Tekla, pinasinungalingan lahat ng paratang ng live-in partner kay Tulfo: "Hindi totoo 'yan... Nasa tamang katinuan pa naman ako.”; balikwas niya, pabayang ina ito

SCREENSHOT; GMA News (L) & Raffy Tulfo in Action (R) on YouTube

SCREENSHOT; GMA News (L) & Raffy Tulfo in Action (R) on YouTube

Binasag na ng beleaguered Kapuso TV host-comedian na si Romeo Librada —na mas kilala sa screen name and persona niya bilang si Super Tekla—ang kanyang pananahimik matapos siyang isuplong ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo

Sa k'wento kasi ni Michelle sa Wanted sa Radyo noong October 20, ginugutom umano sila—(siya, ang anak niya, at kanyang mga pamangkin)—ng komedyante kapag hindi n'ya ito napagbibigyan sa kama. Dumanas din daw s'ya dito ng verbal abuses at sexual violence. Maging ang four-months-old baby din daw nila ay nadamay sa kalaswaan nito ng stand up comedian. At bilang ebidensya, nagpakita pa ng video si Michelle sa away nila ni Romeo kung saan umano kita ang kalaswaan ni Romeo base sa mga nasabi nito sa video.

Kahapon naman, October 21, sa nasabing programa din ay dinipensahan si Tekla ng kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz na sina Donita Nose, Ogie Diaz, at ng manager niyang si Rose Conde habang nasa kabilang linya at nakikig din si Michelle. 

Sinabi nina Donita na "sinadya" umano ang pakaka-video kay Tekla habang nag-aaway sila ni Michelle para gamiting "ebidensya" laban sa komedyante. 

Ayon naman kay Rose, "planted" nga daw ang pang-Tulfo’ng video ng pag-aaway nina Tekla at Michelle. Ani Rose, ang tunay na pinagmulan umano ng away ay hindi sex kundi ang kagustuhan ng huli na makipaghiwalay na pero humihingi ng pera para makapagsimulang muli. Hindi naman daw ito mabigyan ni Tekla dahil nga nawalan ito ng trabaho nang magka-lockdown. 

Wala naman daw kinakampihan ang talent manager na si Ogie Diaz pero sinabi n'yang mas nauna n'ya daw na nakilala si Tekla kesa kay Michelle. At base sa sinabi sa kanya ni Tekla ay hindi pa umano “nagse-sex” muli sina Tekla at Michelle mula nang maisilang ang kanilang anak.

At ngayong araw nga, October 22, sa video na in-upload ng GMA News sa kanilang YouTube Channel and other digital platforms, si Tekla na mismo ang nagsalita para sagutin ang mga akusasyon sa kanya ng kanyang ka-live in. 

Dito, luhaang sinabi ng Kapuso comedian na sana daw ay nag-isip muna si Michelle kung ano ang kahihinatnan ng kanyang naging aksyon. 

"Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle 'yan, usapin ng pamilya 'yan," umiiyak na pahayag ni Tekla. "Isang napaka-sensitibong usapin 'yan, Michelle. Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maaapektuhan." 

Itinanggi rin ng The Boobay and Tekla Show co-host ang lahat ng akusasyon sa kanya ni Michelle. 

Aniya, hindi pa naman daw s'ya nasisiraan ng bait para gawin ang ganu'ng kalaswaan na pinaparatang ni Michelle (na umano ay nagsasarili siya sa presence ng kanilang sanggol at pamangkin at tuloy ay natalsikan pa umano ang anak nila). Bukod pa dito, may anak at mga kapatid din daw s'yang babae.

"Hindi totoo 'yan," diin n'ya. "Ako, nasa tamang katinuan pa naman ako. Hindi ko magagawa 'yan. Michelle, utang na loob... May anak akong babae, Michelle, si Aira. May mga kapatid akong babae. Mahirap lang kami, Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko."

Sey pa ni Tekla, s'ya daw ang nag-a-adjust sa kanilang relasyon bilang respeto sa kanya bilang ina ng kanyang anak.

"Parte ng pagsasama natin 'yan, Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d'yan. 'Yon ang totoo. Pero anong ginagawa ko, Michelle? Nag-a-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko, e." 

Itinanggi din ni Tekla ang sinasabi ni Michelle na ginugutom n'ya ang kanyang mag-ina, maging ang kapatid at mga pamangkin ng kanyang live-in partner.

"Hindi ko kayo pinapagutuman," bwelta n'ya. "Alam mo 'yan. Alam n'yo 'yan, Shabi. Alam n'yo 'yan, Erico, lahat. Naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic."

S'ya rin umano ang gumawa ng paraan para mapa-operahan ang kanilang baby na ipinanganak noon na may anorectal malformation o 'yong condition na walang butas ang puwet pagkasilang. Naungkat pa dito ang pagiging pabaya umano ni Michelle habang ipinagbubuntis n'ya ang baby nila.

"S'ya [si Michelle] ang hindi pumupunta sa ospital," ani Tekla.  "Ako, kani-kanino ako lumapit ng tulong para maligtas 'yang batang iyan dahil hindi mo inalagaan 'yan sa sinapupunan mo. Alam mo ang k'wento n'yan, Michelle."

Pagtatapat pa ni Tekla, hindi naman daw n'ya ipinagtutulakan ang sarili n'ya kay Michelle at sa pamilya nito. Nakapanlulumo nga lang na nauwi daw sa wala ang anim na taon nilang pinagsamahan. 

"Michelle, karapatan mo 'yon. Nu'ng una pa lang binlock n'yo ako sa Facebook. Wala akong idea. Nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan 'yong sarili ko sa inyo, Michelle. Alam mo 'yan sa sarili mo. Alam mo 'yan, Michelle. 

"Six years... Magsi-six years na. Anim na taon ko kayong inaruga. Six years... Wasted lahat," pagtatapos ni Tekla. 

PANOORIN ang pahayag ni Tekla sa mga akusasyon sa kanya ng live-in partner na si Michelle dito:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Donita Nose, hindi daw retokado ang ilong; ka-tandem na si Tekla, di kumbinsido

Operasyon ng one-month-old baby ni Super Tekla, successful!

Super Tekla, nabunutan ng tinik dahil sa dami nang nag-abot ng tulong para sa operasyon ng bagong-silang na anak

Super Tekla, sinubukan daw balikan ang babaeng naanakan

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.