Sylvia Sanchez, may apela sa ilang miyembro ng AlDub nation

PHOTOS: Anna Pingol  & @sylviasanchez_a

PHOTOS: Anna Pingol & @sylviasanchez_a

"Ako na lang ang patayin niyo. Ako na lang na nanay, ako na lang. Pero wag na wag ang mga anak ko."

Ito ang pakiusap ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez sa bashers na nagbabanta sa buhay ng kaniyang pamilya ilang araw matapos makumpirma ang balitang “exclusively dating” ang kaniyang anak na si Arjo Atayde kay Maine Mendoza

Kaugnay ang pakiusap ni Sylvia sa kanyang Twitter outburst noong Biyernes, kung kailan sinagot niya ang ilang miyembro ng AlDub Nation, ang mga tagahanga ng tambalang Maine Mendoza at Alden Richards, matapos nilang sabihin na ginagamit lang ni Arjo si Maine upang lalong sumikat. 

Nagbigay ang aktres ng oras at lokasyon sa mga nasabing basher upang makausap niya sila. 

Narito ang tweets si Sylvia: 

 

 

 

 

Sa presscon ng Jesusa ngayong araw ay maluha-luhang pinaliwanag ni Sylvia na wala siyang masamang balak nang imbitahan ang bashers na makipagkita. 

Paliwanag ni Sylvia: "Hindi ako makikipag-usap sa kanya dahil manggugulo ako, hindi ako makikipag-usap sa kanya dahil mang-aaway ako. Hindi ako palaaway na tao."

Pero ang hindi daw matiis ng aktres ay ang mga banta sa buhay ng kaniyang pamilya, na iniinda niya mula pa noong Setyembre. 

Naluluhang sabi ng aktres: "Tiniis ko lahat since September. Bumigay ako no'ng Friday, last Friday. 

"Ina ako na nagtitimpi, ina ako na nasasaktan para sa mga anak ko. Sinong ina na lalaitin yung anak mo? Masakit yon. 

Pero 'yong makita ko na sabihin ng mga AlDub Nation fans, hindi naman lahat kasi naniniwala pa rin ako na merong mga fans ang AlDub na mababait, na good heart, pero may mga bashers talaga. 

Ito na lang pakiusap ko sa inyo bilang ina. Yung pagbabanta nyo na patayin si Ria, si Arjo, ako, asawa ko... ako na lang. Ako na lang. 

"Barilin nyo ako, tanggalin nyo ang buhay ko sakin. Ako na lang. Bilang nanay, wag 'yong anak ko. Wag na sila. Ako na lang. 

Nakikiusap ako, ako na lang patayin nyo. Yon lang."

Unang na-link si Arjo kay Maine habang shino-shoot ang pelikula nilang Jack Em Popoy na pinagbidahan din nina Vic Sotto at Coco Martin. Nakita ang dalawa sa publiko ng ilang beses ngunit nitong huling Linggo lang umamin si Arjo na "exclusively dating" nga sila ni Maine.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.