Ipinaalam ng TV host-actress na si Toni Gonzaga sa kanyang online followers ang tungkol sa isang Facebook page na gumagamit ng pangalan n’ya.
Sa kanyang Instagram Stories kagabi, July 3, ipinagbigay alam ni Toni na hindi n’ya pag-aari ang FB page na may pangalang Celestine Gonzaga-Soriano.
“This is not our official account. If you could kindly report also. Maraming salamat,” pahayag ng aktres sa IG Story kalakip ang screenshot photo ng nasabing FB page na nagawang g i-live ang YouTube interview n’ya with tattoo lover Dee Dee Villegas.
Ipinost din n’ya ang kanyang official Facebook page na Toni Gonzaga Studio.
Sa kasunod n’yang IG Story, ipinost n’ya ang panawagan ng taong nasa likod na pekeng FB page para mangalap ng pera gamit ang kanyang pangalan.
“During this broadcast, you can also support my Page by sending Stars, a digital gift that helps me earn money,” saad ng fake user sa comment section na nai-screenshot ni Toni.
Dito, muling sinabi ng aktres na hindi kanya ang Celestine Gonzaga-Soriano FB page at hindi s’ya nanghihingi ng pera sa kanyang mga followers at subscribers.
“We don’t ask for money.. this is a fake account,” pagwa-warning n’ya.
Nanawagan din s’ya sa publiko na i-report ang nasabing FB page para ma-take down ito ng Facebook at hindi na nakapanloko pa.
“If you can also report. Thank you so much,” pagtatapos ni Toni.
YOU MAY ALSO LIKE:
Sa pagtatanggol kay Toni Gonzaga, Robin Padilla tinawag na bully si Direk Erik Matti
Former PBB housemate Dionne Monsanto, may patutsada rin kay Toni Gonzaga
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber