Nagsabog ng tuwa at kilig recently ang real-life celebrity sweethearts na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.
Sa pinakabagong uploaded vlog entry kasi ng Kapuso aktress last May 10 on her YouTube channel, first time na nag-guest si Rayver. Altthough January pa umano nila na-shoot ang video (bago pa mag-lockdown) ay nito lang nai-post ni Janine ang nabuo nilang content.
Napagkasunduan ng magkasintahan na mag-Mukbang sila—with a twist. At ang twist ay ang oagsagot nila sa ilang pakilig na katanungan.
(Ang Mukbang ay ang uso ngayong audio-visual content na unang nauso sa Korea kung saan tsumitsika ang host habang kumakain.)
Dahil first time, tila concious pa si Rayver makipag-on cam sa kasintahan. Sa introduction pa lang ng video ay hindi na mapigilan ni Rayver na mamula.
"Why are you so red?" natatawang tanong ni Janine sa nobyo.
"S'yempre para rosy checks for your vlog," palusot na tugon naman ni Rayver sa dalaga.
At dahil nao-awkward nga, napa-comment pa ang binatang aktor ng "Ganito pala kapag vlog."
Matapos maihain ang mga pagkain na kanilang in-order sa mga food outlets sa loob ng The Grid (isang food market sa loob ng isang mall sa Makati), nag-umpisa na ang kanilang pagmu-Mukbang na may tanungan portion na ang goal ay ipakita kung gaano nila kakilala ang isa’t isa.
Nagmistulang quiz bee ang ginawa ng dalawa. Iyon nga lang, kabilang sa rules nila na makakatanggap ng pitik sa noo ang sino mang magkakamali sa bawat tanong. Also, makakatangap din ng parusa ang matatalo sa kabuuan ng game nila.
"Basta after ng game walang mag-aaway ha," paalala ni Rayver kay Janine. "Hindi pwedeng mag-away. Bati pa rin after ng game."
Sagot ng palabang si Janine: "We'll see."
Sa first two questions, parehong tama ang sagot ng Kapuso couple sa mga tanong kung sino ang undecisive at laging late, at iyon ay si Janine.
Sa third question naman, though parehong tama ang sagot nila kung saan sila unang nagkita—-which is sa MMFF event—hindi pa rin mapigilan ni Janine na humirit.
Few weeks before shooting their vlog kasi, naitanong din ang question na 'yon sa programang Taste Buddies kung saan sila naging guest. And guess what? "South Grill” imbes na "MMFF" daw ang isinagot ni Rayver that time.
"E bakit? First din naman yon ah," kontra ni Rayver sa pahayag ng aktres.
"Oh?" ani Janine.
"First din akong nahulog sa iyo," sagot ng aktor. "See? First din yon."
Parehong tama rin ang kani-kanilang sagot tanong kung saan sila unang nag-date. At iyon ay sa Lazy Bastard, isang burger joint sa Makati.
This time, si Rayver naman ang nag-explain kung bakit doon nila napiling mag-date.
"Kasi nung time na 'yon ang gusto ko sana sa mas romantic na dinner," paglalahad ng Kapuso actor. "Pero sabi n'ya, sabi n'ya sa friends n'ya, 'Gusto ko 'yong date namin chill-chill lang. Kasi baka isipin n'ya gusto ko ng serious na dating-dating. Mas gusto ko chill-chill lang.' So nag-burger kami.”
Sey naman ni Janine: "Nakakatakot kasi parang gusto n'ya sa mas magandang restaurant. Ayoko naman."
"S'yempre para astig, 'di ba?" pa-pogi points ni Rayver.
And as expected, it was Rayver who first mentioned the magic word "I love You."
"Ayaw mo lang aminin e," biro n'ya sa gf na na ito ang unang nag-I love You sa kanilang dalawa.
Pareho din nilang nasagot nang tama ang birthdates ng isa't isa.
However, may side note pa si Janine sa sagot nya na "Cancer" at personality trait ni Rayver na "sensitive."
Hindi tuloy napigilan ni Rayver na magtanong.
"Bakit may ‘sensitive’?”
"That's what cancers are," sagot ng dalaga. "It's you. Is it not you?"
"Paminsan lang," nakangiting depensa ng aktor.
Sa tanong about favorite music artists unang sumablay si Rayver sa sagot n'ya na "[Justin] Bieber."
"He's not number one but I love him forever," paliwanag si Janine sa boyfriend. "Pero pwede na. I'll give you a half point."
"Okay talo ako," malungkot na wika ng binata na good sport naman na tinanggap ang parusang pitik sa noo.
Mas tama raw kung ang isinagot ng binatang aktor ay ang Hollywood band na Coldplay o kaya ay ang black singer na si Rihanna.
"Nagkamali ako dun sa kantahan kasi kapag may magpi-play sa kotse tuwing sinasamahan ko s'ya, [sinasabi n'ya na] ‘Favorite ko 'yan!' 'Oh, I love him so much.' 'Oh, favorite ko 'yan.' 'Oh, I love her.' So hindi ko na alam kung sino, 'di ba?" mahabang explanation ng Kapuso leading man.
Natawa na lamang si Janine sa panggagaya sa kanya ni Boyfie Rayver sa manner n'ya ng pagsasalita.
Naulit pa ito nang mapunta sa "to-go coffee order" ang tanong sa dalawa.
Tila namroblema pa si Rayver at sinabing, "Hindi [s'ya] nagka-kape. Alam nya 'yong sa'kin e. Hindi 'to nagka-kape, guys, e."
Matapos masagot ni Janine ang tanong by giving the answer “Iced Americano Breve” na paborito ni Rayver, walang nagawa ang binata kundi mag-concede.
"I give up," sabi nya. "Hindi ito nagkakape e. Nakiki-sip lang s'ya e."
Pareho rin nilang nasagot ang favorite online games ng isa't isa. Mobile Legend para kay Rayver habang Pokemon naman ang kay Janine.
Bulong pa ni Rayver sa camera: "Kasi 'yon lang ang kaya n'yang laruin. Haha."
Bagama't nasagot nila nang tama ang kanilang mga comfort food, sumablay naman si Janine na tukuyin kung anong kulay o flavor ng pancit canton ang paborito ni Rayver.
Game din s'yang tumanggap nang banayad na pitik sa noo mula sa nobyo.
Hirit n'ya: "Kailangan 'yong totoo."
At napaka-gentleman naman ni Rayver to say, "Masasaktan ka eh. 'Di baleng ako na 'yong masaktan."
Sa huli, si Janine ang nagwagi sa Mukbang game nila.
Hinikayat naman ng aktres ang kanyang YouTube subscribers na mag-suggest kung ano ang pwedeng iparusa kay Rayver na matutunghayan daw sa susunod na vlog.
Panoorin ang Mukbang Game Time vlog ni Janine Gutierrez with her boyfriend Rayver Cruz here: