Sylvia Sanchez, maligaya para sa newly-engaged niyang anak na si Ria Atayde

Para sa actress and celebrity mom na si Sylvia Sanchez, mabuting anak ang daughter n’yang si Ria Atayde kung kaya’t deserve umano nitong maging masaya.

PHOTOS: @sylviasanchezph on Facebook & @onlyzanjoemarudo on Instagram

Para sa actress and celebrity mom na si Sylvia Sanchez, mabuting anak ang daughter n’yang si Ria Atayde kung kaya’t deserve umano nitong maging masaya.

Happy ang seasoned actress and celebrity mom na si Sylvia Sanchez ngayong engaged na ang anak niyang si Ria Atayde.

Deserve umano ng daughter n’ya na maging masaya dahil mabuti itong anak

Ito ang laman ng latest Instagram post n’ya kasunod ng announcement nina Ria at boyfriend nitong si Zanjoe Marudo na magpapakasal na sila.

“Happy ako sobra para sa iyo Potpot @ria [Red heart emoji] Deserve mo yan dahil napakabuti mong anak [Red heart emoji],” pahayag ni Sylvia sa kanyang IG post.

Kalakip nito ang short video ng eldest daughter n’ya na umaahon sa dagat.

Kung matatandaan, naging vocal si Sylvia in her past interviews na gusto na n’yang magka-apo kaya naman masaya s’ya ngayong mag-aasawa na rin ang  ikalawa niyang anak na si Ria. 

(Nauna na kasing ikinasal kay Maine Mendoza ang panganay n’yang si Arjo Atayde.)

Last Tuesday, February 20, nang ibahagi ni Ria sa publiko na nag-propose na ng kasal sa kanya si Zanjoe at tinanggap niya iyon.

“Forever sounds good [White heart and ring emoji],” maikling caption ng 31-year-old Kapamilya actress sa kanyang post kasama ang photos nila ng nobyo niya at ng singsing na bigay nito sa kanya.

For Zanjoe naman, ibinida n’ya si Ria sa kanyang Instagram Story kung saan tinawag n’ya itong fiancee.

SCREENSHOT: @onlyzanjoemarudo on Instagram

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ria Atayde and Zanjoe Marudo are now engaged!

Ria Atayde, stepping out of her mom Sylvia Sanchez's shadow

Pika's Pick: Zanjoe Marudo posts photos with girlfriend Ria Atayde for the first time

Ria Atayde admits having suffered from body dysmorphic disorder before joining showbiz

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.