Sylvia Sanchez, hindi pa rin makapaniwalang kongresista na si Arjo Atayde; “Di ko akalain darating ang araw na ’to sa buhay natin.”

May bago ng role si Arjo Atayde at iyon ay ang pagiging kinatawan ng First District ng Quezon City. Kaya naman may paalala sa kanya ang nanay niya na si Sylvia Sanchez.   “Be a good public servant like I know you will be. Serve and love your people the way they deserve,” saad ni Sylvia.    

PHOTOS: @makeupbymonicareyes & @sylviasanchez_a on Instagram

May bago ng role si Arjo Atayde at iyon ay ang pagiging kinatawan ng First District ng Quezon City. Kaya naman may paalala sa kanya ang nanay niya na si Sylvia Sanchez. “Be a good public servant like I know you will be. Serve and love your people the way they deserve,” saad ni Sylvia.  

Hindi pa rin umano makapaniwala ang seasoned actress na si Sylvia Sanchez na isa nang ganap na kongresista ang eldest son n’ya at aktor na si Arjo Atayde.

Nagsimula na kasi ito sa bago nitong role bilang kinatawan ng First District ng Quezon City ngayong nagbukas na ang 19th Congress nitong July 25. 

Sinamahan pa nila ng mister n’yang si Art ang anak nilang actor-turned-politician para dumalo sa first-ever State of the Nation Address (SONA) ni President Bongbong Marcos na ginanap sa Batasang Pambansa. 

Hindi raw n’ya inakalang aabot sila sa puntong iyon na magiging mambabatas si Arjo at nabigyan sila ng privilege na maka-attend sa isang historic event.

“Still so surreal to have witnessed your first day in congress and to have walked the red carpet with you for the SONA. Di ko akalain Darating ang araw na ‘to sa buhay natin. Keep at it, @arjoatayde!” pahayag ni Sylvia sa kanyang Instagram post ngayong araw, July 28. 

Kalakip nito ang series of videos and photos ni Arjo nang bumoto ito sa bagong Speaker of the House na si Cong. Martin Romualdez at ang paglalakad nilang tatlo sa red carpet papasok sa loob ng plenary hall. 

“Your dad, siblings and I are so proud of you and will be here for you every step of the way,” saad pa ni Sylvia. 

Nag-iwan din ng paalala ang aktres sa kanyang panganay na ngayon ay hindi lang aktor kundi isa na ring lingkod-bayan. 

“Be a good public servant like I know you will be. Serve and love your people the way they deserve. Congratulations Cong!” pagtatapos ni Sylvia. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Sylvia Sanchez and Art Atayde celebrate 16 years of marriage and over 30 years of being together; their daughter Ria tells them “a love like your love is all i want.”

Sylvia Sanchez is simply grateful to be celebrating her 49th birthday after surviving COVID-19

Sylvia Sanchez, nanumbalik ang trauma sa bagyo at alaala ng Ondoy dahil sa pananalasa ni Super Typhoon Ulysses

Pika's Pick: Sylvia Sanchez gets to meet and chat with Squid Game star Lee Jung-jae at the K-Movie night event of the Cannes International Film Festival in France

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.