Tom Rodriguez, napapayag si Carla Abellana na magka-baby agad sila after ng kasal

Hindi raw pahihintuin ni Tom Rodriguez ang misis-to-be- niyang si Carla Abellana sa showbiz once magka-anak na sila. Magiging unfair daw s’ya kay Carla kung ganoon. “Bukod sa mahal na mahal ko ’yong tao, nauna ko s’yang nakilala sa sining n’ya at parte na rin ’yon ng minahal ko sa kanya. So, kung s’ya ’yong isa sa mga tao na pumukaw ng ganu’ng klaseng passion sa sarili ko nu’ng mga times na gusto ko mag-give up, na wala akong tiwala sa sarili ko…kikitilin ko ba ’yon sa kanya?" 

PHOTOS: @akosimangtomas & @tomcarmunchkinsofficial on Instagram

Hindi raw pahihintuin ni Tom Rodriguez ang misis-to-be- niyang si Carla Abellana sa showbiz once magka-anak na sila. Magiging unfair daw s’ya kay Carla kung ganoon. “Bukod sa mahal na mahal ko ’yong tao, nauna ko s’yang nakilala sa sining n’ya at parte na rin ’yon ng minahal ko sa kanya. So, kung s’ya ’yong isa sa mga tao na pumukaw ng ganu’ng klaseng passion sa sarili ko nu’ng mga times na gusto ko mag-give up, na wala akong tiwala sa sarili ko…kikitilin ko ba ’yon sa kanya?" 

Masayang ibinahagi ni Kapuso actor Tom Rodriguez na napapayag daw n’ya ang soon-to-be wife na si Carla Abellana na magkaroon na kagaad sila ng anak after ng kanilang kasal. 

Natanong kasi ng entertainment press ang aktor tungkol sa magiging changes sa buhay and showbiz career nila ni Carla after their wedding during the virtual media conference n’ya kahapon, August 23, with his The World Between Us co-actors Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, and Kelly Day.

Aniya, hiniling daw n’ya sa kanyang fiancée na magka-baby na kaagad sila. 

Isang malaking change—gagawa kami ng baby…agad!” excited na pahayag ni Tom sa press via Zoom.  

Ni-request ko, e. Sabi ko, ‘P’wede ba agad pagkatapos [ng kasal]?’ Sabi n’ya, ‘Huh? Agad? Can it be one year [after].’ Sabi ko, ‘No, agad na.’ Buti naman napapayag ko para maka-dalawa kami.

Dahil dito ay natanong pa ang aktor kung nangangahulugan ba iyon na hindi na muna magtatrabaho si Carla para alagaan ang kanilang baby. 

Tugon ni Tom, ayaw daw n’yang pigilan si Carla kung gusto nitong magtrabaho dahil isa daw sa minahal n’ya dito ay ang pagiging passionate nito sa pag-aartista. 

Nasa sa kanya ’yon,” lahad ng aktor. “Feeling ko naman it would be…Sinabi naman n’ya na she wants to focus on being a mother, and at the same time, hindi n’ya maiaalis sa sarili n’ya na mahal n’ya ’yong craft, mahal n’ya ’yong trabaho n’ya.

Nasa sa kanya ’yon,” pag-uulit n’ya. “From the both of us, sinabi nga namin nagkataon ngayon na sabay kaming nagtatrabaho pero na-experience na namin ’yong salitan kami. So, kahit ganu’n, kahit ako ’yong maiwan kasama ’yong magiging baby namin [at] nagtatrabaho s’ya, no problem. 

“We will adjust kung anuman ’yong itatapon ng buhay sa amin na mga suliranin.

Magiging unfair daw s’ya kay Carla kung pahihintuin n’ya ito sa showbiz dahil lang sa nagka-anak sila. 

Bukod sa mahal na mahal ko ’yong tao, nauna ko s’yang nakilala sa sining n’ya at parte na rin ’yon ng minahal ko sa kanya,” paliwanag pa n’ya.

