Therese Malvar on Elijah Canlas: "Wala pong panliligaw na naganap or nangyari. Hindi rin po naging kami."

PHOTOS: @theresemalvar & @theideafirstcompany on Instagram

PHOTOS: @theresemalvar & @theideafirstcompany on Instagram

Muling nakasama ni multi-awarded Kapuso actress Therese Malvar ang kanyang mga dating co-stars and close friends na sina Elijah Canlas and Kokoy De Santos sa live script reading ng Anino sa Likod ng Buwan last September 28, kung saan umani sila ng papuri mula sa mga fans. 

[Ang Anino sa Likod ng Buwan ay ang award-winning one act play na ginawa ni Direk Jun Lana way back in 1992. Taong 2015 naman ng gawin itong pelikula starring Luis Alandy (now Adrian Alandy), Anthony Falcon, and LJ Reyes, na nanalo ng Best Actress award sa Pacific Meridian International Film Festival of Asia Pacific Countries sa Russia at sa Gawad Urian Awards sa Pilipinas.]

Hinangaan ng viewers ang kanilang pag-arte kahit na sa online at via StreamYard lang sila nagbabatuhan ng linya ay kitang-kita ang connection nila sa isa't isa. 

Noon pa kasi ay nakasama na ni Therese, o Teri sa kanyang mga friends, ang mga lead actors ng Boys Love series na Gameboys sa mga projects n'ya before.

At sa online show nga na Tonight With Allan D - hosted by showbiz writer Allan Diones - na naka-livestream sa YouTube last October 3, binalikan ni Teri—na tumatak sa Pinoy viewers sa kanyang portrayal of a young lesbian sa Ang Huling Cha-cha ni Anita (2013)— ang panahon kung saan sila unang nagkita ng sikat ngayong si Kokoy De Santos. 

"We first met sa... Hindi ko alam kung call back ang tawag du'n or... reading? Actually, script-reading," pagre-recall ng aktres. 

"Si Direk Kip Oebanda, the director of Liway (2018) and Bar Boys (2017), he was also the director of Tumbang Preso (2014). And then he told us... Magkapatid po kasi 'yong role namin ni Kokoy nu'n. And then he told us para mawala 'yong awkwardness or tension we had to hug for one minute. Para hindi maging awkward sa'min 'yong pagiging magkapatid. 

"Nu'ng time na 'yon medyo awkward kasi kaka-meet lang namin nu'n. Tapos kailangan yakap agad. Pero after nu'n sobrang kulit ni Kokoy. And sobrang kuya-kuya ko talaga s'ya sa buong set, even behind the camera kasi ang kulit talaga. Ang kalog ni Kokoy," natatawang paglalahad ni Teri.

Bongga naman ang naging project nina Teri and Elijah Canlas nang magkasama sila sa movie na Sakaling Hindi Makarating (2016) na pinagbidahan noon ni Alessandra De Rossi.

"Actually, nu'ng year na 'yon, we we're shooting Sakaling Hindi Makarating, we also met during workshops for Gasping for Air (2016) kasi kasama rin po s'ya sa Gasping for Air," patuloy na k'wento ng multi-awarded actress. 

Hindi man daw nakuha ni Elijah ang role sa Gasping for Air, doon daw nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

"The whole time we were doing workshops s'ya 'yong kasama ko nu'n kaya nu'ng [ginagawa namin 'yong] Sakaling Hindi Makarating magkaibigan na po kami nu'n. 

"And enjoy kasi Batanes 'yong first todong travel ko sa Philippines and it was my first time riding an airplane," pagbabalik-tanaw pa ni Therese. "And it was fun. Kami ni Elijah dahil puro scenes namin. And then dahil kami 'yong magka-edad, kami lagi 'yong magkasama. 

"So, nagdadaldalan kami. Ang daming k’wentuhan moments... We would share thoughts. Kasi si Elijah, ano s'ya, e... I would describe him wise beyond his years. Sobrang matanda kausap 'yon. Kahit ano napag-uusapan namin."

Sa ngayon, proud daw si Therese sa success ng Gameboys series na pinagbidahan ng kanyang mga kaibigan. 

"To be honest, as of now, that's the only BL series that I've watched," k'wento ni Therese kay Allan. "I have yet to discover 'yong others pero 'yon talaga 'yong pinanood ko, 'yong Gameboys kasi support, of course. Kasi mahal ko ang whole cast even sina Direk Percy [and] the whole IdeaFirst [Company]. So, I support them.

"Sobrang nakaka-proud as a friend talaga seeing them be loved by others, be loved even more by others through this series. 

"Even 'yong IdeaFirst po sobrang proud po ako sa kanila na... I know naman talaga na nu'ng nag-release po sila ng teaser or poster ng Gameboys alam kong papatok s'ya kasi gawa ng Ideafirst. And sobrang bilib po ako sa IdeaFirst, sa mga tao, the creative people behind.

