Ang haba ng hair ngayon ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Rabiya Mateo matapos makatanggap ng “good luck” message mula kay Thai superstar Mario Maurer.
Sa ginanap kasi na virtual media conference ng TNT kahapon, May 11, kung saan present din sina Sarah Geronimo at Sue Ramirez, ay ipinakilala si Mario bilang isa sa tatlong Thai celebrities na mga bagong brand ambassador ng telco company. Ang dalawa pa ay sina Nonkul Chanon at Gulf Kanawut.
Dito ay natanong si Mario tungkol kay Rabiya na naging vocal sa pag-aming idolo s’ya ng Pinay beauty queen.
Matatandaan kasi na noong May 6, sa kanyang pagdating sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Florida, USA, kung saan idinadaos ang Miss Universe ay nahingan si Rabiya ng admin sa isang Thai pageant IG account ng mensahe para sa kanyang mga Thai fans.
Sa na-capture na video ng @thaisashes IG account, sinabi ni Rabiya na excited s’yang bumisita sa Thailand in the future at inamin n’yang fan daw s’ya ni Mario.
“Hello, everybody. Sawadee ka,” panimula ng 24-year-old Ilongga beauty queen sa kanyang message. “This is Rabiya from the Philippines. I’m so excited to go visit Thailand.”
Dagdag pa n’ya, “I’m a huge fan of Mario Maurer, to be honest. I’ve been watching your Boy Love series.
“And yeah, maybe soon I may be able to go to the country of smile.”
Kaya naman tugon ni Mario sa media kahapon, “I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that.”
Nagbigay din ang “Crazy Thing Called Love” at “Pee Mak” lead actor ng good luck message para kay Rabiya na nasa Florida ngayon para sa 69th edition ng Miss Universe.
“And you know I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish [her] good luck,” saad pa ni Mario.
Nakarating din kay Rabiya ang mensahe ng kanyang idolo kaya hindi n’ya napigilang mag-fangirl.
Aniya sa kanyang IG Story, “OMG!!! fangirling rn [right now].”
Sa kasunod na IG Story, ipinost ni Rabiya ang isang fan-made video kung saan tampok sila ni Mario at sinabing, “Singit muna ako sa pila mga sis! Hahaha.”
Anyway, sa May 16 [May 17 sa Pilipinas] na gaganapin ang finals at grand coronation ng Miss Universe. Layon ni Rabiya na naiuwi ang ikalimang korona para sa bansa.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber