Thanksgiving speech ni Aga Muhlach, naging tribute kay Xia Vigor.

“Xia, if I have 100 trophies right now, I will give it to you. Really. Hindi ako naka-arte nang maayos kung hindi tama ang binibigay mo sa akin. Isa kang manang, isa kang alamat, isa kang nanay naming lahat dito. Ikaw ang nagdala sa aming lahat.”—Aga to Xia

PHOTOS & VIDEO: Melo Balingit

“Xia, if I have 100 trophies right now, I will give it to you. Really. Hindi ako naka-arte nang maayos kung hindi tama ang binibigay mo sa akin. Isa kang manang, isa kang alamat, isa kang nanay naming lahat dito. Ikaw ang nagdala sa aming lahat.”—Aga to Xia

Si Aga Muhlach, ang lead star ng Miracle in Cell No. 7, ang pinaka-huling nagsalita sa ginanap na thanksgiving celebration ng Viva Films para sa cast, production, at promo team ng pinipilahan pa ring MMFF entry.

Ginanap ang nasabing appreciation dinner sa Draft resto-bar sa The Ayala Malls 30th sa Pasig last Thursday, January 3.

Ipinakilala si Aga bilang MMFF box office king, dahilan para maasiwa siyang kunin ang mikropono. Dahil bagama’t wala pang official announcement kung alin talaga sa walong 45th MMFF entries ang nag-topgrosser ay wala namang tigil ang mga unofficial reports na nagsasabing ang Miracle in Cell No. 7 na nga ang topgrosser at nagpatumba sa “tradisyong” Vice Ganda.

“Thanksgiving nga, e,” nahihiyang simula ni Aga. “Usually parang kahiligan ko rin...na sino ba naman ang may ayaw na parang napupuri ano? Pero ngayon, ang gusto ko, makabigay-puri talaga sa lahat ng nakasama ko mula kay JC [Santos], Joel Torre, Jojit [Lorenzo], John Arcilla, Soliman Cruz, Mon Confiado, Direk Nuel [Naval], Efren, Mel, Anne, Macky...lahat! Kayong lahat na promo team. And s’yempre lahat ng taga-Viva, at s’yempre ang nag-umpisa ng lahat ng ito, Boss Vic [del Rosario], maraming salamat.” 

Matapos noon ay nagbalik-tanaw si Aga sa tatamad-tamad umano niyang reception noong simula sa offer na ito sa kanya ng Viva Films. Hindi umano niya agad binasa ang script at isinantabi lang. Ilang beses umano siyang nire-remind ni June Torrejon, supervising producer ng Viva, na basahin na niya ang script. And when he finally did, nagkumahog daw siyang tumawag agad kay Boss Vic del Rosario para sabihing game na siya.

Addressing Boss Vic, inamin ni Aga na matagal na niyang pangarap makabalik sa filmfest after 26 years. At hindi niya akalaing ganito ka-successful ang magiging comeback niya.

“Boss Vic, pinangarap ko quietly sa puso ko—alam ng asawa ko—na gusto kong gumawa ng pelikula para sa festival. No’ng sinabi ni Boss Vic, ‘Alam mo, p’wede ’tong pelikulang ito.’ So, ’yon ang nangyari. Nangyari na ’yon.”

Matapos noon ay binigyang-parangal naman ni Aga ang kanilang captain of the ship, ang “simpleng-simple” nilang director na si Direk Nuel Nuval. “Anyway, ito na, hindi ... itong pelikulang ’to kaya nangyari lahat ’to umpisahan ko dahil sa direktor namin Nuel...Direk Nuel, ang mga kasama ko puro magagaling na artista. Bata palang ako pinapanood ko na silang lahat. Hahaha! Naka-shorts palang ako... si John Arcilla tinitignan ko na yan. Hahaha! Joel Torre, JC, Soliman Cruz. Mon Confiado...puro magagaling na artista. Pero si Direk Nuel pinaramdam niya sa amin lahat na maging kumportable kaya’t kaya lahat kami nakalabas ng kung ano man ’yong kaya namin gawin.”

Pinasalamatan din ni Aga ang mga “cellmates” niya sa pelikula habang binabalik-tanaw muli ang mga insecurities niya sa simula ng filming ng Miracle. Nag-thank you din si Aga sa members ng kanilang production team—writer, production designer, editor, etc.—na parang present din sa thanksgiving party.

