Sylvia Sanchez at JM de Guzman, magtatayo ng negosyong gym with Ria and Arjo Atayde

“Mark my word, ito ang pinakamaganda—para sa akin, ha—ito ang pinakamagandang teleserye ni JM at ito ang pinaka- best performance niya. Mas aangat siya dito, mas hahangaan...mas hahangaan siya nang gano’n kalalim....” —Sylvia Sanchez on JM de Guzman

PHOTOS: Anna Pingol

“Mark my word, ito ang pinakamaganda—para sa akin, ha—ito ang pinakamagandang teleserye ni JM at ito ang pinaka- best performance niya. Mas aangat siya dito, mas hahangaan...mas hahangaan siya nang gano’n kalalim....” —Sylvia Sanchez on JM de Guzman

Habang hindi pa nagsisimula ang grand media conference ng Pamilya Ko kaninang hapon (August 30) na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay tsinika na namin ang bida ng teleserye na si Sylvia Sanchez habang naghi-hintay ng briefing.

 

Isa sa agad naming tinanong ay kung ano ang magiging kaibahan ng Pamilya Ko sa unang pinagbidahan niyang family drama na The Greatest Love na naging monster hit noong umeere pa ito at tumagal ng seven months (September 2016-April 2017).

 

“Walo ang anak ko [sa Pamilya Ko], wala akong Alzheimer’s [disease],” panimulang k’wento ni Ibyang (palayaw ni Sylvia). “And sa Greatest Love meron akong boyfriend nag-abroad, iniwan ako, na-rape ako kaya nagkaroon ako ng Dimples [Romana, who played as her palaban daughter Mandy Alegre], ng mga anak... pero ito ngayon dito, may asawa talaga ako na nag- abroad lang at babalik which is si Joey [Marquez]...’yon ’yong kaibahan.”

 

Kung tindi naman daw nang dramahan ang pag-uusapan ay halos parehas lang.

 

“Pareho, e. Pareho ’yong drama nito sa character ko bilang si Nay Gloria [of Greatest Love] at si Nanay Luz of Pamilya Ko]. Ngayon ang kaibahan lang nito normal ako, wala akong sakit. ’Yong lahat ng emotion mararamdaman ko... lahat ng pag iyak, lahat ng hagulgol, lahat ng kung anuman, ’yon ’yong mararamdaman ni Luz.”

 

Nilinaw din ni Sylvia ang akala ng karamihan na first time nilang magkaka-tandem ni Joey Marquez. Pero 1990s palang daw ay nagkaka-trabaho na sila. Nagkataon lang na after 30 years palang sila ulit nagka-trabaho.

 

“Hindi bata kami, diba? Bata kami, 17 [years old] ako, sabi niya 18 years old daw siya noon, nakagawa kami ng five or six movies,” balik-tanaw ni Ibyang. “Ang tagal na ’yon. After 30 years, nagbalikan kami ngayon, nag- work kami ulit after 30 years. Dito mag-asawa naman kami so ang sarap-sarap na ’yong partner ko before no’ng dalaga pa ako, eto ka-partner ko ngayon kaya eto, hindi ako hirap. Ang galing-galing ni Joey dito.”

 

(Nagkasama sila noong araw sa ilang pelikula ng Regal Films like Student Body, 1989; and Shake, Rattle, & Roll 2, 1990, to name a few.)

 

At dahil nga matagal na silang magkaibigan, may built-in chemistry na raw sila.

 

“Ay ang galing! I mean ako na magsasabi kusang lumalabas na nagugulat sila, ‘Huh?’ Normal sa amin ’yong halimbawa kahit walang halikan na smack [sa eksena], dahil kaibigan kami...’yong alam mo ’yon matagal na kami magkasama so parang pag natutuwa kami [sa eksena], nag-smack kami. So, sabi nila, ‘May smack talaga?’ So, sa amin wala ’yon. So, ang ganda ng chemistry, ang ganda ng rapport naming dalawa.”

 

Ayon kay Sylvia, maiko-consider niya pagganap ni Joey sa teleseryeng ito as one of his bests in his lifetime as an actor.

 

Si Joey, ito ang for me, ha, ang dami na niyang ginampanan na magagandang role but for me ito ang pinakamagandang role ni Joey.”

