The story behind the “Street Lamp Beauty,” ang magandang babaeng nag-viral dahil sa pag-aaral under a street lamp

Ayon sa k’wento sa caption ng viral video, na-inspire ang kaibigan ni “Street Lamp Beauty” na i-post ang kinuhanan niyang video ng kaibigan dahil bilib na blib siya dito. Nagka-cramming na raw kasi ang kanyang kaibigan—na Jasmine ang pangalan—dahil pinipilit nitong i-beat ang midnight deadline ng kanyang school project matapos nilang mag-off sa kanilang night-shift job.

Ayon sa k’wento sa caption ng viral video, na-inspire ang kaibigan ni “Street Lamp Beauty” na i-post ang kinuhanan niyang video ng kaibigan dahil bilib na blib siya dito. Nagka-cramming na raw kasi ang kanyang kaibigan—na Jasmine ang pangalan—dahil pinipilit nitong i-beat ang midnight deadline ng kanyang school project matapos nilang mag-off sa kanilang night-shift job.

Viral ngayon ang video ng isang magandang babaeng nag-aaral sa ilalim ng street lamp.

Kung tutuusin, hindi siya ang naunang nag-viral in similar situation. At hindi rin naman siya masasabing indigent. Naka-laptop pa nga.

Ang naging agaw-pansin para sa mga netizens ay ang artistahin beauty ng tsinitang dalaga sa video na mas pinatingkad pa ng ilaw ng street lamp. Dahil dito, binansagan siya nga mga netizens bilang si “Street Lamp Beauty.”

It turned out, ang video palang pinagpapasa-pasahan sa social media ngayon ay kuha at in-upload pala ng kanyang BFF at kasamahan sa trabaho na nagngangalang Marie.

Ayon sa k’wento ni Marie sa kanyang caption, na-inspire siyang i-post ang kinuhanan niyang video dahil bilib na blib siya sa kaibigan.

Nagka-cramming na raw ang kanyang kaibigan—na Jasmine ang pangalan—dahil pinipilit nitong i-beat ang midnight deadline ng kanyang school project matapos nilang mag-off sa kanilang night-shift job.

“Pag umuwi pa raw siya, male-late siya sa deadline,” k’wento ni Marie sa kanyang caption. “Kaya ayun, tatapusin muna daw niya saka siya uuwi. Ibang klase ’tong BFF ko.”

Pagmamalaki pa ni Marie sa kaibigan, pinagsasabay daw kasi nito ang pagta-trabaho at pag-aaral dahil mataas ang pangarap nitong masundan ang yapak ng idolong lady boss—si Christine Soriano ng Prima Beauty.

Reak naman ng mga netizens sa comments’ section, sa ganda ni Street Lamp Beauty ay papasa raw itong model ng Prima Beauty mismo! May napa-comment din na talbog pa niya ang ganda ng idol niya. Marami ring nagsabi na she could be the next Carrot Man or Badjao Girl na pawang mga nag-viral at sumikat na rin noon.

What do you think?

If you haven’t seen the “Street Lamp Beauty” viral video yet, narito ang kopya:

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.