Troy Montero, muling nakasama ang pamilya ngayong Covid-19 positive na rin ang kanyang mag-iina

Ayon kay Troy Montero, halos pareho ang symptoms nila ni Aubrey—“very dry cough, headache, body ache, slight fever & chills, and body fatigue”—habang ang mga anak nilang si Rocket ay may kasamang diarrhea. Si Hunter naman daw ay mild symptoms lang. Tanging ang panganay ni Aubrey na si Maurie lang daw ang hindi nag-positive sa kanilang lima kaya ito ang naka-isolate ngayon sa kanyang room.

PHOTO: @troymontero on Instagram

Ayon kay Troy Montero, halos pareho ang symptoms nila ni Aubrey—“very dry cough, headache, body ache, slight fever & chills, and body fatigue”—habang ang mga anak nilang si Rocket ay may kasamang diarrhea. Si Hunter naman daw ay mild symptoms lang. Tanging ang panganay ni Aubrey na si Maurie lang daw ang hindi nag-positive sa kanilang lima kaya ito ang naka-isolate ngayon sa kanyang room.

Matapos ang ilang araw na pagka-camping sa kanilang garahe dahil nag-positive s’ya sa Covid-19 ay nakasama na muli ni Troy Montero ang asawang si Aubrey Miles at kanilang mga anak. 

Nagpositibo na rin daw kasi sa coronavirus ang aktres at ang dalawa nilang anak na sina Rocket at Hunter kaya nonsense na ang pag-a-isolate n’ya sa kanilang garage. 

Sa Instagram post nga ni Aubrey kahapon, January 18, sinabi n’yang nakakaramdam na s’ya ng Covid-19 symptoms pero unclear kung positive s’ya kasi literal na malabo ang resulta ng kanyang test. 

“Blur means?” she asked in her IG post kalakip ang photo ng Covid-19 test kit na may isang pulang linya habang ang isa namang linya ay malabo. Nangangahulugang positive kasi sa Covid kapag dalawang linya ang lumitaw sa test kit. Pero dahil may symptoms, positibo na nga siya rin siya.

“My symptoms? Cough with phlegm, runny nose, I had chills last night, may PANLASA naman anyway I rather get it now with everyone in the house than get it later,” dagdag pa n’ya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)

At sa IG photo nga ni Troy kagabi, makikitang magkakasama silang apat: s’ya, si Aubrey at ang dalawa nilang anak. 

Paliwanag n’ya: “Aubrey & the kids tested positive for COVID today so we’re all back together again. Not the reunion I was hoping for but it is what it is.”

K’wento pa ng aktor, pareho daw ang mga sintomas na naramdaman nila ng misis n’yang si Aubrey pero iba naman ang naranasan ng kanilang mga supling. 

“Aubrey’s symptoms seem to be very similar to mine: very dry cough, headache, body ache, slight fever & chills, and body fatigue,” lahad ni Troy.

“Rocket has a fever and dry cough, diarrhea but at least she has an appetite. Hunter has hardly any signs or symptoms. Might cough a bit here and there but says he feels fine.”

Tanging ang panganay ni Aubrey na si Maurie lang daw ang hindi nag-positive sa kanilang lima kaya ito ang naka-isolate ngayon sa kanyang room. 

“Maurie is still negative so he’s locked up inside his room. We’ll hope for the best,” ani Troy.

Tuloy-tuloy naman daw ang inom nila ng gamot. 

“So lots of fluids, vitamins, supplements, paracetamol & tempra when needed. So now that we’re all together, set the COVID clock to Day 1.”

Nagpasalamat naman s’ya sa mga fans and friends nila ngayong buong pamilya na nila ang nahaharap sa Covid-19 ordeal.

“Thanks to everyone for all the kind words of support. We’ll need it more than ever in the coming days. Stay safe out there and please take care,” pagtatapos ni Troy.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Troy Montero (@troymontero)

Get well soon to everyone.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.