Toni Gonzaga, na-manifest ang 2015 dream niya na magka-anak ng lalaki at babae

Inabot ng walong taon bago bago tuluyang natupad ang pangarap ni Toni Gonzaga na magkaroon ng anak na lalaki at babae. Nagsimula raw iyon nang pumunta sila sa Japan kung saan may ma-meet s’yang magkapatid na Japanese children.

PHOTOS: @tonigonzagastudio on Facebook & @celestinegonzaga on Instagram

Inabot ng walong taon bago bago tuluyang natupad ang pangarap ni Toni Gonzaga na magkaroon ng anak na lalaki at babae. Nagsimula raw iyon nang pumunta sila sa Japan kung saan may ma-meet s’yang magkapatid na Japanese children.

Noong 2015 pala ay pinangarap na ng TV host-actress and singer na si Toni Gonzaga na magkaroon ng anak na lalaki at babae. 

Nai-post pa nga n’ya ang tungkol dito sa Instagram back then when she was in Japan. Pero pagkatapos ay binura din niya ito.

“One day I’ll have a boy and a girl,” ani Toni sa kanyang IG post that time kalakip ang photo n’ya kasama ang magkapatid na Japanese boy and girl.

Kahapon, August 15, after eight long years, binalikan ng actress and celebrity mom through her Instagram Story ang pagpapa-picture n’ya sa magkapatid na Japanese kids kung saan umano nagmula ang pangarap n’ya before na magkaroon din ng lalaki at babaeng anak. 

Na-cute-an daw kasi s’ya sa dalawa kaya nakipaglaro at nagpa-picture s’ya sa mga ito.

“I remember this post, I deleted after… I saw a boy and a girl sibling in Japan.. Cute na cute ako, I asked the mom if I can play and take pics with them.. She allowed.. [Face with three hearts emoji],” pagre-recall ni Toni.

Hindi raw n’ya inakala na magkakatotoo ang naging declaration n’yang iyon dahil few days lang after n’ya mai-post ang photo ay nag-propose naman ng kasal ang boyfriend n’ya noon at husband na ngayong si Direk Paul Soriano.

Ito na ang naging simula ng katuparan ng kanyang pinangarap na pamilya. 

“We were taping Home Sweet Home then in Japan… This was Jan10… Jan20 on my birthday Paul proposed. 8 years after… We now have a boy and a girl…[Red heart emoji],” she concluded.

SCREENSHOT: @celestinegonzaga on Instagram

Kung iisipin nga naman, tagumpay na natupad ng aktres ang pinangarap n’yang dalawang anak nang isilang n’ya ang panganay na si Seve noong 2016, at ang baby girl na si Paulina Celestine just few days ago.

https://www.instagram.com/p/CvzHHXXvvFI/?img_index=1

Congratulations, Toni!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Toni Gonzaga gives birth to a baby girl, which she and husband Paul named after them, Paulina Celestine

Joey de Leon, naniniwalang "powerful" si Toni Gonzaga dahil sa hindi nito pagpatol sa bashers

Direk Paul Soriano assesses his "Unbothered Queen" wife Toni Gonzaga is "probably the most powerful celebrity today."

Toni Gonzaga, hoping na masundan na si Seve next year

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.