Supporter ni Francine Diaz, inilatag ang mga “resibo” sa isyu nila ni Andrea Brillantes; fans ni Andrea, tuloy din ang depensa

Nag-ugat ang unfollow issue ng mga young actresses and Gold Squad members na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz nang kumalat ang mga larawan na kuha sa bahay ng mga Diaz sa Cavite. Doon ay makikita si Seth Fedelin, ang ka-loveteam at rumored boyfriend ni Andrea. Nakasaad sa caption ng mga larawan na “late upload happy new year.” Dahil doon, inakala ng na agad na publiko na sa bahay ng mga Diaz nag-celebrate ng new year si Seth. Moreover, may mga napa-isip kung may namamagitan ba sa dalawang bagets na lingid sa kaalaman ng kanilang respective ka-loveteams.

PHOTOS: @francinesdiaz & @blythe on Instagram; INSET: @imsethfedelin on Instagram

Nag-ugat ang unfollow issue ng mga young actresses and Gold Squad members na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz nang kumalat ang mga larawan na kuha sa bahay ng mga Diaz sa Cavite. Doon ay makikita si Seth Fedelin, ang ka-loveteam at rumored boyfriend ni Andrea. Nakasaad sa caption ng mga larawan na “late upload happy new year.” Dahil doon, inakala ng na agad na publiko na sa bahay ng mga Diaz nag-celebrate ng new year si Seth. Moreover, may mga napa-isip kung may namamagitan ba sa dalawang bagets na lingid sa kaalaman ng kanilang respective ka-loveteams.

Nag-ugat ang unfollow issue ng mga young actresses and Gold Squad members na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz nang kumalat ang mga larawan na kuha sa bahay ng mga Diaz sa Cavite. Doon ay makikita si Seth Fedelin, ang ka-loveteam at rumored boyfriend ni Andrea. Nakasaad sa caption ng mga larawan na “late upload happy new year.”

Dahil doon, inakala ng na agad na publiko na sa bahay ng mga Diaz nag-celebrate ng new year si Seth. Moreover, may mga napa-isip kung may namamagitan ba sa dalawang bagets na lingid sa kaalaman ng kanilang respective ka-loveteams.

Para sa mga fans ni Andrea, betrayal ito kaya’t nauunawaan nila ang mga cryptic posts ng dalaga sa social media. Para sa mga fans naman  ni Francine, Andrea used the issue para magpa-underdog effect at palabasin umanong traydor si Francine at magalit ang mga tao dito.

Dahil dito, naglabas ng mga inipong ebidensya ang nagpakilalang supporter ni Francine Diaz sa Twitter na si @cinesart para depensahan ang aktres sa isyu nito with Gold Squad co-member Andrea Brillantes.

Matiyaga nitong pinagtagpi-tagpi ang series of events through a lengthy thread of tweets na ipinost niya noong January 13, para bigyang-linaw ang tila namumuong hidwaan sa pagitan ng dalawang Kapamilya actresses dahil kay Seth Fedelin. 

At dahil team Francine siya, gusto niyang patunayan na victim of mapanlinlang na mga posts ang kanyang idolo.

“[S]ince a lot of people are still confused as to what really happened, let me make a thread for everyone to know the details of the story. [S]o here’s a thread with the on-going issue about blythe/andrea, francine, and seth along with proofs and time stamps. TAKE NOTE,” panimula ni @cinesart sa kanyang thread.

Unang ipinaliwanag n’ya ang kumalat na larawan nina Francine at Seth na magkasama. Hindi daw ’yon galing sa official Facebook page ng Kapamilya actress kundi sa isang fake account na siyang naglagay ng caption na “Family is love.”

“[S]o kumalat ang issue because of certain posts, like [J]ustin [C]hua’s na pinost ang screenshot mula sa isang UNOFFICIAL page ni [F]rancine [D]iaz. [C]heck the photos for reference. [T]he first photo contains the fake [F]acebook page’s post, and the second photo is [F]rancine’s OFFICIAL page.”

Paliwanag pa n’ya, hindi daw magkasamang nag-celebrate ng Bagong Taon ang dalawa na s’yang iniisip ng netizens. Dahil kung susuriin daw mabuti, noong December 19, 2021 pa kinunan ang nasabing photo.

“[I]’d also like to clarify that [S]eth was not there during holidays. [H]e did NOT celebrate the [N]ew [Y]ear’s [E]ve there. [N]apadaan lang siya dahil parehas silang taga-[C]avite ni [F]rancine. THEY ARE FRIENDS and they are with [F]rancine’s manager. [C]heck the photos attached below for proof.”

Wala rin naman daw masama kung mapadaan man si Seth kina Francine dahil pareho naman daw silang taga-Cavite. Nabigyan lang daw ng malisya ang lumabas photo nila sa social media. Hindi lang naman daw kasi si Seth ang bumibisita sa bahay ng aktres kundi maging ang isa pa nilang kaibigan na si Angelica Lao.

Nagulat na lang daw sila sa “shady” TikTok videos at pagla-like ni Andrea sa mga tweets about unrequited love noong January 7, na tila patungkol kay Francine at Seth, gayong kasama naman daw ni Andrea ang aktor noong December 26 at 31 base sa mga ipinost nitong TikTok videos. 

