Super Tekla, sinubukan daw balikan ang babaeng naanakan

Ayon kay Romeo (aka Super Tekla)—here with his daughter Aira—humingi raw siya ng second chance sa nanay ng anak niya noong nag-aartista na siya. In short, nakipagbalikan siya dito. Pero hindi na raw ito nag-work out.

Photos: Melo Balingit & @superteklahlibrada

Ayon kay Romeo (aka Super Tekla)—here with his daughter Aira—humingi raw siya ng second chance sa nanay ng anak niya noong nag-aartista na siya. In short, nakipagbalikan siya dito. Pero hindi na raw ito nag-work out.

Tunay na kakaiba ang naging fate nitong si Super Tekla (Romeo  Librada in real life). Dahil kung ’yong ibang closet gays ay pilit nagpapaka-lalaki; siya naman, na isang straight guy, ay minaster ang pagpapaka-bading (in both manners and speech) dahil dito niya nahanap ang pagkakaroon ng maayos na ikabubuhay.

Sa mga hindi naka-subaybay sa buhay ni Super Tekla, na-realize niyang may talent siyang i-impersonate sina Whitney Houston at Celine Dion. At dahil kaya niyang mag-boses babae, tinuloy na niyang mag-bading-badingan. At dahil likas ding kenkoy, pinag-combine niya ang lahat ng ito para maging lovable “beki.” Ito ang naging passport niya para makapag-comedy bar—using the name Super Tekla—and later on ay makapag-co-host sa Wowowin ni Willie Revillame sa GMA-7.

He then became a contract artist of the GMA Artist Center at nailako sa iba’t-ibang shows ng GMA-7. But it looks like 2019 is his year dahil bukod sa pagbibida sa sariling TV show—ang The Boobay and Tekla Show, eto siya at sinugalan ng Backyards Productions (a subsidiary of GMA Pictures) na ipag-produce ng pelikula, pero hindi pa rin bilang si Romeo kundi and character na nakilala ng mga tao na si Super Tekla. 

In his launching film Kiko En Lala, he is playing as conjoined male twins na isang beki at isang straight guy (too close to real life). The film, which is showing on September 25, will have his two characters fall for sexy actress Kim Domingo and hunk actor Derrick Monasterio.

Ayon kay Kim, Super Tekla has so perfected his act of playing gay that she forgets na hindi totoong beki si Super Tekla at p’wede itong ma-attract sa kanya in real life. 

Sa presscon kamakailan ng Kiko En Lala—kung saan naka-damit pambabae siya—pilit kinumpirma ng ilang members of the press kung straight nga siya dahil nga very convincing siyang mag-bading.

Ayon kay Super Tekla, pinag-aralan daw niyang mabuti ang sarili kung ano talaga siya. Sampung taon na kasi siyang nagba-bading role kaya inisip niyang baka na-i-imbibe na niya. Pero napatunayan daw niyang lalaki talaga siya dahil babae talaga ang gusto niya.

“Sabi nga nila, if you’re truly gay...kung totoong bakla ka, hindi p’wedeng walang booking. Charing! Hahaha!” pa-komeding pangangatwiran pa niya.

“Doon talaga [sa babae] ang ano ko, e,” dagdag niya. “Nanliligaw talaga ako.”

In fact, may dine-date daw siya sa kasalukuyan. At malinaw daw dito na hanap-buhay lang para sa kanya ang pagsu-Super Tekla.

Hindi rin daw lingid sa kaalaman ng daughter niya, who is now 12 years old, na may nililigawan nga siya. Yes, may anak siya. She was once estranged from him dahil hindi naging maayos ang paghihiwalay nila ng ina nito. Pero okay na sila ngayon.

Ang speaking of his daughter, malinaw na malinaw na rin daw dito kung ano siya.

“No’ng mga three, four years old, nako-confuse siya... ‘Daddy, bakit naglalagay ka ng makeup, bakit nagsusuot ka ng damit pam-babae?’ So, ine-explain ko sa kanya. Ginagawa ni daddy yan para may pagkain ka, may pang-gatas ka...’”

Ngayon daw na may isip na ito, happy siya na naging napaka-open-minded at supportive nito. Ito na raw ngayon ang kanyang Number One fan.

“Mahusay ang pagpapalaki ng ex [girlfriend]...Wow, ex!” natatawang tsika pa ni Romeo, this time.

Ayon pa kay Romeo, humingi raw siya ng second chance sa nanay ng anak niya noong nag-aartista na siya. In short, nakipagbalikan siya dito. Pero hindi na raw ito nag-work out.

“Kasi parang gusto kong matuldukan ang question mark na nakikita ko sa mata ng anak ko,” seryosong esplika niya. “Mga tanong ng anak ko, gusto kong tuldukan. Hindi na nag-work talaga so...let’s move on and then...ang maganda is okay kami para sa bata tapos wala kaming harang. Open kami para sa bata.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.