Tom Rodriguez, sigurado na kay Carla Abellana; in-love din daw sa leche flan ng aktres

PHOTOS: @akosimangtomas on Instagram, Carla Abellana on YouTube

PHOTOS: @akosimangtomas on Instagram, Carla Abellana on YouTube

Dahil sa on-going community quarantine, mas na-realize umano ni Kapuso leading man na si Tom Rodriguez na ang kanyang kasintahang si Carla Abellana na ang kanyang "the one."

Sinabi ito ng aktor sa interview noya with 24 Oras bago s'ya sumalang as guest performer sa fundraising drive na Bayanihan Musikahan online concert last May 22.

K’wento ni Tom, supportive daw ang kanyang girlfriend at talagang nage-effort sa kanilang relasyon. 

"Kasi kahit s'ya hindi nagi-give up," pagmamalaki ng Filipino-American actor-singer sa kanyang nobya. "Hindi nagpa-falter and willing to really work it out and to support me."

Dahil dito, na-realize na daw ng 32-year-old Kapuso star na, "Mas nagiging klaro sa'kin, s'ya na pala talaga."

Huling-huli din daw ng Kapuso actress ang kiliti ni Tom lalo na pag dating sa mga desserts. 

Katunayan, sweet na nag-bonding ang dalawa while on lockdown at nagluto ng leche flan na paboritong dessert pala ng aktor at nagkataon naman na specialty palang lutuin ni Carla since she was in high school.

"Kahit naka-diet ako 'yon ang isa sa mga pagkain na hindi ko tatanggihan," tsika pa ni Tom sa interview. 

Mapapanood ang kulitan ng dalawa while cooking and eating leche flan sa YouTube channel ni Carla.

Samantala, kasalukuyang napapanood sa GMA Network ang LGBTQ-themed teleserye na pinagbidahan noon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na My Husband's Lover. Ito rin ang unang project na pinagtambalan ng dalawa, with Dennis Trillo, way back in 2013.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Carla Abellana desperately calls for help to rescue dogs from dog-meat traders 

Tom Rodriguez, kina-career ang pag-aaral ng Mandarin Chinese

Tom, 1000% sure nang pakakasalan si Carla

Tom Rodriguez shares allegedly being “possessed” on set

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.