Sunshine Dizon opens up about dealing with post-traumatic stress disorder, depression, panic attacks, and abandonment issues

"...guess it’s time to admit what I’ve been going through recently. “Diagnosed with PTSD (post-traumatic stress disorder), depression, panic attacks, abandonment issues and that’s just skimming the surface. I’m on xanor, jovia, revotil for emergencies and stilnox. You may ask why now? Only because I want to free myself from the stigma. There’s nothing wrong to ask for help.”—Sunshine Dizon on the state of her mental health

Photos: @m_sunshinedizon

"...guess it’s time to admit what I’ve been going through recently. “Diagnosed with PTSD (post-traumatic stress disorder), depression, panic attacks, abandonment issues and that’s just skimming the surface. I’m on xanor, jovia, revotil for emergencies and stilnox. You may ask why now? Only because I want to free myself from the stigma. There’s nothing wrong to ask for help.”—Sunshine Dizon on the state of her mental health

Nang dahil sa kanyang mataas na temperatura na 38.9, naka-confine ngayon sa isang hospital ang magaling na aktres na si Sunshine Dizon.

Iyan ang ibinahagi niya ngayong araw, December 3, sa kanyang dalawang hiwalay na posts sa Instagram kalakip ang mga larawang nagpapakita na naka-dextrose siya at sa ikalawa naman ay may mga hatol na gamot na iniinom.

Mababakas sa kanyang caption na hindi lamang dahil sa lagnat ang pagkaka-hospital niya. Tila may mas malalim na dahilan at pinagdadaanan ang actress ngayon pag dating sa kanyang kalusugan pang-katawan at kaisipan.

Inamin ni Sunshine na bukod sa pagkakaroon niya ng PTSD (post-traumatic stress disorder), dumaranas din daw siya ngayon "depression, panic attacks, at abandonment issues."

Hindi rin ikinaila ni Sunshine na may mga naging desisyon siya sa buhay noon na pinagsisihan niya. Pero dahil nangyari na, hindi raw niya alam kung paano pa ito maibabalik. 

“Unfortunately this me," panimula niya sa kanyang unang post. "Hoping it’s not covid again.

“Realizations, some people will love you enough to move mountains just to be with you, and some will have lame excuses because you are not and will never be their priority."

Tila habang nasa ospital nang mag-isa ay nagkaroon ng maraming chance ang aktres na makapag-muni-muni lalo pa at magkukuwatrenta na raw siya sa papasok na taon.

“I’m turning 40 next year. I have so many regrets but, I don’t know how to go back to where I used to be. This is not about work. This is about life altering decisions," pag-o-open up niya.

“Laying in hospital bed alone at 3am, I ask myself was it all really worth it? I’m may never know the answers but I pray to God that I can let go of all my baggages, hurt and guilt."

Kasama rin daw sa kanyang dasal ang matagpuan na ang taong makakasama lalo na sa mga malungkot na pagkakataon na ganitong may karamdaman siya. 

“Finally find someone who will sleep beside me in this small hospital bed till I fall asleep.”

Kung matatandaan, naging bukas sa publiko ang pinagdaanan ni Sunshine noong taong 2016. Ito ay ang naging hiwalayan nila ng estranged husband na si Timothy Tan, ama ng kanyang dalawang anak.

Umabot pa ito sa usaping legal kunsaan idinemanda ni Sunshine ang asawa maging ang babaeng umano’y naging third party sa kanilang pagsasama.

Isa kaya ito sa sanhi ng PTSD ng aktres na siyang tinalakay niya sa kanyang ikalawang post?

Ayon sa aktres: “And since I’m here alone feeling overwhelmed, guess it’s time to admit what I’ve been going through recently.

“Diagnosed with PTSD (post-traumatic stress disorder), depression, panic attacks, abandonment issues and that’s just skimming the surface.”

At sa mga nagtatanong o magtatanong kung bakit ngayon lang siya nag-open up, gusto na raw kasi niyang makawala sa tinatawag na ‘stigma.’

At naniniwala rin siya na walang masama na humingi ng tulong.

“I’m on xanor, jovia, revotil for emergencies and stilnox," pag-iisa-isa niya sa kanyang mga ininom na gamot for depression and panic attacks. "You may ask why now? Only because I want to free myself from the stigma. There’s nothing wrong to ask for help."

Umaasa raw siyang isang araw ay tuluyan na siyang makakawala sa kapit ng mga naglalaro sa kanyang isip.

"I know it’s very hard to get stuck in your head. But we can do it, baby steps. One day at a time.”

Marami sa mga kaibigan at kapwa celebrities ang nag-mensahe sa aktres sa comment section at nagsabing magpagaling ito at pagdarasal din nila siya.

Ilan sa mga ito ay sina Cherry Pie Picache, Karylle, Iza Calzado, Katrina Halili, Ciara Sotto, Vina Morales, Sherilyn Tan, Jackie Lou Blanco, at marami pang-iba.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sunshine Dizon on her estranged husband: “Nadapa at nagkamali...[pero] hindi ko naman matatawaran si Timothy [Tan] bilang tatay.”

Sunshine Dizon, kinilig sa pa-hashtag ng fans na #SunshineDizonAsDrFoster; aniya, “relate” siya sa naagawan-ng-asawa role kung sakaling ialok sa kanya

Sunshine Dizon, nag-level up as associate director sa bago niyang project

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.