Tuesday Vargas, hiwalay na sa asawa?

PHOTOS: @coy_placido & chaptersixonline.blogspot.com

PHOTOS: @coy_placido & chaptersixonline.blogspot.com

Usap-usapan na posibleng hiwalay na ang mag-asawang Tuesday Vargas at Coy Placido na guitarist ng isang sikat na banda noon— Session Road.

Bago pa man sila ikasal noong June 2010, anim na taon din ang tinagal ng kanilang relasyon at kung totoo nga na hiwalay na ang dalawa, halos mag wawalong taon na ang marriage nila.

Sabi ng aktres sa kanyang interview with ABS-CBN news noon sa isang press conference bago siya maikasal kay Coy, "I've always felt na it's the right time when Coy and I got together. Alam ko na sa sarili ko na he is the right person for me. Kasi we complement each other,"

Noong taong 2015, nakapanayam ng PEP ang comedienne tungkol sa kanyang planong pagbubuntis. Isinaad nito na hopeful pa din siya na magkaroon ng anak sa kanyang mister kahit na halos limang taon din silang sumusubok na mabiyayan ng baby. Dagdag pa nito, malaki na din ang kanyang anak sa dating boyfriend at namimiss na niya na may inaalagaang sanggol.

 

Ngunit lalong tumindi ang speculations ng hindi na ginagamit ni Tuesday ang apelido ng kanyang asawa sa kanyang Instagram account.

 

Last year July 27, ang huling post ng aktres na magkasama silang dumalo sa isang music festival na ginanap sa Japan kasama ang ibang malalapit na kaibigan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v) on

 

Sa kabilang banda, ang pinakahuling post naman ng kanyang partner na si Coy ay noong buwan din ng July na kuha sa Japan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coy Placido (@coy_placido) on

 

Sa nakaraang holidays, magkasamang nag celebrate si Tuesday at ang kanyang anak na wala ang kanyang asawa. Binati pa nito ang kanyang mga followers, “Merry Christmas from our family to yours. Have a blessed holiday season!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v) on

 

Ang dalawa ay wala pang komento tungkol sa issue.  

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julie Anne, kinumpirmang hiwalay na sila ni Ben Alves

Hiwalayang Miley at Liam, pansexuality ni Miley ang dahilan

Hiwalayang Miley Cyrus at Liam Hemsworth, hindi daw si Kaithlynn Carter ang dahilan

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.