"And seeing it all flourished and seeing it have a great community of fans and people who really appreciate this series, sobrang nakaka-proud watching it...watching it unfold.”

Grateful naman daw si Therese nang makasama n'ya uli ang kanyang mga co-stars noon sa live reading session ng Anino sa Likod ng Buwan last September 28 dahil napili s'ya para sa nag-iisang babaeng role sa dula.

"Kinilig talaga ako. Sobrang...  'Awww... Thank you so much for thinking about me.' I'm really grateful...

"It's my super daring role. Even though it was script level lang, it was still daring for me. Sobrang ibang-iba sa mga pelikulang nagawa ko. It was a fun challenge."

Tsika pa ni Therese, mature ang role ni Emma na ginampanan noon ni LJ Reyes kaya kinailangan daw n'yang panoorin ang buong film para maisagawa ito nang maayos. 

"First, I had to watch it. Direk Percy [Intalan] gave me link of Anino for me to see 'yong whole story and 'yong character ni Ms. LJ, which is Emma. 

"We didn't have much time to rehearse," sey pa ng 20-year-old Kapuso star. "As in the night before nu’ng Live, 'yun 'yong first and only rehearsal po namin. And then doon lang po namin natanggap 'yong feed back mula kay Direk Percy and Direk Jun. 

"Sobrang kinabahan ako kasi in a way para s'yang teatro kasi walang cut," pag-amin pa ni Therese sa online tsikahan. "And then, nasa voice acting din. And si Emma, tatlo 'yong persona n'ya or tatlo 'yong ipapakita n'yang side ng sarili n'ya, so I had to think about it very well.”

Naitawid naman nilang tatlo nang maayos ang live script reading at thankful s'ya sa kakaibang karanasan na 'yon.

"I really appreciate this whole experience," ani Therese. "It adds up to my craft and sobrang laking lesson talaga s'ya sa akin kasi ibang experience talaga 'to, ibang challenge."

At dahil super close daw sila ng kapwa-award-winning actor na si Elijah, natanong ni Allan si Therese kung nanligaw ba ito sa kanya o kung naging mag-boyfriend and girlfriend ba sila.

"Wala pong panliligaw na naganap or nangyari," natatawang sagot ng no-boyfriend-since-birth daw na si Therese. "Hindi rin po naging kami. We are just really, really close. Wala. Nag-vibes lang po talaga kami."

Para sa aktres, mas gusto n'ya daw na maging magkaibigan lang muna sila at baka masira pa 'yong friendship na na-establish nila kung magkakaroon ng ligawan. 

"I think I appreciate our friendship and it would be very risky to risk it all, feeling ko. 'Cause I really treasure the friendship that we have," pahayag n'ya.

Dagdag tsika pa ni Therese, may mga nag-try naman daw manligaw sa kanya before pero ni-reject n'ya daw agad ang mga 'yon kasi bata pa daw s'ya nu'n at talagang naka-focus s'ya sa pag-aaral at sa pag-arte. 

"But now I'm open," pagbibiro pa ni Therese. "Hello po sa inyong lahat, guys. I have two categories for you. It's called non-negotiable and negotiable...

"Pero in general, basta God-fearing, gentleman, family-oriented, humble, hindi ma-pride, and ka-vibes ko po talaga," paglalahad pa n'ya sa mga katangian ng lalaking gusto n'yang maging boyfriend.  

Kung may celebrity crush man daw si Therese, ito ay ang singer-actor na si Khalil Ramos na boyfriend naman ni Gabbi Garcia na co-star n'ya sa Kapuso telebabad series na Beautiful Justice

"Happy crush lang po s'ya e," paglilinaw ni Therese na halatang kinikilig. "I really don't know his personality. I don't know but the first thing I see sa tao in general is their lips. I don't know, he has thick lips. And then wala, sobrang galing n'ya umarte.

Nalaman din daw ni Gabbi na crush n'ya ang bf nito dahil itsinika daw ito Elijah kaya nabibiro s'ya kay Khalil noon.

Masaya naman si Therese na happy sina Gabbi at Khalil sa kanilang relationship.

"I'm happy for them. Sobrang cute nilang couple," sey pa ng aktres.  

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Multi-awarded Kapuso actress Therese Malvar graduates from high school as her batch's salutatorian

Sikat na Pinoy BL (Boys’ Love) series na Gameboys, may CaiReel/EliKoy merchandise na!

Pika's Pick: Creators of the successful BL series Gameboys postpone its three upcoming episodes due to MECQ

EXCLUSIVE: Gabbi Garcia answers Random Questions from pikapika!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.