Tekla, isiniwalat kay Ogie Diaz na panakot ng dating ka-live in niya tuwing maga-away sila na ipapa-Tulfo siya nito

SCREENSHOT: Ogie Diaz & Raffy Tulfo in Action on YouTube

SCREENSHOT: Ogie Diaz & Raffy Tulfo in Action on YouTube

Naka-one on one ng comedian-vlogger at talent manager na si Ogie Diaz ang malapit n'yang kaibigan na si Romeo Librada —o mas kilala bilang si Super Tekla—sa condo unit nito isang linggo matapos pumutok ang issue sa pagitan nila ng dati n'yang kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag

Ito ang naging content ng vlog ni Ogie na in-upload sa YouTube kagabi, October 28. 

Dito nailahad nang mas buo ni Tekla ang kanyang panig matapos maging laman sila ng balita dahil sa mga kontrobersyal na sumbong ni Michelle sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo last October 20.

Isa sa mga pinakawalang alegasyon at akusayon ni Michelle laban kay Tekla noon ay ay diumano ay pang-gugutom nito sa kanya at kanyang kapatid at mga pamangkin kapag hindi umano s'ya pumayag na makipagsiping dito. 

Inireklamo din nito ang Kapuso TV host-comedian sa pamimilit umano nitong makipagtalik sa kanya kahit masama daw ang kanyang pakiramdam. Maliban pa doon, binabastos din daw s'ya ni Tekla dahil "nagsasarili" daw ito sa harap umano n'ya at "pinapatalsik" sa kanila ng baby n'ya ang likido nito. 

Nag-attempt din si Michelle na sampahan ng kasong rape si Tekla.

Kaya naman natanong ni Ogie si Tekla kung ano ang naging reaksyon n'ya nang malamang nagsiwalat si Michelle ng mga ganoong ka-sensitibong bagay sa publiko.


"Wala, kasi, unang-una, hindi ko naman natanto sa isip ko na darating sa ganu'ng point," pahayag ni Tekla. "Kasi bago pumutok 'yan, bago pa sila magpunta d'yan [sa Wanted sa Radyo], nararamdaman ko na 'yan kasi, s'yempre, for five years [kaming nagsama] alam ko na 'yan [galawan]."

Pero kahit may instinct na umano siyang may ganoong plano si Michelle at mga ka-anak nito ay hindi daw niya ito sineryoso.

"A night before bago pumutok 'yang issue na 'yan, nakarating na sa akin 'yan na ganu'n 'yong plan nila," paliwanag ng komedyante. "Plan na nila. Nakarating na sa akin pero hindi ko 'yon tineyk [seriously]. Hindi ko sineryoso kasi wala sa sapantaha ko, wala sa isip ko na gagawin. 

"Kasi unang-una, wala akong maisip na malalim na dahilan para du'n so, nandu'n pa rin 'yong trust ko [sa kanya]. Kumbaga, nandu'n pa rin 'yong aking tiwala na hindi gagawin sa akin."

Tuwing nagkakaroon daw kasi sila ng pagtatalo ay pinagbabataan s'ya ni Michelle na ipapa-Tulfo.

"'Yun ang one ano nila... Ilang days pa lang na nagkakalabuan [kami], isa na 'yang flowery sa bunganga nila na ganu'n," pagre-recall pa ni Tekla.

Pag dating naman doon sa video kung saan nakunan na nag-aaway sila ni Michelle, wala daw idea si Tekla na kinukunan s'ya noon ng video para gamiting "edibensya" ni Michelle sa kanyang pagsusumbong kay Tulfo.

"Wala akong kaalam-alam. Kasi kung alam ko lang nag-wig sana ako," pagbibiro pa n'ya. "D'yos ko naman. Nagmukha naman akong Mang Kanor doon [sa video]. Kaya tuloy nag-manifest 'yong... 

"Sa isip-isip ko, 'Shet, hindi ako nakapag-make up. Sana naka-putong na lang ako ng wig para medyo maganda tingnan. Anyway, 'yon ako, e, sa loob ng [bahay]."

Tsika pa ng The Boobay and Tekla Show co-host, nakipagsigawan daw s'ya kay Michelle that time dahil nalaman n'ya through his friend na nag-post na si Michelle sa Facebook para siraan si Tekla. Hindi na daw n'ya ito na-monitor dahil naka-block na daw s'ya sa social media nina Michelle at ng pamilya nito. 

"May isang kaibigan na nagmamalakasakit... Kasi naka-block na ako sa kanila, e," patuloy na salaysay n'ya. "Wala na akong access. Nagla-live pa rin ako sa labas. Kumbaga, nag-i-entertain pa rin ako ng tao without knowing na may plan na sa likod ko. 

"'Yon, may isang nagmamalasakit na friend, nabasa ko sa comment section sa [Facebook] Live ko na, 'Inaano ka ng partner mo.' Wina-warning-an ako na, 'Baka mapahamak ka.' Hindi ko pa nga pinansin, e."

Dagdag pa n'ya: "Hindi huminto 'yong friend ko na 'yon. Ini-screenshot n'ya lahat ng post ni partner para i-send sa akin. And then nu'ng nabasa ko, nag-explode na ako. Sumabog na ako. Nagalit na ako. And then nu'ng galit ko, kinumpronta ko sila."

Paglilinaw pa ni Tekla, hanggang sigaw lang daw kung s'ya ay magalit at hindi umano s'ya ma-pisikal na tao. 

"Pero 'yong galit ko more on salita lang. Kasi never akong... mula pa noon hindi ako namimisikal talaga. Kung kaya kong i-release 'yong temper ko sa sigaw, galit, gagawin ko kasi much better na maibsan 'yong pakiramdam [ko]. Kasi hindi naman ako 'yong taong mababawasan lang ang galit kapag naka-ganti ng sakit."

Katunayan, s'ya pa daw ang nakaranas noon na mapagbuhatan ng kamay at mabugbog ni Michelle at ng kapatid nito.

"S'ya ang nananakit," pagsisiwalat pa ni Tekla. "D'yos ko. Kung bibilangin ko ang scar sa ulo ko, sa katawan ko, lahat 'yan for five years."

Sinubukan daw n'ya magsumbong noon sa barangay pero hindi umano s'ya pinansin ng mg opisyal doon.

"Sila rin nu'ng kapatid n'ya. Sinugod nila ako. Binugbog nila ako. As in, duguan ako. Gasgas, bukol, dugo... And then, nagpa-medical ako...Pumunta ako ng barangay. Pag punta ko sa barangay hindi ako in-entertain. Kasi first time daw nila maka-encounter na 'yong lalaki ang nagreklamo ng bugbog. Nagtitinginan lang sila. Wala e. Basta hindi ako in-entertain that time. 

"In-overcome ko na lang 'yon over the years. Kasi ang parati kong iniisip, 'Maaayos pa 'to [samahan namin]. Sayang, e. Sayang 'yong hugot at lalim ng pinagsamahan namin ni Michelle."

Ayon pa kay Tekla, tila kinasanayan na n'ya ang ganitong set up ng relasyon nila ni Michelle dahil ilang bugbugan at pagpapa-barangay na din umano ang pinagdaanan nila. 

"Musika na 'to sa akin 'tong ganitong eksena. Level up lang,” pabiro pero seryosong dagdag niya.

"Alam ko ang ugali ni Michelle," lahad pa rin n'ya. "Alam ko kung saan ko s'ya sasakyan. Alam ko kung saan ko s'ya susundutin para.. 'Yong mood n'ya ba? 

"Pero si Michelle kasi napaka-misteryosong tao, as in. For five years pinilit ko alamin sa body language n'ya, sa galawan n'ya, sa pinapakita n'ya, may isang bagay talagang hindi ko matumbok sa kanya. I don't know. At hindi ko 'yon natuklasan sa kanya. Doon ako nahirapan."

At dito na naitanong ni Ogie kayTekla kung bakit nga ba s'ya na-in love kay Michelle. 

"Si Michelle, dumating sa buhay ko 'yan nu'ng downfall ko talaga," pagbabalik-tanaw ni Tekla. "'Yong [panahong] walang-wala ako. Walang-wala rin naman s'ya, e. So, we're [the] same. Pareho kami. Kaya 'yong ano na nakitira ako sa kanya, hindi totoo 'yon. Pareho kami. Ground zero kami."

Ito diumano 'yong punto kung kailan natanggal si Tekla sa kanyang trabaho sa Laffline Comedy Bar sa Quezon City na naging dahilan daw para malulong s'ya sa mga bisyo. 

"Dumaan ako sa katakot-takot na depresyon so I turned to drugs, to sugal," pag-amin pa ni Tekla. "'Yon 'yung buhay na dinatnan namin pareho. And then, nu'ng nakita ko 'yong side n'ya, sabi ko, 'Hindi kami p'wedeng mabuhay ng ganito kasi hindi magla-last [ang relationship].' 

