa Twitter Philippines matapos siyang pormal na maipakilala bilang bagong Kapamilya. Ibig sabihin ay tanggap ng mga loyal fans niya ang paglipat niya.

At ilang araw lang ang pagitan, nagulat na naman si Sunshine nang muli siyang mag-trending Twitter Philippines noong May 1 ng gabi.

Ang hashtag na Sunshine Dizon as Dr. Foster ang nag-trend (#SunshineDizonasDrFoster). Para sa kanyang mga fans, Dr. Foster is the perfect role for her.

Dahil dito, napa-tweet siya nang sunod-sunod at halata, base sa tweet niya, na ikinakilig niya ang pa-hashtag ng mga fans.

Aniya: “Hala seryoso nga. I’m super duper flatterred. Kayo na at SAKALAM.”

“Uy seryoso kinilig akong makita yung pangalan ko na nag-trend at mga Kpop. Parang feeling ko tuloy bigla I belong. Nilamon na din ako ng kdrama. Maraming Salamat sa inyo.

“This is really one of my proudest moment as k-drama fan. Thank you.”

Umabot raw sa 20,000 tweets, kalahati raw sa tweets na nakuha ng Netflix series na Vincenzo, na noong araw na yun ay nagti-trending din dahil sa finale episode na nito.

Ang Vincenzo ang katatapos lang na K-Drama series ng South Korean actor na si Song Joong Ki. 

Sey pa ni Sunshine sa Twitter: “Hala kayo nasa 20k na kalahati ng Vincenzo iba rin. Matindi ata pinaglalaban at paninindigan natin today.”

Tila naka-monitor pa rin si Sunshine that night dahil nag-tweet pa siya ng: “Hala kayo alas dose na! Sorry naman last 2 episodes na lang kasi ng Vincenzo. Tulog na po. Maraming Salamat sa di inaasahang Labor day trending kasabay ni Vincenzo at BTS. Mahal ko kayong lahat.”

 

Samantala, ang Doctor Foster ay ang hit 2015 American drama tungkol sa isang doktorang nangaliwa ang asawa at ipinagpalit siya sa much younger woman. Mas sumikat sa Pilipinas ang Koran adaptation nito ng The World of the Married na ipinalabas sa Viu streaming app last year (2020). 

This time around, ia-adapt din ito sa Pilipinas under the Dreamscape production ng ABS-CBN. Para mas paingayin ang nalalapit na TV production ay naglalabas ng mga pahulaang posts ang Dreamscape sa kanilang m,ga social media pages kung sino ang mga Pinoy celebrities na gaganap sa mga major roles ng sikat na American at K-Drama series. At dito nga nagsimulang lumutang ang pangalan ni Sunshine Dizon, hindi bilang hula kundi bilang suggestion, na siyang gumanap sa papel ng  bidang si Dr. Foster.

Bago pa formal na ipakilala si Sunshine ng ABS-CBN, nakausap na rin namin ito at dahil nga raw may balita na ng paglipat niya, nagugulat siya na may mga nagta-tag sa kanya tungkol sa Doctor Foster role.

Kaya naman hinanap daw niya ito sa Netflix at pinanood.

“Four days, natapos ko siya. Kinarir ko talaga at pinagpuyatan,” natawang sabi niya sa amin.

Nagandahan si Sunshine sa hit series—na ang pinanood ay ang Korean adaptation nito na The World of the Married—pero natatawang sabi rin niya; “Relate, Ha ha ha! Parang kaya ko siyang gawin even with my eyes closed.”

Ang tinutukoy na “relate” ni Sunshine ay sa personal na karanasan din niya kunsaan, nakipaghiwalay siya sa asawa dahil sa diumano’y pambabae nito.

Yun nga lang, sa ngayon, malinaw kay Sunshine na ang Marry You, Marry Me na pagbibidahan ni Janine Gutierrez ang gagawin niya sa ABS-CBN. Wala daw silang kahit na anong pag-uusap ng Dreamscape o ng ABS-CBN tungkol sa Doctor Foster na serye.

Pero ayon pa rin sa actress, “Kung may audition, willing akong mag-audition for the role.”

At binigyang-diin muli na kung hindi man siya ang matuloy na maging Dr. Foster, wala rin daw magiging isyu.

“To be honest, wala, kasi, never siyang napag-usapan. At hindi rin ’yun ang project na in-offer. It’s Marry You, Marry Me talaga which I am really excited and looking forward to doing.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sunshine Dizon, kumpirmadong Kapamilya na

Alessandra de Rossi on the essence of being a woman: “Malay ko! I don't even know the essence of a man!”

Angelica Panganiban at Kim Chiu, ibinida ang dancing skills ng birthday celebrant BFF nilang si Bela Padilla

Julia Barretto, inaming na-traumatize noon sa amang si Dennis Padilla; Dennis, sinariwa ang sakit na dulot ng attempt ni Julia na magpalit ng apelyido

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.