Tanong nang “na-offend” na si Vice Ganda kay former It’s Showtime director na si Bobet Vidanes: “Ano’ng nangyari sa pangako?”

PHOTOS: @praybeytbenjamin & @direkbobetvidanes on Instagram

PHOTOS: @praybeytbenjamin & @direkbobetvidanes on Instagram

Inamin ng comedian-TV host na si Vice Ganda na nagulat at na-offend daw s’ya nang biglang mag-resign sa noontime show nilang It’s Showtime ang direktor nilang si Bobet Vidanes. 

Matatandaang napabalita noong November 2020 ang biglaang pagre-resign ni Direk Bobet sa Kapamilya noontime program after eleven years at lumipat ito sa Brightlight Productions na isa sa mga blocktimers sa TV5.

Nitong Linggo—through a vlog entry in his YouTube Channel Vice Ganda Network—naglabas ng saloobin si Vice Ganda kasama ang boyfriend n’yang si Ion Perez at anak-anakan na si Ryan Bang tungkol nga sa pag-alis ng kanilang direktor. 

Habang nasa sauna ang tatlo, napag-usapan nila ang mga experience nila as hosts ng It’s Showtime hanggang sa pumasok nga sa topic nila ang pag-alis ni Direk Bobet. 

Pahayag ni Ion, nagulat daw s’ya nang malamang iniwan na ni Direk Bobet ang kanilang show. 

Nagulat. Nanghihinayang na medyo nagtatampo,” lahad ni Ion. 

Naiyak naman daw si Ryan sa nangyari dahil tatay na daw ang turing n’ya sa direktor.

Ako s’yempre, ang sakit. S’yempre, naiyak ako,” pag-amin ng Korean-born TV host-comedian. “Tatay natin ‘yon, e, ‘di ba? Tatay natin sa show. Dapat walang iwanan kasi, s’yempre, isang pamilya tayo. Kaya nga, na-miss ko din s’ya kasi iba ‘yong samahan, hindi natin mabiro ‘yong samahan natin.

Sinang-ayunan naman ni Vice ang sinabi ni Ryan na nami-miss n’ya si Direk Bobet.

Imposibleng hindi mo ma-miss ‘yon, ano?” hirit ni Vice. “Kasama mo araw-araw for eleven years. Mami-miss ko din naman s’ya. Nakakahinayang lang din, no?

Natanong din ni Vice kung na-offend ba si Ryan sa biglaang pag-iwan ni Direk Bobet sa noontime show. 

Hindi naman ako na-offend kasi i-try ko din lahat para maintindihan ko din side ni direk,” sagot ni Ryan kay Vice. “‘Yong side ni direk kasi… Siguro may pinagdadaanan din sa pera. Kasi ako, wala naman ako totoong anak, e. So baka kung nahihirapan talaga sa pera siguro… Pero s’yempre, nakakaiyak talaga. Nakakalungkot.

Dagdag tanong pa ni Vice sa kanyag co-host, “Nalaman mo ba kung bakit s’ya nag-resign, kung bakit s’ya umalis? Nasabi ba n’ya sa’yo ‘yong rason n’ya kung bakit?

Muli namang inulit ni Ryan ang kanyang sagot at sinabing may kinalaman daw sa pera ang pag-alis ni Direk Bobet at si Vice naman ang kanyang tinanong. 

Basta ‘yong alam ko, kailangan n’ya ngayon… Marami s’ya binabayaran,” sagot ni Ryan. “Kailangan n’ya yata pera, ganu’n. As father, siguro, kailangan n’ya. Ikaw, mommy, anong naramdaman mo nu’ng nalaman mo na [nag]resign si direk?

Wala. S’yempre, nagulat. Wala namang nakakaalam,” sey ni Vice. “Wala rin namang… Ewan ko kung walang nakakaalam. Hindi ko alam kung alam n’yo o hindi. Ako, personally, hindi ko alam. Hindi ko alam kung alam nila Vhong [Navarro] o kung sino. Kasi nu’ng nag-usap-usap tayo, sinabi n’yo ring lahat na hindi n’yo rin alam, ‘di ba?

At dahil nga hindi nagpaalam sa kanila ang direktor ay nag-reach out daw dito si Vice para makuha at maintindihan n’ya ang side nito.

“So, hindi ko alam kung pare-pareho nating alam. Pero ako, nagulat ako kasi hindi ko alam. ‘Di ba, sana… Nagulat, nagtaka, nagtanong. Tapos inaya ko s’yang mag-ano… Tinext ko s’ya. Mag-usap kami para lang maintindihan ko, ‘di ba?

However, wala daw s’yang nakuhang sagot mula rito.

