Tekla, ginugutom umano ang live-in partner, anak, at mga pamangkin ng ka-live in kapag hindi ito napagbibigyan sa kama

PHOTOS: @superteklahlibrada on Instagram, Raffy Tulfo in Action on YouTube

PHOTOS: @superteklahlibrada on Instagram, Raffy Tulfo in Action on YouTube

Luhaang nagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo” ngayong araw, October 20, si Michelle Lhor Bana-ag na nagpakilalang live-in partner daw ng komedyanteng si Romeo Librada o mas kilala sa screen name na Super Tekla.

Ayon kay Michelle, dumanas daw s'ya ng sexual abuses sa kamay ng kinakasamang Kapuso TV host-comedian. Pinipilit diumano s'ya nito na makipagtalik kahit labag sa kanyang kagustuhan.  

"Sir Raffy, masama po ang pakiramdam ko," panimula n'yang sumbong sa show via Zoom. "Kada hapon po nilalagnat ako. Sumasama po ang pakiramdam ko. Ang bigat po ng ulo ko. 

"Hindi n'ya po maintindihan. Hindi n'ya po marespeto 'yong ganu'ng ano ko po..." 

K’wento pa n'ya, pinaturukan daw kasi s'ya ni Romeo ng contraceptives para makaiwas sa pagbubuntis kahit galawin s'ya nito. 

"Kasi pina-injection-an n'ya po ako ng family planning kasi hindi n'ya po mapigilan ang sarili n'ya," salaysay ni Michelle. "Gusto n'ya po ako galawin...para daw po safety, pina-injection-an n'ya ako. 

"Ngayon po, ang epek, sumama po pakiramdam ko. Nilalagnat po ako kapag hapon. Pero gusto n'ya pa rin pong ganu'n....gawin po 'yong ganu'n."

Kapag tumatanggi daw si Michelle dahil nga sa masama ang pakiramdam at may kasama silang mga bata sa bahay ay ginugutom umano silang lahat nito.

"Mumurahin n'ya po ako," sumbong pa n'ya. "Hindi na po s'ya kikibo. Hindi po s'ya bibili ng pagkain kahit nagugutom na 'yong mga pamangkin ko na nandito."

Dito na lalong naiyak si Michelle habang isinisiwalat ang mga sumbat umano sa kanya ni Tekla.

"Nag-iiyakan po ang mga bata. Nagugutom na. Nagmamakaawa na ako sa kanya bumili na sya ng pagkain. 

"Aba, sasabihin n’ya sa ‘kin, 'A, bakit? Di ba ayaw mo?' Ganito, ganyan..Yon lang po 'yong ginagawa n'ya. 

"Tapos aalis s'ya. Pupunta po s'ya kay Donita Nose. Magba-vlog po sila. O kaya magla-live. Nakikita ko pong ganu'n...sabay ni piso wala po kaming [pambili ng] pagkain dito."

Salaysay pa n'ya, kahit daw sa harap ng kanyang mga kapatid at pamangkin ay ginigipit s'ya ng komedyante. 

"Kahit po sa harap ng mga pamangkin ko, ng mga kapatid ko, naririnig nila," lahad ni Michelle. 

"Humihingi ako ng pambili ng pagkain. Sasabihin n'ya sa akin, 'Gusto mo pambili ng pagkain? O, tara muna.' Ganun po ginagawa n'ya. O kaya kapag nasa kwarto po kami sasabihin n'ya sa mga pamangkin ko, 'Labas muna kayo doon. Saglit lang.'

"Minsan po isang beses, katabi ko 'yong pamangkin ko naglalaro sa cellphone. Naawa po ako. Nagtakip na lang po s'ya [pamangkin] ng kumot. Wala po ako magawa, e. Kailangan po magpadala [ng pera] sa mga pamangkin ko. Kahit po masama ang pakiramdam ko."

Itinanggi naman ni Michelle na may “bisyo” pa rin ang kinakasama n'yang si Tekla nang matanong s'ya ni Raffy. 

"Wala po. Wala na po. Huminto po s'ya last year," aniya. 

Dagdag k'wento pa n'ya, ilang beses din daw s'yang binastos ng komedyante maging ang kanilang four-months-old baby. 

"Hawak po ang anak ko, natutulog sa dibdib ko, kukunin po n'ya. Magma-masturbate na lang po s'ya," pagsisiwalat pa n'ya. 

"Oh, men. I don't believe I'm hearing this," napapailing na lang na komento ni Raffy sa mga ibinahagi ni Michelle sa kanyang programa. 

"Tapos may time po na hawak ko 'yong anak ko, pinapadede ko 'yong anak ko, dumikit po s'ya tapos hinawakan n'ya po 'yong maselang parte ng katawan ko. 

"Tinatabig ko po s'ya. Sabi n'ya, 'Baka gusto mo ko sabayan? Tas hinayaan ko na lang po s'ya hanggang sa nag-masturbate na lang po sya. 

"Pati mukha ko at mukha ng baby ko na four-months-old tinalsikan... Tapos tumawa lang po s'ya. Akala mo demonyo. Sabi n'ya, 'Sorry, anak.' Sabi ko na lang, 'Walang hiya ka pati anak ko tinalsikan. Tumatawa-tawa lang po s'ya."

Bukod pa doon, pinagseselosan din daw ni Tekla ang mga pamangkin ni Michelle na likas na close sa kanya. Minsan daw ay pinapalayas pa nito ang mga iyon. 

"Kapag hindi po umalis ang pamangkin ko isusubsob n'ya po ang mukha sa akin. 'E di kayo magsama. Kayo mag-live in.' Ganyan, ganyan."

Sinubukan namang kontakin ng Wanted sa Radyo ang inireklamong si Tekla pero may taping daw ito nang mga oras na 'yon. 

Sa halip, inanyayahan na lang ito ni Raffy na makipag-ugnayan sa kanilang programa para masabi naman nito ang kanyang panig. 

Ayon naman kay Atty Garreth Tungol, ang resident counsel ng show, patung-patong na kaso umano ang maaaring kaharapin ng Kapuso comedian kapag napatunayan ang mga isinumbong ni Michelle. Kabilang nga dito ang child abuse, sexual violence, at marital rape. 

Nangako na rin ng tulong ang programa ni Raffy Tulfo para kay Michelle, sa anak niya, at mga pamangkin.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.