“Sa umpisa palang ng pelikula, pinakita ko na agad sa inyong lahat ’yong takot ko. Siguro that’s the best move I did ’no, pinakita ko sa inyo ’yong nerbisyo ko, na hindi ko kaya itong pelikulang ito. Kailangan ko ng tulong ninyong lahat. At ’yong tulong na binigay ninyo talaga sa akin...so, maraming-maraming salamat.

“The movie working is not because of me, not because of her, but because of we, the cellmates and John Arcilla, you guys Macky, Efren your production design is just awesome... amazing really, Direk Nuel, Mel [del Rosariol], sa inyong dalawa wala na, e, ’yong sinasabi nilang you guys have set the tone... really, pag dating namin sa set, it’s just a happy set. And lahat kami are all comfortable and relaxed Kaya kami nakapag-perform siguro nang gusto mong mangyari.”

Hindi nakaligtaang pasalamatan ni Aga si Miss June Torrejon, na umano ay siyang nakipag-laban sa higher ups sa mga requests nila para sa pelikula, partikular na ang pagse-setup ng airconditioned areas sa mga sets nila. Ang “aircon” umano ang “sikreto” ng success ng Miracle.

“And Tita June, maraming salamat sa iyong dedication sa aming lahat. Lahat ng ni request ni Nuel, lahat ng ni-request ng mga artista inilaban mo lahat...Vincent, thank you and Boss Vic, thank you for the approval.

“And maraming salamat dahil ang hindi nila alam ang siktreto ng pelikulang Miracle in Cell no. 7 ay ang aircon. Walang nakaka-alam niyan. Kung walang aircon, hindi makaka-perform nang gano’n lahat, tama? Diba kung walang aircon?”

Isa sa huling pinasalamatan ni Aga ay ang Viva promo team. 

“And sa promo team...promo [team], my goodness, you guys are crazy awesome! Maraming salamat sa inyong lahat, thank you very much.”

And just when everybody thought tapos na si Aga sa kanyang 5-minute thank-you speech, nagseryoso siyang muli. It turned out he was saving the best for last—si Xia. Aga gave tribute to Xia, who everybody thought was going to win the best child performer award, and said na sa puso nilang lahat ng mga taga-Miracle, she’s not just the best child performer, but the best actress.

“And Xia, you are...my... if I have 100 trophies right now, I will give it to you,” madiing sabi ni Aga habang naka-titig kay Xia. “Really. Hindi ako naka-arte nang maayos kung hindi tama ang binibigay mo sa akin. Isa kang manang, isa kang alamat, isa kang nanay naming lahat dito. Ikaw ang nagdala sa aming lahat.

“Hindi lang nila alam, Xia, my trophy... all our trophies—lahat ’to may mga trophies lahat ’to—we offer it to you. We love you very much, Xia. Hindi magkakaroon ng pagmamahal sa selda at ng tatay mo kung hindi dahil sa isang anak na tulad mo. Yan ang gusto kong ibigay sa’yo, Xia, best actress ka sa puso namin. 

“Maraming salamat sa inyong lahat. I will never forget... thank you, thank you, thank you, thank you. And ipapakilala ko lang, si Xia. It’s not about me, it’s not about you, but about this little girl right here, Xia...”

Tila unaware naman si Xia sa gravitas ng mga binitiwang salita ng kanyang “Tatay Joselito.” Simpleng pasasalamat lang ang binitiwan ng bagets.

“Thank you po, Tito Aga. Sobra rin po akong nag-enjoy na maka-trabaho ka,” panimula ni Xia. “And thank you po kay Direk Nuel dahil kung wala po kayo hindi magiging maganda ’yong Miracle in Cell No. 7. Maraming salamat po, at sa buong team at sa lahat ng naging part ng Miracle in Cell No. 7 and sa Viva Films po thank you po Boss Vic, Ms. June Rufino, salamat po. Thank you.” 

Ganyan lang yan, manang lang yan,” biro ni Aga.

At sa huli, hindi s’yempre nakalimutang pasalamatan ni Aga ang moviegoers na pumila at nagpa-sold out sa mga screenings ng Miracle ni Cell No. 7.

“Congratulations sa buong cast, sa ating lahat...Salamat talaga sa lahat nang sumuporta at nanood.”

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aga Muhlach is elated over Korean director Lee Hwan-kyung’s compliments of his performance in the Pinoy remake of Miracle in Cell No.7

Pika's Pick: Aga Muhlach gets the sweetest message from daughter Atasha after the latter saw her dad’s performance in Miracle in Cell No. 7 last night

Si Aga Muhlach na nga ba ang bagong MMFF King?

Miracle in Cell No. 7, nagso-sold out na, nagte-trending pa

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.