Teresa Loyzaga, boto sa relasyong Diego Loyzaga at Barbie Imperial

PHOTOS: @teresaloyzaga & @msbarbieimperial on Instagram

PHOTOS: @teresaloyzaga & @msbarbieimperial on Instagram

Sinorpresa nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang mga fans sa ginawa nilang pag-amin sa kanilang relasyon. 

Nitong January 1 kasi ay nag-post sa Instagram ang aktor ng photo nila ni Barbie kung saan sweet silang magkayakap. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Pinagpiyestahan sa social media ang photo na ‘yon ng mga natutuwa nilang celebrity friends and fans. 

Kahapon naman, January 3, si Barbie ang nag-post sa kanyang IG account kung saan sinabi n’yang hindi n’ya inaasahang mahuhulog ang loob n'ya sa Viva actor. 

“Still my favorite photo of us,” sey ng Bagong Umaga actress sa photo nila ni Diego na kinunan sa Pinto Art Museum sa Antipolo City, Rizal.

At dito na n’ya inilahad na hindi daw n’ya in-expect na ang pagkakaibigan nila ni Diego ay mauuwi sa pag-iibigan. 

“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one.”

Thankful daw si Barbie sa effort at pagmamahal na laan ni Diego para sa kanya.
 
“Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you.  

“#angcheezynibarbie pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito,” pagtatapos ni Barbie.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by BARBIE (@msbarbieimperial)

Boto naman ang mommy ni Diego na si Teresa Loyzaga sa relasyon ng dalawa. 

“Hija @msbarbieimperial and my son @diegoloyzaga Love eachother. Respect eachother. Protect eachother. Speak kind words to eachother. Speak kind words of eachother. Be happy. You both deserve it,” sey ng veteran actress sa kanyang comment sa IG post ni Barbie.

SCREENSHOT: @msbarbieimperial on Instagram

Happy din ang half-sister ni Diego na si Sam Cruz na nagbiro pa ng pagbabanta sa kuya niyang aktor kung sakaling magkamali daw ito ng trato kay Barbie. 

“Treat her like a queen ah @diegoloyzaga or else HAHAHA love you guys!”

SCREENSHOT: @msbarbieimperial on Instagram

We're happy for you, Diego and Barbie.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.