Toni, masaya kahit natalo ang tatay sa pagka-Mayor: “We’re grateful that my dad is still alive and he’s still with us.”

PHOTOS: Anna Pingol & @cathygonzaga on IG

PHOTOS: Anna Pingol & @cathygonzaga on IG

Maluwag na tinanggap ng pamilya Gonzaga ang pagkatalo ng haligi ng tahanan nila na si Carlito “Bonoy” Gonzaga in his bid to be the mayor of Taytay, Rizal nitong kalilipas lang na mid-term elections. 

Hindi nagbigay ng detalye si Toni Gonzaga pero tila makahulugan ang sinabi niyang prepared ang pamilya sa magiging outcome ng pagkandidato ng tatay niya.

“Prepared kami sa outcome,” say ni Toni na nakausap ng entertainment press, kabilang ang pikapika.ph sa press conference ng Home Sweetie Home: Extra Sweet last May 16. 

“From the very start prepared na ’yong family namin…and my dad did his best—he fought a good fight, he fought clean. That’s what’s more important.”

Mas na-intriga pa ang mga kaharap ni Toni nang paulit-ulit nitong sabihin na mas importante na buhay at safe ang tatay nila.

“What I’m really thankful for after this whole campaign was that he’s alive and he was safe—he’s safe up to this day,” giit ni Toni. “That’s what we’re thankful for. After everything that he’s been through and what we have witnessed during the whole campaign, the only thing that we’re grateful for is that my dad is still alive and he’s still with us and then he’s happy with his family.”

Diretsang tinanong si Toni kung nagka-death threat ba ang tatay nila ni Alex Gonzaga pero tumangging mag-komento ang aktres.

“I don’t wanna go into details about the whole situation that happened,” iwas ni Toni. “But what I really wanna say is that I’m thankful and I’m grateful sa love and support na nakita namin…I’ve never seen this much love and support sa mga kababayan namin. That is enough for me to be grateful for…all the love na na-receive namin.”

READ: Dahil sa pagdalo sa pa-dinner ni President Duterte, Toni Gonzaga, na-bash nang bongga. “But they’re all free to say what they want to say. And I respect that.”

Sa ngayon daw ay balik sa pagka-private citizen ang daddy nila na dating vice mayor ng Taytay. Hindi naman daw nito ininda ang pagkatalo dahil sanay naman daw sa pulitika ang tatay nila.

“Ang daddy ko kasi ano, e, ano siya…magaling magdala daddy ko. Kasi ano, e, matagal na sa pulitika kaya alam niya ’yong mga ganitong pangyayari…wala namang nagbago sa amin kasi kung paano kami noon—during the campaign and after the campaign—we remain solid as a family. So, wala namang nagbago. Mas umigting ’yong pagmamahal.”

Kung sila raw nina Alex at Mommy Pinty ang tatanungin ay mas gusto nilang wala sa pulitika si Daddy Bonoy. 

“Mas masaya kami actually kasi mas makakasama na namin siya lagi,” nakangiting say ni Toni. “Pag nag-travel kami hindi na siya uuwi nang maaga kasi lagi niya kaming iniiwan pag nagta-travel kaming family kasi nga may responsibility siya. Ngayon, sabi namin, p’wede na siyang mag-stay with us.

“Mas kasama namin siya ngayon , mas nae-enjoy niya, mas wala nang limit ’yong time with him. Before kasi laging may limit, laging kailangang umalis or minsan pag may dinner hindi siya sasama…’yong talagang unang-una ’yong bayan, ngayon una na ’yong pamilya.”

At higit sa lahat, mas may time na itong maging doting lolo sa first grandchild nitong si Seve, two-and-a-half year old na anak nina Toni at Direk Paul Soriano.

Incidentally, kasama na sa Home Sweetie Home: Extra Sweet ang real-life sis ni Toni na si Alex Gonzaga, bilang long-lost half-sister niyang pa-sosyal. The revamped show, which already premiered last May 11, also now includes Rio Locsin, Edgar Mortiz, Bayani Agbayani, Vhong Navarro, and Luis Manzano in the cast.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Gonzaga Sisters’ laglagan blues

WATCH: Baby Seve learns Chinese 101

Alex Gonzaga tops list of highest-earning Pinoy celebs on YouTube

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.