Tanong ni Ara Mina sa komento ni Lolit Solis na “may presyo” ang kasal niya: “Saan naman sila nakakuha ng details na ganyan?”

PHOTOS: @davealmarinez & @akosilolitsolis on Instagram; INSET: @therealaramina on Instagram

PHOTOS: @davealmarinez & @akosilolitsolis on Instagram; INSET: @therealaramina on Instagram

Sinagot ng aktres na si Ara Mina ang komento ng showbiz news writer na si Lolit Solis tungkol sa kanyang nalalapit na kasal sa fiancé na si Dave Almarinez. 

Sa post kasi ni Manay Lolit sa kanyang Instagram noong February 22, sinabi nitong bagama’t natutuwa daw s’ya na ikakasal na ang aktres ay hindi nito nagustuhan ang lumabas na report na magiging engrande ang magaganap na kasal.

“Natutuwa na sana ako Salve sa balitang natagpuan na ni Ara Mina ang lalaking mamahalin habang buhay,” panimula ni Manay Lolit sa kanyang mahabang komento. 

“Nakakatuwa dahil matapos ng ilang pagkabigo sa relasyon, heto at kahit pa nga meron din konting intriga sa magaganap na wedding nila dahil sa past relationship ng groom, ok parin, dahil si Ara Mina ang pinili na ihatid sa altar.”

At dito na n’ya inilahad ang presyo ng magagagastos daw sa kasal na s’yang dahilan ng kanyang pagkadismaya. 

“Hindi ko lang nagustuhan iyon sinulat ni Linda Rapadas na 2.8 [million] iyon worth ng ring at 10K per plate ang pagkain sa reception,” aniya. 

Ang pinupunto ni Manay Lolit ay hindi daw magandang magpakita ng karangyaan ngayon sa panahon ng pandemya dahil marami ang mga nawalan ng trabaho at nagugutom.

“Pera naman nila iyon, ok lang,” sey pa ng veteran showbiz news writer, “pero di ba in bad taste na ngayon pandemic pinag uusapan iyan mga halagang ganyan ? Bilyonaryo ba ang groom ? Multi millionaire ? 10K per plate, talagang meron presyo, 2.8 ang worth ng ring, grande ha.”

Komento pa n’ya, hindi rin daw maganda na lumustay nang malaking halaga sa magaganap na kasal dahil baka masaktan daw nang husto ang dating karelasyon ng boyfriend ni Ara. Imbes daw kasi na ito ay s’ya ang napiling pakasalan at paglustayan nang malaking salapi.  

“Sana naman inisip ni Ara Mina na para bang over the top naman ang mga ganitong balita,na para bang nakakawala ng romance dahil meron presyo na naka tag. 

“Saka ok lang kundi nabalita nuon na meron ibang babae na involved na puwede umiiyak ngayon , o baka iyon nga ang purpose , ang lalo pang umiyak ang babae na naiwan ?” pagpapatuloy pa ni Manay Lolit.

“Sana Ara medyo dahan dahan sa mga pasabog, hindi classy iyon may pinag uusapan ang presyo, parang may konting yabang.

“Ok na maging maligaya ka, huwag na may presyong nakakabit, mas maganda at romantic pang lalabas. Happy wedding at congrats. #classiclolita #takeitperminutemeganun,” pagtatapos n’ya.

SCREENSHOT: @akosilolitsolis on Instagram​​​​

Hati naman ang Netizens sa kanilang mga naging komento sa post ni Lolit. 

May ilang nagsabi na mas mabuti nang simple lang ang kasal. Sey naman ng iba, kung magiging magarbo man ang kasal ng aktres ay deserve n’ya ‘yon. 

Sabi naman ng isang fan na nag-tag pa sa aktres, si Ara lang ang may sey sa kung ano ang gusto n’yang mangyari dahil kasal n’ya naman ‘yon at pera n’ya ang gagamitin para doon. 

“Oh, c’mon! She is a non-stop working woman,” pahayag ng isang Netizen. “For me, and as a woman view, it’s only rightful to make her wedding as the best moment of her life. After all all it’s her hard earned savings. Best wishes,  @therealaramina”

SCREENSHOT: @akosilolitsolis on Instagram

Nagpasalamat naman si Ara sa kanyang reply the following day.

“[O]h I just saw this. Maraming Salamat po,” sagot ni Ara sa nag-tag sa kanya.

Sinabi rin n’yang natatawa at nagtataka s’ya sa mga natatanggap n’yang komento sa magiging kasal nila ni Dave dahil sila daw mismo ay hindi pa napa-finalize ang mga detalye para doon. 

Ibinida din n’ya na marami ang gustong mag-sponsor sa kanilang kasal gaya ng sinabi n’ya sa exclusive interview sa kanya nina Butch Francisco at Anna Pingol sa online show na This Is Showbiz kamakailan. 

“Natatawa lang ako saan naman sila nakakuha ng details na ganyan ni wala pa ngang napa-finalize and maraming pong nagmamahal sa amin na mga kaibigan at mga ninangs and ninongs na gusto magsponsor sa wedding namin. May God bless them.

“Ikakasal na lang tao dami pang ganyan. Haaaay life!” pagtatapos ni Ara.

SCREENSHOT: @akosilolitsolis on Instagram

PANOORIN ang interview kay Ara Mina at Dave Almarinez ng This Is Showbiz dito:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Ara Mina, thrilled about her fiancé Dave Almarinez’s Eat Bulaga guesting

Para kay Ara Mina, ang fiance na si Dave Almarinez ay isang “answered prayer.”

Pika's Pick: Barbie Imperial is ecstatic over her Ate/BFF Ara Mina’s engagement

Pika's Pick: Ara Mina and USec Dave Almarinez are engaged!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.