Hindi n’ya ako sinagot. Para akong… ‘Di ba? Para alam ko man lang o alam man lang natin o isa man lang sa ‘tin alam ‘yong totoong rason. Kasi ‘yong rason, ‘yon ‘yong sinabi n’ya sa management. Pero ‘yong personal, wala naman s’yang kinausap sa atin, ‘di ba?

Nakakagulat lang din,” pagpapatuloy n’ya. “Parang after eleven years, ganu’n lang pala ‘yon. Kung meron man tayong bahagi du’n sa dahilan n’ya para umalis sana nalaman man lang natin, ‘di ba? 

Hiling pa n’ya noon, kung ano man daw ang rason ng pag-alis ni Direk Bobet ay napag-usapan sana nila ito at nagawan ng paraan kung sakali. 

At kung meron man, kumbaga, tayo, isa man lang sa ‘tin ang dahilan kung bakit s’ya umalis, sana alam natin para napag-usapan. Kasi kung meron man, bakit hindi napag-usapan for eleven years? Tapos biglang pak. Wala na,” lahad pa ni Vice. 

Kung ano man ‘yong dahilan n’ya, sana napag-usapan. At kung talagang family tayo… Kung napag-usapan baka nagawan ng paraan. Baka natulungan natin ang isa’t isa, ‘di ba? Kung may pinagdadaanan s’ya nu’n baka nakagawa tayo ng paraan.

At sa puntong ito na inamin ni Vice na na-offend s’ya sa biglaang pag-iwan sa kanila ng direktor lalo pa’t nangako daw sila as a team na walang iwanan. 

‘Yon lang din. Ang plastic ‘pag sinabing hindi ako na-offend,” pag-amin n’ya. “Parang, naloka din ako. Parang, ano ‘yon? Ganu’n lang? Walang sabi-sabi after eleven years? 

Nanggaling pa ‘yon sa anniversary na meron pa tayong tsika na walang iwanan kahit anong mangyari. Sa opening, ‘di ba, may ganu’n-ganu’n tayo. Tapos right after… few days after the anniversary bilang maririnig na parang… Anong nangyari sa pangako?

Dahil nangyari na nga, nanghihinayang na lang daw si Vice sa nangyari sa kanilang pinagsamahan sa loob nang mahabang panahon. 

Hindi ko alam kung pa’no s’ya idya-judge,” aniya. “Hindi ko alam kung pa’no, kung anong gusto n’yang sabihin dahil wala naman s’yang sinabi. Pero totoo ‘yong sinabi mo. Nakakahinayang ‘yong samahan. Eleven years, ‘di ba?

Naalala pa ni Ryan nu’ng mga panahong ‘yon na humihingi ng tulong si Vice mapigilan ang pag-alis ni Direk Bobet.

Kasi s’yempre, kung meron naman tayong pipiliin na maging direktor wala namang iba ‘yon kundi s’ya,” paliwanag pa ni Vice. “S’yempre, tatay na tatay nga, ‘di ba? Ipagpapalit mo ba ‘yong tatay mo? Kahit ano pa ‘yan, kahit ‘di pa tayo magkasundo… 

Parang nanay mo. Kahit ‘di kayo magkasundo, lagi kayong nagtatalakan, nanay mo ‘yan, e. Hindi mo ‘yan ipagpapalit, e. So ganu’n din. 

Kinalakihan ko na ‘yong Showtime na s’ya ‘yong tatay ko. Kaya hangga’t maaari, nakiusap ako sa inyo na pigilan n’yo.

Nami-miss din daw n’ya paminsan-minsan si Direk Bobet.

Imposibleng hindi mo ma-miss ‘yon,” pahayag pa n’ya. “Naaalala ko s’ya. Naiisip ko s’ya, Naaalala ko. Hindi ko alam kung ano ‘yong ‘miss,’ kung anong klaseng ‘miss,’ pero naiisip ko s’ya minsan. Naaalala ko s’ya. Nababanggit ko s’ya.

Gayunpaman, hiling daw ni Vice na maging okey ang direktor sa kung ano man ang resulta ng naging pasya nito. 

Pero ang wish ko, sana okey s’ya. Sana okey s’ya kung ano man ang kinahinatnan nu’ng desisyon n’ya. Sana okey s’ya,” pagtatapos ni Vice.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda, hindi daw iiwan ang ABS-CBN: “Magkamatayan na.”

Vice Ganda, nanibago sa kanyang Pasko na walang MMFF entry

Vice Ganda displays thoughtfulness for Ion Perez by releasing heartwarming single "Mahal Ako Ng Mahal Ko" as anniversary gift

Ion Perez slams critics saying he is likely to cheat on Vice Ganda, says he also hurts for his mom being called “mukhang pera”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.