Transgender model na si Valentina Sampaio, Victoria’s Secret model na!

(Right photo) Valentina Sampaio gives her IG followers a sneak peak of her first photo shoot with VS’s Pink brand last August 1. The post’s caption read: “Backstage click @vspink 💕💕” 

PHOTOS: @valentts

(Right photo) Valentina Sampaio gives her IG followers a sneak peak of her first photo shoot with VS’s Pink brand last August 1. The post’s caption read: “Backstage click @vspink 💕💕” 

Ready na ang lingerie brand na Victoria's Secret para sa kanilang first openly transgender model. Ito ay si Valentina Sampaio at makikita na siya sa catalog para sa bagong campaign ng VS para sa kanilang Pink brand. 

Nag-post na sa kanyang Instagram ang 22-year old Brazilian model ng kanyang first photo shoot with VS Pink noong nakaraang August 1. May caption ito na “Backstage click @vspink 💕💕” 

Nag-post din siya ng isang IG video with the caption: “Never stop dreaming genteee 💋💋💋 #staytuned #bastidores #new #vspink #campaign #representatividade #diversity” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Valentina Sampaio (@valentts) on

Ayaw i-reveal ni Valentina ang dati niyang pangalan noong lalake pa siya. Pero lumaki siya sa isang fishing village called Aquiraz in Northen Brazil si Valentina. Isang fisherman ang kanyang ama at school teacher naman ang kanyang ina.

According to the New York Times, nag-aaral ng isang fashion course si Valentina nang ma-discover siya ng isang makeup artist. Sampaio later signed with a modeling agency in Sao Paulo, Brazil. 

Pero hindi raw naging madali para kay Valentina ang lahat dahil may ilang brands daw na ayaw siyang kunin dahil transgender siya. Muntik na raw niyang iwan ang modeling dahil sa mga hindi magandang experience niya.

Dahil fighter si Valentina, hindi siya nagpatalo sa mga panlalait sa kanya. Naging matiyaga siya sa paghintay ng magandang break at nangyari nga iyon. 

Naging sunud-sunod ang paglabas ni Valentina sa covers ng fashion magazines na Vogue Brasil, Elle Mexico, Elle Brasil, Vanity Fair Italia, and L’Officiel Turkiye. Kinuha rin siyang model para sa campaign ng major brands tulad ng Philipp Plein, Pollini, Moschino, and L’Oreal. 

Noong February 2017, si Valentina ang naging first transgender model to pose for Vogue Paris.

Ayon sa New York Times, French Vogue editor Emmanuelle Alt described Sampaio as having "striking beauty and a sparkling personality", “the ultimate of a rejection of conformity” and the sort of “icons that Vogue supports and chooses to celebrate.”

Well-documented ang career ni Valentina on social media with more than 229,000 followers on Instagram and 17,000 followers on Facebook.
 
Kinuha pa siyang brand ambassador ng L'Oreal Paris. Gumawa pa ng short film ang naturang brand tungkol kay Valentina para sa International Women’s Day noong March 8, 2016: “L’Oréal Paris believes that being a woman transcends the body, which is why the brand is broadcasting a message about the fight for feminine freedom in all its expressions by presenting the story of Valentina Sampaio of Brazil. The brand helps Valentina, a transgender woman, to prepare herself to take a photo for her new ID, that will officially reflect her feminine identity.”

“It’s great when you accept and love yourself, when you know your worth. I think Women’s Day is important, but not for being given flowers. We want respect," pahayag pa ni Valentina.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bella Thorne, mas type ang polyamorous relationships

Tyra Banks, pinatunayang may asim pa

Dating leading lady ni Tom Cruise na si Kelly McGillis, dinedma ng Top Gun: Maverick team dahil sa katabaan?

Will & Grace, magre-reboot pero magba-babu na rin sa 2020

Spider-Man stars Tom Holland at Jake Gyllenhaal, may bromance

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.