Tony Labrusca, kay Lovi Poe naisakatuparan ang dream love scene

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Magkahalong sakit at init ang hatid ng full trailer ng Hindi Tayo Pwede, kung saan magkaka-love triangle ang mga seksing sina Tony Labrusca, Marco Gumabao, at Lovi Poe.

Pero dahil gumawa ng ingay si Tony sa higop-dila scene niya sa 2018 iWant digital series na Glorious, kaya tumatak na sa kanya ang image na expert at passionate kisser. Pero mukhang sa upcoming erotic drama na Hindi Tayo Pwede, tila hindi naman nagpatalo si Marco Gumabao pagdating sa halikang may “pa-tongue.”

Si Lovi tuloy ang pinag-judge ng entertainment press during the press conference for the movie kung sino ang better kisser sa dalawang hunky actors na leading men niya at kung kanino ang mas steamy love scenes niya.

"Ang hirap," natatawang sagot ni Lovi. “It’s so hard...But, ’yon nga, like what I said earlier po... parang you can love different people but you can't love the same way twice.

"So, makikita mo 'yong, iba 'yong level ng pagmamahal ko with Dennis [Marco Gumabao] at kay Gabriel [Tony Labrusca]. So parang...that is why iba 'yong take ng love scene namin ni Marco. Iba 'yong sa'min [ni Tony].

"Let's say sa music," pag-e-elaborate ng 31-year-old actress. "When it comes to music, 'yong sa'min ni Tony was very slow and romantic. Kasi nga parang...it was just like we knew then that we were in love. Parang right there and then, no'ng nag-meet kami...parang 'I love this person.' Parang gano’n.

"Tapos 'yong sa'min ni Marco is, there is...It's more...I don't know. It's so hard. Siguro the rhythm was a bit more upbeat. Kasi nga hindi namin ine-expect na ganito pala 'yong nararamdaman namin sa isa't isa."

Magkasintahan kasi sina Lovi at Tony sa movie, habang si Marco at best friend ni Lovi na secretly nagmamahal sa kanya. Lovi and Marco’s characters became intimate after Tony’s death kahit nagmumulto pa ang character ni Tony.

At some point, tinulungan na si Direk Joel Lamangan si Lovi sa pagdi-differentiate ng mga love scenes na dinirehe niya.

"May dalawang kanta [para sa love scenes]," paglalahad ni Direk Joel na sinakyan ang halimbawa ni Lovi. "Doon sa multo, ‘Never Ever Say Goodbye.’ Doon kay Marco Gumabao, ‘Hindi Tayo P’wede.’ Ibang rhythm. 'Yon ang pina-follow na rhythm ng kanilang love scenes.”

However, nabalik ang tanungan kay Tony. Mapangangatawanan daw ba niya ang “expert kisser” bansag sa kanya sa movie na ito sa French kissing scene nila ni Lovi?

"Parang hindi rin," nakangiting pag-kontra ng nae-embarrass nang si Tony. “Ayon nga minsan...parang, since nakita nilang gano’n ka-grabe 'yong kissing scene sa Glorious, parang lagi na lang nila ine-expect... Tapos minsan, ako kinakabahan...na kailangang... 'Shocks! Kailangan sobrang ganda nitong kissing scene na 'to.' Otherwise...Kasi hanggang dito na 'yong expectation nila, e. So...Pero wala. It's so...I don't even remember kung may tongue. Hindi ko maalala, e.”

"Panoorin n'yo po. Basta it's different. Iba 'yong kiss namin,” nambibiting singit ni Lovi.

However, very proud si Tony sa nagawa nilang bed scene ni Lovi na tinawag niyang “love scene of my dreams.”

"Kasi when I think of a sex scene, I want to see kasi two people na alam mo 'yong kahit sex 'yong nakikita mo, ikaw mismo kapag pinapanood mo s'ya kinikilig ka kasi nakikita mo 'yong passion, 'yong love nila para sa isa't isa.

"And I love it when I see people playing with shapes, figures and shadows and glimpses parang...that leads your imagination running wild.

"So I'm just so excited nga for you guys to see that scene," Tony continued. "Para you judge it for yourself. Kasi sobrang beautiful, e. As I was watching it, I was like, 'Wow!' Parang ang ganda na nakikita mo talaga na these to people are in love, you know.

"It takes away the sex part and it adds more na parang these two are madly in love with each other. Parang gano’n. And it's so beautiful," pagtatapos ng aktor.

Hindi Tayo Pwede will be in cinemas on March 4.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tony Labrusca, gusto na daw magka-lovelife this year!

Tony Labrusca, kinabahang maka-trabaho si Julia Barretto dahil mukha daw itong “game na game.”

British boyfriend ni Lovi Poe, wala daw keber sa mga sexy scenes niya

Marco Gumabao fires back at a Netizen who urges him to “donate” instead of offering prayers to those affected by worldwide calamities

Marco Gumabao says he is willing to do gay scenes in indie films; says his stand on LGBTQ+ and SOGIE bill

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.