Trina Candaza ni hindi na-mention si Carlo Aquino sa lipat-bahay vlog; mga cryptic posts, tuloy pa rin

Taong 2019 pa lamang ay nagpahayag na si Carlo na plano niyang pakasalan si Trina Candaza. Hanggang sa ipinanganak ang baby nilang si Enola Mithi noong September 2020. Pero heto’t maingay ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa kaya’t tila malabo na ang pangakong kasal.

Photos: @trinacandaza

Taong 2019 pa lamang ay nagpahayag na si Carlo na plano niyang pakasalan si Trina Candaza. Hanggang sa ipinanganak ang baby nilang si Enola Mithi noong September 2020. Pero heto’t maingay ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa kaya’t tila malabo na ang pangakong kasal.

Wala pang kumpirmasyon mula sa actor na si Carlo Aquino at sa partner at ina ng anak niya na si Trina Candaza kung totoong hiwalay na nga sila. 

Taong 2019 pa lamang ay nagpahayag na si Carlo na plano niya itong pakasalan. Hanggang sa ipinanganak ang baby nilang si Enola Mithi noong September 2020. Pero heto’t maingay ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa kaya’t tila malabo na ang pangakong kasal.

Pero marami namang nagsasabing “blessing in disguise” na hindi na sila nagpakasal kung sa hiwalayan lang pala mauuwi kagaya ng mga nababalita ngayon. 

Ang huling family photo post nilang dalawa ay noong lang January 13, pero paid advertisement ito at obligasyon nilang mag-post sa kaniya-kanyang individual accounts.

Pero sa regular postings nila, mapapansin na parehong kung hindi solo sila photos nila, ay ang anak lang nila ang kasama nila. Wala na ring ng pagme-mention ukol sa isa’t-isa. Ang huling sweet posts nilang maituturing ay noong October/November 2021 pa. At least, hindi pa sila nagbubura. 

May mga cryptic posts pa si Carlo tulad na lang ng huling Instagram post niya may isang linggo na ang nakararaan na ang caption ay “Silence and coffee.” 

At kung babasahin ang mga comments ng netizens sa IG post niya na ’yon, tila kumbinsido agad ang mga ito na kesyo “nambabae” si Carlo at sinasabihang pa nilang magbago na raw sana ang aktor.

@agirlwholovestotravel wrote: “Ito talaga yung sumikat lang ulit. Parang gwapong gwapo na agad sa sarili. Nambabae ka na naman ulit. Di ka pa nakuntento.” 

@lourjam1188 adds: “grabe ka carlo! babae yung anak mo, ng set ka ng example sa anak mo. galing mo.” 

On Trina’s part naman, tila sunod-sunod din ang posting nito sa kanyang mga social media accounts na may mga pahiwatig na tila may pinagdadaanan nga ang relasyon nila ng aktor. 

Sa kanyang Facebook account, nag-status ito noong January 28 na: “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. 

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…

Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago.”

 

You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may...

Posted by Trina Candaza on Thursday, January 27, 2022

Siyempre, dahil sa post niya na ito, madali para sa lahat na isiping may pinatatamaan siya at ang partner na si Carlo nga ito.

May mga comments pa ang netizens na, nagduda na raw sila nang wala post noong Christmas at New Year ang dalawa at nang lumipat sa bagong condo unit si Trina.

Lately ay may mga additional cryptic posts pa siya gaya ng “Little by little, day by day, what is meant for you will find its way” at “Looking forward with hope.”

 

Kapansin-pansin din sa ini-upload na bagong You Tube video ni Trina—na may titulong “Our New Home”—noong January 29 na silang dalawa lang ng anak niya ang present doon. At nang mag-set-up pa siya ng dalawang plates sa hapag-kainan, ay isang babae na kasama nilang mag-ina sa bahay at hindi si Carlo ang nakasabay nitong kumain. 

Hindi rin niya na-mention si Carlo at all sa buong vlog. 

Mas naging kumbinsido tuloy ang mga netizens na hiwalay na ang dalawa dahil sa sunod-sunod na cryptic Instagram stories ni Trina na hindi na makikita ngayon dahil nag-expire na. 

Ang mga IG stories na: “She’s toxic right?”

“But was she toxic before she lied to her about another female? 

“You hurt that woman.”

 “You drained everything out of that woman.” 

“You lied to her and continue to hurt her and made her question your worth.” 

“Then you expect her to be the same person she was in the beginning?”

Nadadawit din ang pangalan ni Angelica Panganiban, isa sa mga naging ex-girlfriends ni Carlo, sa balitang hiwalayan ng dalawa. May mga nag-assume na si Angelica raw ang babaeng pinuntahan ni Carlo. Ito ay sa kabilang may non-showbiz boyfriend si Angelica ngayon. 

May nanumbat din kay Trina kesyo “karma” raw niya ito dahil inagaw umano niya si Carlo kay Angelica na dati pa naman ay itinanggi na ni Trina. 

Pero mas marami ang nagsasabi rito na tama lang na ipakita niya ang kanyang worth as a person at wag manatili sa isang toxic na relasyon. May nagpapayo pang maging matatag nalang ito para sa anak nila.

Hindi rin nawawala ang mga comments na nage-express ng panghihinayang at sana raw ay maayos pa nila kung anuman ang gusot na pinagdadaanan. 

Sa huling silip namin, kapwa pa naman nagpa-follow ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram accounts. Ang pag-a-unfollow kasi ang isa sa mga indikasyon ngayon kapag may pinagdadaaan ang magkaka-relasyon. Example na nga rito ang balitang on the rocks na rin ang relasyon ng bagong kasal na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil napansing nag-unfollow—at muling nag-follow—sila sa isa’t-isa.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.