"Ako ang nag-initiate na hindi kami mabubuhay kung ganito parati ang lifestyle na lang. So, on and off kami ni Michelle. Hayaan ko muna s'ya... Inaano ko 'yong sarili ko kasi may talento ako. Sayang. So minold ko muna 'yong sarili ko for a while. Then habang mino-mold ko ang sarili ko naka-monitor pa rin ako sa kanya through text. So, on and off kami. 

"Hindi naman s'ya ganu'n katagal na on and off kasi alam ko hindi kaya ni Michelle, e. Naka-depende talaga s'ya sa akin. Pinipilit ko s'yang bitbitin sa landas na gusto kong [tahakin namin]..."

Pero amindo si Tekla na hindi gusto ng mga kaibigan niya si Michelle para sa kanya at naiintindihan daw niya kung bakit. But still, mas pinili niyang ipagpatuloy ang relasyon nila.

"Lahat kasi ng akin, personal ko, even the PIN ng ATM [card], alam ni Michelle. Wala akong tinatago,” patuloy na pagtatapat ni Tekla. “Kapag natutulog ako lahat nakabalandra 'yan. Ayokong isipin n'ya na pinagtataguan ko s'ya."

Dahil sa paggiging open at tiwala ni Tekla sa kinakasama, maraming beses daw na nalimas umano ang laman ng bank accounts n'ya. 

"Maraming beses kasi ilang beses n'yang ginawa sa akin 'yon. Pero pera lang 'yon, e. Mako-cover [mare-recover] ko 'yon," aniya. 

Ganu'n daw s'ya ka-open dahil nga minahal n'ya talaga ito.

"Sobra. Minahal ko talaga nang todo 'yon," k'wento pa ni Tekla. "S'yempre mags-six years, ipokrito na ako kung sasabihin kong hindi.”

Pero tila last straw na daw ang pagpapa-Tulfo nito.

“Pero sa nangyari... Wala. Inunti-unti n'ya, e. Nu'ng nagsasama kami, inunti-unti n'ya... Nawala, nawala nang nawala. And then sinagad n'ya nitong nangyari na 'to."

Sa kabila ng nangyari, binuksan pa rin daw niya ang pinto para makasama ito at ang kanilang anak pero umayaw na umano si Michelle dahil sa kanyang kondisyon.

"Nag-usap kami wala s'ya ni isang word. Doon ako nag-explode. 'O, 'di ba? 'Di ba? 'Di ba? Kung nakinig ka sa akin, hindi tayo...'

"Sila ang nakipag-ayos, e. Kasi parang naapektuhan na sila sa nagyari. Hindi na lang kaming dalawa ang naapektuhan. The rest. Nakalkal na pati 'yong mga pamangkin n'ya, kapatid n'ya. 

"So, s'yempre, 'yong [simpatya] ng tao bumaliktad, e. Kasi hindi naman ako nagsalita. Mas pinili kong manahimik on my side para hindi lumobo 'yong gulo.

"After sa nangyari ha, binigyan ko pa rin s'ya ng chance. Sabi ko, 'Kaya natin... Although nandu'n na 'yong sakit, nandu'n na 'yong judgment, na-judge na tayo, nahubaran na tayo sa publiko, sa buong mundo nahubaran na tayo...

"Okey. May anak tayo, si Angelo. May dapat tayong asikasuhin na  hindi naman dapat ito, e. Dapat doon natin itinuon [ang attention] sa bata. But anyway, kung gusto mo tayo lang dalawa with Angelo," salaysay pa ni Tekla. 

Pero dahil mas pinili ni Michelle ang kanyang pamilya, naging final decision na umano ang desisyon nilang maghiwalay at nangako na lang umao siyang susuportahan ang anak nilang si Angelo.

Marami pang tanong si Ogie na sinagot din ni Tekla na mamapanood naman sa kasunod na vlog. 

For the meantime, narito ang paglalabas ng saloobin ni Tekla sa kanyang kaibigan na si Ogie Diaz:

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil sa pag-atras sa sariling hamon na drug test, dating live-in partner ni Tekla, binawian din ng tulong ni Raffy Tulfo: “Wala na akong pakialam kasi huling-huli ka na.”

Tekla, pinasinungalingan lahat ng paratang ng live-in partner kay Tulfo: "Hindi totoo 'yan... Nasa tamang katinuan pa naman ako.”; balikwas niya, pabayang ina ito

Tekla, ginugutom umano ang live-in partner, anak, at mga pamangkin ng ka-live in kapag hindi ito napagbibigyan sa kama

Donita Nose, hindi daw retokado ang ilong; ka-tandem na si Tekla, di kumbinsido

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.