Tanong ni Mikee Quintos kay Kelvin Miranda: “Mas gusto mo bang ka-love team si Beauty [Gonzalez] kesa sa akin?”

Parehong successful at sinubaybayan ng mga manonood ang naging tambalan nila noon ni Mikee Quintos sa fantasy romance series na The Lost Recipe (2021), at ang gayundin naman ang team up nila ni Beauty Gonzalez sa teleseryeng Stories From The Heart: Loving Miss Bridget (2021) na may temang May-December love affair.

PHOTOS: @iamkelvinmiranda, @mikee, & @beauty_gonzalez on Instagram

Parehong successful at sinubaybayan ng mga manonood ang naging tambalan nila noon ni Mikee Quintos sa fantasy romance series na The Lost Recipe (2021), at ang gayundin naman ang team up nila ni Beauty Gonzalez sa teleseryeng Stories From The Heart: Loving Miss Bridget (2021) na may temang May-December love affair.

Na-hot seat nang slight ang young Kapuso leading man na si Kelvin Miranda dahil natanong s’ya tungkol sa kung sino ang mas bet n’yang onscreen ka-tambal.

Nangyari ito sa segment na “Tarantanong” ng morning show na Mars Pa More - hosted by Camille Prats, Iya Villania, and Kuya Kim Atienza - na ipinalabas noong March 30.

Naging extra intense ito nang i-flash on screen ang aktres na magtatanong sa kanya at iyon ay walang iba kundi ang dati niyang ka-love team na si Mikee Quintos

“Hi, Kelvs. Ito ang 'tarantanong' ko para sa ’yo. Mas gusto mo bang ka-love team si Beauty [Gonzalez] kesa sa akin? Hahaha! Good luck,” diretsahang tanong Mikee sa video.

Tila nga na-corner si Kelvin dahil parehong successful at sinubaybayan ng mga manonood ang naging tambalan nila noon ni Mikee sa fantasy romance series na The Lost Recipe (2021), at gayundin naman ang team up nila ni Beauty sa teleseryeng Stories From The Heart: Loving Miss Bridget (2021) na may temang May-December love affair. 

“On the spot, ah… No,” natatawang sagot ng aktor sa tanong.

At nang oras na para magpaliwanag, sinabi n’yang hindi s’ya namimili ng katrabaho kaya wala s’yang paborito alin man kina Mikee at Beauty.

Wala naman akong paboritong leading lady o katrabaho,” pa-safe na sagot ni Kelvin.  

Ako, nasa stage pa ako na nag-e-explore. Gusto ko makatrabaho lahat. Parang…walang tinutukoy na specific…parehas ko naman silang gusto,” pagdidiin pa n’ya.

Sa ngayon ay napapanood si Kelvin sa GMA primetime series na Mano Po Legacy: Her Big Boss kung saan ka-love triangle ang role n’ya ng mga karakter nina Bianca Umali at Ken Chan.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.