Through Ober Da Bakod reunion, Janno Gibbs, Anjo Yllana, Gelli de Belen, at Donita Rose, nag-balik-tanaw sa buhay-90s

PHOTOS: JGTV on YouTube, GMA Network

PHOTOS: JGTV on YouTube, GMA Network

Nag-reunion ang cast ng 90’s situational comedy [sitcom] na Ober Da Bakod via Zoom sa pangunguna ng actor-comedian na si Janno Gibbs. Matagal na itong plano ni Janno para sa kanyang YouTube channel na JGTV na kalampagin nga ang mga naka-sama sa sitcom—sina Anjo Yllana, Gelli de Belen, Donita Rose, Malou de Guzman, Leo Martinez, at Ariel Ureta—para sa isang virtual reunion. Nabanggit niya noon sa pikapika na paniguradong riot kung mabubuo niya ang cast kahit na online tsikahan lang. 

And it finally happened. After 23 years, muli ngang nagkita-kita ang mga kwelang cast members nito virtually na naka-live hookup sa JGTV.

Limang taon ding namayagpag sa ere noon sa GMA Network ang Ober Da Bakod—mula 1992 hanggang 1997. At ayon kay Janno, na gumanap noon bilang si Mokong Dayukdok, malaki raw ang utang na loob niya sa nasabing sitcom.

Iyon po ang nag-establish sa akin as comedian kaya malaki po ang loob ko,”  intro’ng pahayag ni Janno. “And to me, Ober Da Bakod is a legend pagdating sa mga sitcoms. Dahil noong panahong ’yon ay kokonti lang kaming [gumagawa ng] sitcom at talaga namang panalo kami lagi sa ratings.”

Binigyang credit din ni Janno ang kanyang mga naging kasamahan sa TV show na naging dahil kung bakit ito naging successful more than two decades ago. 

At that point ay pumasok na nga sa Zoom si Anjo Yllana, na nito lang ay napabalitang nag-resign na sa longest-running noontime show na Eat Bulaga after 21 years. 

Sa Ober Da Bakod, gumanap naman s’ya bilang Bubuli Dayukdok na kapatid ni Janno sa sitcom. 

Kung hindi ako nagkakamali si Direk Ariel [Ureta] ang nagbigay ng pangalan na Bubuli,” paliwanag ni Anjo nang magtanong s’ya ni Janno mula sa kabilang linya about his character. “Since Bubuli ako, bubuling bata. Doon nag-umpisa. Playful na bubuli-like. Para akong pinaglihi sa bubuli. Hahaha!”

K’wento pa ni Anjo, hindi raw na-establish nang maayos kung sino ang mas matanda sa mga characters nila Janno. Pero automatic daw niyang natatawag itong “Kuya Mokong” on-cam kaya nag-stick na. Ang siste, mas matanda sa tunay na buhay si Anjo.

Ayon na. Naging kuya na ako,” komento naman ni Janno.  “Maganda naman, e. Very cute.”

Ikaw ’yong kumbaga, e, normal [na character], e, kaya mas bagay sa’yo ’yong kuya,” depensa ni Anjo. “Ikaw ang nag-ga-guide sa akin tapos ako ang Mamas boy, 'di ba, kay Nanay Lucring?”

[Nanay Lucring or Lucresia Dayukdok was played by Malou de Guaman.]

Present s’yempre sa reunion leading lady ni Janno na sitcom na si Gelli de Belen na gumanap noon bilang si Honey Grace.

Nasa Canada pala ang aktres at doon inabutan ng lockdown. 

“Okay naman. Okay kami dito,” tugon ni Gelli sa pangungumusta ng dalawang aktor. “My boys are here. My two boys [Joaquin and Julio].”

Dahil kay Gelli, nabaling ang tsikahan tungkol sa kaistriktuhan ng lockdown sa Pilipinas kumpara sa Canada.

Noong una, it was strict also but not as strict as [the Philippines]," k’wento ni Gelay (palayaw ni Gelli). “Ngayon, nasa Stage 3 na, meaning...kumbaga sa atin mas maluwag na GCQ [General Community Quarantine]. Ganu’n

Bukas na ang mga restaurants. Bukas na ang mga salons. Bukas na lahat except, limited [lang ang] amount of people ang allowed inside.” 

Ilang buwan na ngang nasa Canada si Gelli pero tsika n’ya, babalik naman daw s’ya ng Pilipinas. Hoping din s’ya na matuloy ang mga naka-pilang projects na naiwan niya. 

Ano Bubuli, kumusta na?” tanong ni Gelli Anjo. “Kumusta na ang nanay mong si Aling Lucring?”

Ayon... Kami na. Joke!” birong sagot ni Anjo.

At para makompleto na ang love teams ng show, si Anjo naman ang naatasang mag-welcome sa aktres na si Donita Rose, na gumanap noon sa sitcom bilang si Barbie Doll. 

Ang aking leading lady na may hidden crush ang kapatid ko...Walang iba kundi si Barbie Doll,” muling pabirong sabi ni Anjo na ikinatawa nilang lahat.

At pumasok na nga din si Donita na nagk’wento naman ng nakatakda n’yang pagma-migrate sa US.

“I'm still here in Manila but I’m leaving in two and a half weeks,” pahayag ng Filipino-American actress. 

Dagdag pa n’ya, nakabili daw kasi ng bahay ang kapatid n’ya sa California at doon s’ya titira. 

Kasi ’yong brother ko kasi nandoon and meron s’yang biniling big house...”

Kailangan talaga sabihin ‘big house’?” panla-laglag ni Anjo.

At sinakyan ito ni Gelli: “Oo. P’wede namang ‘house’ lang, di ba?

Dito nauwi na naman sa tawanan ang kanilang k’wentuhan. 

Tsika pa ni Donita, sinurpresa daw s’ya ng kapatid n’ya dahil ipina-renovate nito ang kanyang tool shed at ikinon-vert sa bahay para siyang tirhan ni Donuts (palayaw ni Donita).

Ani Donita, wala naman daw kasi siyang nakikitang long-lasting and permanent job sa place ng mother n’ya near Las Vegas, kaya mas pinili n’yang sa San Francisco sa California tumira kung saan nga naninirahan ang kanyang kapatid.

Dagdag niya, experimental pa rin naman daw ang lahat tungkol sa pagbabalik-Amerika niya.

“Maybe siguro one year until I decide kung saan ba talaga ako,” esplika ni Donita. 

Suportado naman ni Janno si Donita na naka-trabaho pa pala n’ya recently.

Basta ako happy ako na nakapag-trabaho kami uli ni Donita,” pagbibida ni Janno. “Kami ni Donita were in a series for Cignal TV. We were together for 15 episodes. Naging mag-asawa kami doon sa series na ’yon.

Para makita n’yo ang masayang reunion, click the link below:

https://www.youtube.com/watch?v=5XaNMzUl5a0

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.