“So, kung s’ya ’yong isa sa mga tao na pumukaw ng ganu’ng klaseng passion sa sarili ko nu’ng mga times na gusto ko mag-give up, na wala akong tiwala sa sarili ko…kikitilin ko ba ’yon sa kanya?”

Pagpapatuloy pa ni Tom, “Parang napaka-unfair naman na s’ya ’yong bumuhay sa ganu’ng klaseng pag-appreciate sa sining na ginagawa namin tapos ako, ang gagawin ko sa kanya papatigilin ko? Ang sama. 

“So, for me, I don’t want to. Nasa sa kanya ’yon. It’s completely up to her. I don’t want to pressure her to anything.”

Samantala, ngayong naka-break sila sa lock-in taping ay aasikasuhin daw ni Tom ang ilan pang detalye para sa nalalapit nilang kasal ni Carla. 

At dahil nga marami ang naging changes because of the pandemic, lockdown, at Delta at Lambda variant ay napa-cross finger pa ang Kapuso aktor sabay sabing, “Lord, sana matuloy [ang kasal].”

Tight kasi ang schedule nila ni Carla sa ngayon at may mga changes pang nag-a-arise. 

Kasi by the time na eere na kami uli [sa TWBU], ’yong mga kailangan kong gawin [sana] nagawa ko na. ’Yon ’yong inaalala ko kasi pag pasok ko na naman [sa lock-in taping] salisi na naman kami ni misis,” natatawang paliwanag n’ya.  

“Whereas, dati akala ko by September 6 tapos na kami [mag-shoot sa TWBU], si Carla babalik sa September 3, tapos na s’ya doon [sa To Have And To Hold lock-in taping], magkikita na kami finally. Baka a week or two before the wedding na kami magka-abot.

Tsika pa n’ya, nagdadalawang -sip daw s’ya para sa kanyang pamilya na nasa US kung papapuntahin pa ba n’ya sa kanyang kasal. 

Ngayon puro mga contingency plans. S’yempre, may family [members] ako sa States na, unfortunately, hindi makakapunta dito. Nagkaroon ng developments,” sabi n’ya.

“Like ngayon, my sister, buti pa-recover na s’ya sa COVID n’ya pero hindi na s’ya p’wede magpa-vaccinate. Hindi na aabot kasi parang two months daw ’yong kailangan before makapag-vaccinate s’ya. 

“So, inaalala namin kung makakapunta pa ba s’ya dito, kung kailangan ng vaccination card for her to be able to travel. So, may mga ganu’n. Ang daming mga factors [na kailangang isipin].”

Wala naman daw changes sa dates and venue ng kasal, which is on October 23 sa Tagaytay City, pero ang pina-finalize daw nila sa ngayon ay ang entourage. 

’Yon nga, e. ’Yong entourage nagkaroon ng pagbabago,” sey pa ni Tom. “My two brothers hindi makakapunta. Inaayos pa namin ngayon. 

Gustong-gusto nilang pumunta dito lalo na my mom kaso ako ’yong nag-aalangan with the Delta variant and everything going on. Gusto ko ba i-risk ’yong safety n’ya? I really have to make sure na pulido

Gusto ko man silang nandito, ako mismo ’yong nagdadalawang isip,” pagtatapos ni Tom.

Samantala, sa Friday, August 27 ang last episode ng The World Between Us bago ito pansamantalang mamamaalam sa ere at sa November 15 na ito babalik.

Dahil dito, maa-adjust ang GMA Telebabad block kung saan mapapaaga ang airing ng Legal Wives sa babakantehing oras ng The World Between Us, na susundan ng Endless Love rerun, at Korean Drama na Penthouse.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tom Rodriguez, sigurado na kay Carla Abellana; in-love din daw sa leche flan ng aktres

Carla Abellana desperately calls for help to rescue dogs from dog-meat traders 

Tom Rodriguez, kina-career ang pag-aaral ng Mandarin Chinese

Tom Rodriguez shares allegedly being “possessed” on set

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.