Taylor Swift’s “Me” single, namemplang ng records

PHOTOS: @taylorswift on Instagram

PHOTOS: @taylorswift on Instagram

Natuwa ang mga fans ni Taylor Swift sa buong mundo dahil sa pag-drop nito ng kanyang latest single title last April 26 titled “ME!” kunsaan kasama niya si Brendon Urie of Panic! at The Disco.

Isang linggo na nagpo-post si Taylor sa kanyang social media ng pastel colored photos na may caption na “4.26”.

Iba ang music this time ni Taylor kumpara sa dark and intense music niya sa last album niya na Reputation.

“Me! is a song about embracing your individuality and really celebrating it and owning it. With a pop song, we have the ability to get a melody stuck in people's heads. I just want it to be one that makes them feel better about themselves, not worse,” sey ni Taylor.

The music video ay gawa sa rainbow colored visuals at may kasama pang unicorn. Nag-a la Mary Poppins pa si Taylor with matching umbrella. Featured din sa music video ang dalawang pet cats niyang sina Meredith and Olivia.

Si Taylor ang mag-o-open ng Billboards Music Awards 2019 with her new song Me!

One day after the release ng music video ng ME! binasag na ng singer ang record sa YouTube as “solo and female artist with the biggest 24-hour debut on YouTube.”

Umabot sa record-breaking 65.2 million views ang music video ng ME!

Tinalo na nga ni Taylor ang may hawak na record na si Ariana Grande na may 55 million views noong i-launch nito ang single na Thank U, Next.

May higit na 33 million subscribers si Taylor sa kanyang official YouTube channel. This makes her one of the eight musicians who have over 30 million subscribers.

Kasalukuyang tinatapos ni Taylor and film adaptation ng musical na Cats. 

Kelan lang ay nakabilang si Taylor sa Time 100 Most Influential People of 2019. 

Ang kanyang Reputation Tour ay nag-gross ng $345.7 million over 7 months, after which she released a concert film on Netflix.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

High School Musical: The Series, sinisimulan na

Laine Hardy, destined talagang maging American Idol!

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.