Toni Gonzaga, naputakti ng hate comments dahil sa pag-i-interview sa Ninong Bongbong Marcos niya

Marami ang nag-react at nag-post ng kanilang mga komento, reaksiyon, at disgusted opinions sa interview na ito ni Toni Gonzaga sa dating senador na si Bongbong Marcos. May mga tumawag din kay Toni na “enabler.”

Photos: @celestinegonzaga / Screengrab Toni Gonzaga Studio YouTube

Marami ang nag-react at nag-post ng kanilang mga komento, reaksiyon, at disgusted opinions sa interview na ito ni Toni Gonzaga sa dating senador na si Bongbong Marcos. May mga tumawag din kay Toni na “enabler.”

Kung sa mga nakaraang interviews ni Toni Gonzaga para sa kanyang YouTube vlog na Toni Gonzaga Studio ay halos puro papuri ang mga comment ng mga netizens, sa latest vlog upload niya ay hindi.

Habang sinusulat namin ito ay nagte-trending pa rin sa Twitter ang mga hashtags na #ToniGonzaga at #ToniTalks. Sa YouTube naman ay nasa #13 trending na ito. 

Ito ay matapos niyang i-upload kagabi, September 13, ang interview niya sa dating senador na si Bongbong Marcos. Tila birthday gift pa ang dating ng interview dahil September 13 din ang kaarawan ng anak ng pumanaw na diktador.

In fact, sa caption ng nasabing YouTube vlog ni Toni na may title na: “The Greatest Lesson Bongbong Marcos Learned From His Father,” binati pa ni Toni ang “ninong” nila sa kasal ng Mister na si Paul Soriano ng, “Happy Birthday Sir Bongbong Marcos! We are grateful to be given the opportunity to hear your story.”

Marami ang nag-react at nag-post ng kanilang mga komento, reaksiyon, at disgusted opinions sa interview na ito ng actress. May mga tumawag din kay Toni na “enabler.” 

Sa mga comment din ng netizens, sa halip na ang kaarawan ni BBM ang ma-highlight at mas marami ang nakaalala at nagpa-alala sa declaration ng Martial Law noong September 21, 1972.

Narito ang ilan sa mga comments na mababasa sa Twitter:

 “#ToniGonzaga sorry but I am unsubscribing @tonigonzaga”

“If #ToniGonzaga asked #BBM if he’d return the money his parents stole from our country, then baka nga neutral siya. The problem with the Gonzagas is they think they can believe in a god and a virtue without practicing them and think that’s enough. Pwe. Mga enabler.”

“Mukhang hindi napanood ni #ToniGonzaga ang mga RESIBO sa malagim na sinapit ng Pilipinas sa pamumuno ng ama ni Bongbong Marcos bago siya mag-interview. 

“Hanggang dito nalang ba talaga ang paggamit ng inyong platform na maraming follower at ‘yung iba hindi pa aral sa kasaysayan ng Pilipinas? Isip-isip din naman sa epekto ng ganitong uri ng interview na hindi na nga malalalim, wala pang sustansya at pagkakataong upang makulong sa bayan. 

“Hindi lang to para kay Toni- para sa lahat ng may kapangyrihang mang-impluwensya.”

“#ToniGonzaga too much disappointed with this...  No Marcos again kindly stop featuring  them no good anymore.”

Maging ang Mister ni Toni na si Direk Paul Soriano na nag-tweet at prinomote ang latest YouTube vlog ni Toni ay ’di rin naka-ligtas sa mga hate comments ng ilang netizens. May mga direktang nagmura pa nga sa direktor at may mga nagbantang ibo-boycott ang mga pelikula niya.

“Feeling smart si Toni Gonzaga pero wala naman sense ang tinatanong at duwag magtanong..how come she didn't asked iyong corruption during Marcos regime.”

“Kung may movie man na ipo-produce o ide-direk tong lokong 'to, hinding-hindi ko tatangkilikin yan. Promise yan! Pweee.”

