Tunay na dahilan ng pagpunta ni Seth Fedelin, sa bahay ni Francine Diaz, para ihingi nga ba ng sorry ang panunugod umano ni Andrea Brillantes dito noong December?

According sa mga sources ni Ogie Diaz, even during Kadenang Ginto days pa raw ay tila may hidwaan na between Andrea Brillantes at Francine Diaz. “Noon pa pala yan, Kadenang Ginto pa may mga ano na…nagpapaka-professional lamang daw ’yung dalawa. Pag dating sa trabaho, okay sila pero may kanya-kanya silang set of friends [pagka tapos ng eksena].”

Photos: @blythe / @imsethfedelin / @francinesdiaz

According sa mga sources ni Ogie Diaz, even during Kadenang Ginto days pa raw ay tila may hidwaan na between Andrea Brillantes at Francine Diaz. “Noon pa pala yan, Kadenang Ginto pa may mga ano na…nagpapaka-professional lamang daw ’yung dalawa. Pag dating sa trabaho, okay sila pero may kanya-kanya silang set of friends [pagka tapos ng eksena].”

Sa bagong YouTube vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Tita Jegs kahapon, January 17, at napag-usapan ang umano’y panunugod ni Andrea Brillantes kay Francine Diaz during the ABS-CBN Christmas Special na ginanap last December 18.  

“Nu’ng December 18 Christmas Special ng ABS-CBN, e, nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan itong si Blythe at itong si Francine dahil nakita na nagpa-picture itong si Sethdi ba may SethDrea na ginu-groom ng ABS para lumaking loveteam.

Wala pa ’yung FranSeth kasi si Kyle at Francine ang ini-establish,” k’wento ni Ogie base sa mga nakalap niyang impormasyon at back story ng hidwaang Andrea at Francine.

“E, ngayon ang nakarating sa atin hiniritan ng glam team nitong si Francine si Seth, nag-join sa kanila sa picture- taking tapos parang ikinagalit ito ni Blythe o ni Andrea,” patuloy na tsika ni Ogie.

Dahil umano rito ay sumugod sa dressing room ni Francine si Andrea para sitahin ito.

Huh? Sino’ng sumugod kanino? Wari ay gulat na bulalas ni Mama Loi. 

“Yun na nga, sinugod daw nitong si Andrea itong si Francine. Totoo ba ’yan?” say ni Ogie sa sariling balita.

Balik-tanong ni Mama Loi, “Dahil lang kay Seth?”

“Oo! Parang ayaw yata ni Blythe na magkaroon ng pagkakataon na magpa-picture ’yung dalawa, kasi nga ang sabi sa akin ng mga taga-Blythe na source ko, e, iniingatan nga kasi ni Andrea ’yung loveteam nila ni Seth, ayaw ni Andrea na maguluhan ang mga tao sa loveteam nila,” paliwanag ng vlogger/host.

Pero para kay Ogie, “Pag kaibigan mo naman ’yung tao di ba kahit hindi mo ka-loveteam, di ba?”

Oo nga naman lalo’t magkasama sila sa grupong Gold Squad.

Marahil ay nakalimot daw si Seth na may loveteam na dapat ingatan.

Say pa ni Ogie: “Oo, e, siyempre hindi naman sanay ang mga bagets, ‘Ay shet nakalimutan ko may ka-loveteam pala, hindi ako puwedeng pumunta diyan.’ Kaya lang siyempre friendship naman ’yung isa.”

At dahil sa ginawang panunugod umano ni Blythe kay Francine ay na-turn off daw si Seth sa ka-loveteam.

“Kaya na-off din daw itong si Seth sa ginawa nitong si Blythe na sinugod si Francine,” patuloy ni Ogie na agad niyang sinundan ng disclaimer na kwento lang din umano sa kanya ang ibinabalita niya.

Bukod sa na-turn off, nakuha umanong mahiya ni Seth sa inasal ng ka-loveteam. Ito raw ang nagtulak sa young actor para puntahan sa bahay si Francine para ihingi ng paumanhin ang nangyari—na dahil sa kanya ay nasugod umano si Francine.

“Kasi nga nandoon si Seth para humingi ng sorry kay Francine sa nangyari sa nakaraang Christmas Special ng ABS (CBN). Kaya nandoon daw si Seth [sa bahay nina Francine],” paliwanag ni Ogie quoting his source at ang tinutukoy ay ang nag-viral na picture ni Seth kasama ang pamilya ni Francine.

(Na base sa mga fans ni Francine ay hindi nakuhanan noong New Year gaya nang gustong ipa-paniwala ng caption na “happy new year” at “late upload.”)

Nagtatakang tanong naman ni Mama Loi: “Pero, ’Nay [Ogie], san galing ’yung hugot ng selos ni Andrea Brillantes kay Francine over Seth? Bakit ganu’n kalalim? Parang lalim na may pinanggalingang relasyon? Sila ba [Andrea at Seth]?”

“According to my source, ah mga more than two years daw sila,” pagkukumpirma ni Ogie base sa sabi ng kanyang source. “More than two years sina Seth at Andrea.

“Naging sila noong Kadenang Ginto [days], tapos ’yun nga nabuo na ’yung love team. Kasi nga itong si Andrea crush niya si Daniel Padilla kaya binigyan si Andrea na kahawig si Daniel at ito nga ’yung si Seth kaya sila’y nabuo.

“Tapos nagkaroon daw sila ng relasyon tapos nag-split din. So, parang ang inaalagaan na lang ngayon ni Andrea ay ’yung love team. ’Yun ang pino-protektahan niya.”

Baka naman daw may kirot pa rin sa puso si Andrea o nagselos?

“Si Andrea ang tanungin natin.  E, nasa iyo na Andrea kung sasagutin mo ito o pabubulaanan mo.  Kaya lang baka magalit si Andrea baka sabihin, ‘napaka-Marites ninyo!’” natatawang sabi ni Ogie alluding doon sa pagle-lecture kamakailan ni Andrea sa isang fan sa social media na tinawag nitong chismosa.

At dahil sa gulo ng dalawang aktres ngayon ay binawalan na umano ng mga kinauukulan ang dalawa na walang magsasalita sa kanila tungkol sa gusot nila.

Kuwento pa ni Ogie, even during Kadenang Ginto days pa raw, according to his source, ay hindi na okay sina Andrea at Francine.

“Noon pa pala yan, Kadenang Ginto pa may mga ano na…nagpapaka-professional lamang daw ’yung dalawa. Pag dating sa trabaho, okay sila pero may kanya-kanya silang set of friends [pagka tapos ng eksena].

“Ang lumabalas tuloy na mabait itong si Francine [at] maldi-maldita raw itong si Blythe o Andrea. ’Yan ’yung mga nakakarating sa atin ano?

“Dito po kasi sa industriya natin kahit totoo na ’yung nakalap naming impormasyon ay kaya pa ring i-deny ng mga taong sangkot.”

Samantala, sa latest vlog naman ni Francine kung saan guest n’ya ang aktor ni Jake Ejercito ay naglaro sila ng Game of Phones [na ini-rhyme sa popular na Hollywood TV series  na Game of Thrones]. May kinalaman sa mga laman ng respective phones nila ang mga tanong gaya ng kung sino ang last caller, huling ka-text, last deleted photo, etc. Kapwa sila sasagot sa mga tanong na naka-spell out sa screen at dinidikta naman ng mga tao sa vlog shoot nila.

Sa tanong kung sino ang huling naka-Facetime—o anumang video call—nila, sinabi ni Francine na ang kaibigan niyang si Ashley Diaz iyon.

“Si Ashley...wag kayong palilinlang with tatlong hearts pero si Ashley ’yan,” defensive na paliwanag ni Francine about Ashley’s caller ID.. “Tawagan ko po gusto n’yo?”

Pero tila hindi maniwala ang mga nagtatanong kaya’t muling nag-esplika ang aktres.

“Maraming naga-assume na ’tong tatlong hearts na ito ay boyfriend ko, pero si Ashley ito. Si Ashley ’to guys, promise,” paniniguro niya.

At para maniwala ay tinawagan ni Francine ang kaibigan pero hindi siya sinasagot kaya ang tukso ng mga nasa background ay: “Baka may code kayo [ng boyfriend mo]? “

“Parang hindi ako naniniwala,” pang-aalaska naman ni Jake.

“Si Ashley po talaga ito promise wala akong boyfriend,” giit ni Francine

“Nako, nako, nako...” pangungulit ni Jake.

“Wala po, single. Single lady. Ha, ha, ha!”

So there, wala daw siyang boyfriend. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Supporter ni Francine Diaz, inilatag ang mga “resibo” sa isyu nila ni Andrea Brillantes; fans ni Andrea, tuloy din ang depensa

Seth Fedelin, poging-pogi ang dating dahil sa umano’y awayan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.