Tuesday Vargas, hindi pabor ibalik sa GCQ ang Metro Manila; “Siguro magye-yes ako kung may konkretong plano.”

Hiling ni Tuesday Vargas ukol sa pamamalakad sa bansa ngayong panahon ng pandemic: “Mas maganda at mas maayos na pamamalakad ng paglabas ng mga sistema na ito para deserve naman nila ’yung buwis na binabayad.”

Photos: @tuesday_v / @itsshowtimena

Hiling ni Tuesday Vargas ukol sa pamamalakad sa bansa ngayong panahon ng pandemic: “Mas maganda at mas maayos na pamamalakad ng paglabas ng mga sistema na ito para deserve naman nila ’yung buwis na binabayad.”

Pinalakpakan ang komedyanang si Tuesday Vargas ng mga hosts ng It’s Showtime dahil sa naging sagot at paliwanag niya tungkol sa napapanahong isyu ng paglalagay sa Metro Manila under GCQ (General Community Quarantine) simula September 8, gayung patuloy pa rin ang pagtaas ng cases ng Covid-19 sa bansa, partikular nga sa Metro Manila.

Naganap ang lahat sa episode ng It’s Showtime ngayong araw, September 7, sa segment na “Madlang Pi-Poll,” kung saan kasama ni Tuesday bilang guests ang mga kapwa “Funny Ladies” niyang sina Wilma Doesnt at KitKat laban sa madlang pipol na sinurvey.

Sa napapanahong tanong na “Sang-ayon ka bang ilagay ulit ang Metro Manila under GCQ?” ay kapwa nag-“Yes” sina Wilma at KitKat habang “No” naman ang naging stand ni Tuesday.

Ani Kitkat, affected daw kasi ang restaurant business niya kaya’t gusto na niyang mag-GCQ. Sumang-ayon sa kanya si Wilma, na may restaurant business din.

“Siguro magye-yes ako kung may konkretong plano,” sundot ni Tuesday nang mahingan ng paliwanag.

“’Yung hindi ura-urada na pabalik-balik na ECQ-MECQ-GCQ... parang gano’n tayo. Gusto ko siguro ng mas maganda, mas maayos na sistema.

 “Tapos, mas maganda at mas maayos na pamamalakad ng paglabas ng mga sistema na ito para deserve naman nila ’yung buwis na binabayad.”

Sumang-ayon naman si Vice Ganda sa tinuran ni Tuesday.

Okey namang mag-yes, ’di ba? Okey rin namang mag-no.  Pero, ayusin n’yo ang plano, ’di ba?” sundot ni Vice. “Kung saan ba talaga ’to papunta? Minsan yes, minsan, no.”

Pero paalala ni Vice: “Pero, hindi naman ho nangangahulugan na porke’t GCQ na ay magsisilabasan na.

“Protect yourself at ang pinaka-bongga riyan, e, kung wala ka naman talagang mabigat na dahilan sa paglabas, stay at home.”

Sa huli, mas lamang na sagot ng madlang pi-poll ay “yes” pa rin. Sang-ayon ang mas nakararami na ibalik na sa GCQ ang Metro Manila.

Just in: Kaka-announce lang ng Malacañang na deferred muna ang implementation ng granular lockdown at mananatiling nasa MECQ ang Metro Manila hanggang September 15.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.