 

Sa puntong iyon ng aming pag-uusap ni Sylvia ay biglang sumingit si JM de Guzman at nagbigay-pugay sa aktres. Kaya naman automatic na sa kanya nabaling ang aming topic. Si Sylvia na mismo na nagbaling ng topic kay JM, who is playing as her panganay among eight kids in the TV series. Ayon kay Sylvia, bukod kay Joey, lutang na lutang daw ang husay ni JM sa family drama na ito.

 

“Ito, tandaan mo ito,” giit ni Ibyang. “Ang mga shows niya magaganda... ’yong mga nakaraan niyang shows, walang problema ’yon. Ang galing niya. Pero mark my word, ito ang pinakamaganda—para sa akin, ha—ito ang pinakamagandang teleserye ni JM at ito ang pinaka- best performance niya. Mas aangat dito, mas hahangaan...mas hahangaan siya nang gano’n kalalim....”

 

Namilipit naman sa pagba-blush ang aktor.

“Hindi ko na kaya...” say ni JM.

 

“Hindi nga, totoo nga. Binu-bullshit ba kita? Ako nang-bu-bullshit?” pa-totoong bwelta ni Ibyang sa nahihiyang si JM.

 

“Overwhelm lang... kasi galing sa inyo,” paliwanag ni JM kay Ibyang.

 

Hinayaan naming sila muna ang mag-usap.

 

“Hindi kaya umayos ka, ha, at mahal kita alam mo ’yon,” direktang sabi ni Ibyang kay JM. “Love you, love you.”

 

Habang nage-excuse si JM ay binalikan kami ni Ibyang para ituloy ang mga papuri kay JM.

 

“Mabait ito, mabait to. Dyusko, mabait na bata yan. Love ko yan sobra at saka magaling siya.”

 

Ayon kay Ibyang, baguhang artista palang si JM ay close na sa pamilya nila. Suki daw nila ito sa kanilang restaurant noon sa Quezon City na katabi lang ng condominium building ni JM.

 

At dahil si JM na rin lang ang topic, inusisa namin si Sylvia kung ano ba ’yong business na pagso-sosyohan nila, kung saan involved din ang mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde (na incidentally ay nali-link pa rin kay JM) at ang Mixed Martial Arts Champ (MMA) na si Brandon Vera.

 

Pinabalik ni Sylvia si JM.

 

“Ah, ’Nak, ’Nak halika nga, explain ka nga. Tinatanong ako sa business nating bubuksan, e, ikaw magsabi ano ’yong business natin tungkol sa ano... “

 

“Ano po gym—Alliance Gym,” esplika naman ni JM.  “Dinala po nila ’yong heavyweight champion ONE FC, ’yong gym nila, dito sa Philippines. Mag-i- invest kami. For martial arts, para sa health awareness, mental health awareness, anti-bullying... ayon.”

 

Bale magiging co-investors daw sila JM at ang pamilya Atayde sa existing business ni Brandon. JM and the Ataydes are building their own branch, kumbaga. September daw ang original target date nila na magbukas pero tila hindi raw kakayanin.

 

“Ginagawa na po, e. Target September buksan kaso feeling ko hindi pa wala pa ’yong...wini-welding palang ’yong...”

 

Malapit daw ang puso ngayon ni JM sa MMA at sa tingin niya ay magandang investment ang MMA gym.

 

Ayon naman kay Ibyang, si JM ang nagyaya sa kanilang mag-iina na sumali sa negosyo. And they sealed the deal noong nag-post si Sylvia ng meeting nila, na ginanap sa bahay ng mga Ataydes, sa social media kamakailan lang.

 

“Hinila niya ako doon, dinala niya ako doon. ‘’Nay gusto mo? Sosyo ka?’ Okay, go.  Hinila lang talaga ako ni JM, e. Gusto ko naman kasi, of course, Brando Vera is Brandon Vera. Maganda ’yon diba?”

 

(Brandon Vera, whom we all remember as one of the good guys in the action flick, BuyBust, is an MMA star and ONE Championship heavyweight world champion. At ang tinutukoy naman ni JM na Alliance Gym ay ang Alliance MMA Gym na unang itinatag sa California. It’s a American mixed martial arts training facility that honed the skills of several professional mixed martial artists na naging parte ng iba’t ibang fighting organizations such as the Ultimate Fighting Championship, World Extreme Cagefighting, Strikeforce, and Bellator)

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:


JM De Guzman dines with Ria Atayde and Arjo Atayde

Arjo at Ria, ginawang parang Makati ang Hong Kong, makapiling lang ang nanay sa birthday niya

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.