At bilang patunay, ipinost ni @cinesart ang screenshot photos na magkasama sina Blythe at Seth nu’ng mga araw na ’yon. 

Pagpapatuloy pa n’ya, si Andrea din daw ang talagang nag-unfollow kay Francine sa Instagram.

Addressing Andrea, @cinesart wrote: “[Y]ou noticed that the casual viewers are already aware of your pattern, and that they did not like what you did kaya you followed francine again after unfollowing her? [B]ut then you pulled another stunt and BLOCKED HER para ‘di na kayo maging mutual.”

At dahil naka-unfollow na ang accounts nila sa isa’t isa dahil sa pamba-block diumano ni Andrea, muli daw itong nag-follow sa account ni Francine para palabasin na si Francine ang nag-unfollow sa kanya. 

“[K]asali sa instagram feature na by blocking someone, automatically mau-unfollow ka nung tao and the photos where you are tagged will immediately remove you from being tagged. check the tweet before this. [Y]ou blocked francine purposely and made it look like she unfollowed you,” pag-a-address niyang muli  kay Andrea.

Dagdag pa n’ya, “[T]hat’s all. [A]ndrea BLOCKED [F]rancine that’s why it seemed like [F]rancine unfollowed her, but there are proofs already that [B]lythe indeed blocked francine. [I] just wanna clear that part.”

Sunod-sunod na tanong pa n’ya kay Andrea: “[W]hy did you throw shade immediately the moment you woke up? [B]akit hindi mo cinontact si [F]rancine about this privately[?]

“[A]kala ko ba you hate baseless accusations and yet you immediately threw your friend under the bus just because of BASELESS ACCUSATIONS going around.”

Tila ang tinutukoy dito ni @cinesart ay ang “kagigising lang” TikTok video post ni Andrea kung saan sinabayan niya ang “Love You to Love Me” single ni Selena Gomez na may patama lyrics na:
“I gave my all and they all know it,
You turned me down and now it's showing...
In two months, you replaced us,
Like it was easy
Made me think
I deserved it...”

“[W]hy did you only unfollow [F]rancine to the extent that you even blocked her so that it would look like that she unfollowed you even though it’s not the truth? [W]hy did you not also block [S]eth? [B]akit hindi mo binibigay ang same energy kay [S]eth? [D]o you intend to blame [F]rancine only?”

P’wede naman daw kasi nilang linawin at I-settle ang issue na ito in private pero hindi daw ’yon ginawa ni Andrea. 

“[B]akit ka sobrang naka-focus kay [F]rancine sa issue ngayon? [W]hy not [S]eth?” tanong pa n’ya. “[W]hy not focus instead on the people who gave meaning to the photos? [F]rancine is just a call away, you could’ve settled things privately. [B]ut you didn’t.”

Pagtitiyak pa ni @cinesart, inilabas n’ya ang “resibo” para malinis ang pangalan at huwag makaladkad sa issue si Francine. 

“[I]’d just like to clarify that this isn’t a theory. THIS IS A THREAD TO CLARIFY WHAT’S HAPPENING AND TO CLEAR THE MALICIOUS INFO REGARDING FRANCINE. [T]here are proofs provided already,” saad n’ya.

Oo nga’t hindi nag-name drop si Andrea sa kanyang TikTok videos pero dahil sa ginawa daw nitong pag-a-unfollow kay Chin ay malinaw na daw para sa netizens na ang aktres ang pinatutungkulan nito. 

“Dahil may fan ni [B]lythe na nagkakalat, gusto ko lang idagdag na oo, [B]lythe did not mention [F]rancine’s name sa [T]ik[T]ok videos niya but: 1) One of the first things she did is to unfollow francine, causing for people to assume. 2) Her actions fed the malicious minds of each people,” paliwanag pa n’ya.

Sa kabila ng isyung ito, nagpahayag naman ng suporta ang mga fans ni Andrea sa aktres. 

Bwelta ng isa sa mga tumutuligsa kay Andrea, valid daw ang feelings ni Andrea na masaktan sa seeming betrayal na naganap at karapatan nitong maglahad ng feelings niya sa TikTok o kung saan man.

“WHAT? YOU CALL ANDREA IMMATURE JUST BECAUSE SHE UNFOLLOWED A PERSON ON IG? YOU CALL HER IMMATURE JUST BECAUSE OF WHAT SHE POSTED ON TIKTOK? AND WHAT, YOU CALL YOURSELF MATURE WHILE INVALIDATING HER FEELINGS? SHAME ON YOU. WE LOVE YOU ANDREA B.”

Say naman ng isa pa: “May tanong yung iba bakit may pa tp, it's not about the issue. But our love for Andrea Brillantes, we want her to feel how special she is lalo na masama pakiramdam niya. Kailangan niya kami at handa kaming iparamdam ito sa kanya, yakap mahigpit Blythe! WE LOVE YOU ANDREA B,” pahayag ng isa n’yang supporter.

May nagsabi rin na kahit anong mangyari, mananatili ang suporta n’ya sa aktres. 

“[B]lythe, [I] will ALWAYS be on your side. [N]o matter what happens. WE LOVE YOU ANDREA B,” pahayag nito.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.