“Christian kuno pero sumusuporta sa masasamang tao. Gulo.”

“Hay ang mag asawang ito! Panay bible ang quotes pero panig sa kurakots!!”

Tila alam na raw ni Bongbong na posible ngang ma-bash o may mga magalit sa inaanak niya sa pagpi-feature sa kanya. May mga naka-pansin din kasi sa tila warning ni Bongbong sa umpisa pa lang ng video nang sabihan niya si Toni ng: "Thank you for taking the trouble."  

Pero sa kabila nito, hindi rin naman pwedeng itanggi na marami pa ring ‘Marcos Loyalist.” Marami sa kanila ang natuwa at humanga kay Toni sa interview niya. May mga nakapansin din na tila maingat daw si Toni na magtanong kay BBM.

Kaya kung may mga galit o nagsasabing mag-a-unscribe na sila sa vlog ni Toni, hindi rin naman maikakaila na marami rin ang nag-post ng mga positibong comments at pagta-tanggol kay Toni sa Twitter at sa YouTube vlog nito mismo.

Narito ang ilan:

“Toni Gonzaga for sure has good intentions. If may galit kayo kay BBM, wag niyo damay si toni. She's just being fair. Special Series 2021, was about those who will run for this election. “

“Defend #ToniGonzaga at all cost! These Pawokes will never win!”

“I think Toni did a great job in her talk with BongBong Marcos because that just shows how versatile and non-biased she is. That's her craft, you guys. She has no sides to choose. That's her art. Respect that.”

“Hats off to you #Toni #ToniGonzaga #ToniTalks masyadong sarado lang utak ng iba. Love you Toni.”

“Interesting that the wokes are trying to cancel Ms Toni for this interview when she was perfectly suited for it. Free speech is for everyone, and not exclusive to just one political ideology. You don't have to like BBM or the Marcoses; that's your belief. But don't drag Ms Toni down just because she's fair enough to interview BBM on HER channel.”

“Watching toni talks is like reading a book. You can get a lot of wisdom. This gurl I staaaan!!!!”

“Thank you for this interview, Miss Toni. Thanks for NOT BEING BIASED.”

Sa isang banda, ang interview na ito ni Toni kay Bongbong sa hanay ng mga politicians ang masasabing may pinaka-maraming views. At presstime, agad na itong naka-hamig ng mahigit 700,000 views sa loob lamang ng isang araw. Mapapansin din na kumpara sa mga nakaraang interviews niya sa mga kilalang pulitiko, isa rin ito sa may maraming likes na umabot ng 57,000 at kalahati naman ang dislikes at 22,000.

Pero si Toni ay matagal ng deadma sa bashers. She will be unapologetic to anyone who feels offended by her interviews. 

Sa kanyang July 2020 interview sa vlog naman ni Edu Manzano na Good Vibes with Edu, kung saan siya noon ang interviewee, may binitiwan siyang explicit opinion tungkol sa kung paano niya dini-deal ang mga bashers

Aniya kay Edu: 

“I’ve reached a point in my life where I realized that other people’s perception of me is not my responsibility anymore. Na parang pag sinabi sa akin ng isang tao na one plus one equals 10, I’ll just tell that person yes you’re correct, you’re right. Para whatever judgement or assumption they have of me I feel like I don’t have anymore, the need to explain, to prove, to defend and to hide. Because I have nothing to hide, I have nothing to defend, I have nothing to prove, I have nothing to explain to anybody because I know who I am deep inside.”

So, there.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Toni Gonzaga, binalikan ang panahong na-love at first sight siya sa litrato pa lang ni Direk Paul Soriano

Toni Gonzaga, aminadong nai-insecure sa ibang artista but never sa kapatid niyang si Alex

Toni Gonzaga, masayang nahanap ang niche at purpose niya sa YouTube

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.