“Uniquely beautiful with a mission” na si Herlene Budol, hindi umuwing luhaan sa unang sabak sa national beauty pageant

Hindi man daw nakapag-uwi ng kahit isang korona si Herlene Budol, nakakuha naman daw s’ya ng respeto mula sa kayang supporters.  “[S]iempre Congratulations sa atin mga KaSquammy, KaBudol at KaHiponatics ko dyan. di ko man nasungkit ang Korona, may magandang premyo naman at yan ang respeto sa akin bilang mahusay na Squammy at natatanging babae,” masayang saad niya. “Naitaas ko ang respeto ang mga comedians. Na hindi lang basta komedyante, kundi tao cla na may angking ganda at may kakayahan pa gawin ang gusto nila. Basta maniwala at kumapit lang sa pangarap.”

PHOTOS: @bbpilipinasofficial on Instagram

Hindi man daw nakapag-uwi ng kahit isang korona si Herlene Budol, nakakuha naman daw s’ya ng respeto mula sa kayang supporters. “[S]iempre Congratulations sa atin mga KaSquammy, KaBudol at KaHiponatics ko dyan. di ko man nasungkit ang Korona, may magandang premyo naman at yan ang respeto sa akin bilang mahusay na Squammy at natatanging babae,” masayang saad niya. “Naitaas ko ang respeto ang mga comedians. Na hindi lang basta komedyante, kundi tao cla na may angking ganda at may kakayahan pa gawin ang gusto nila. Basta maniwala at kumapit lang sa pangarap.”

Thankful pa rin ang TV host and comedienne na si Herlene Nicole Budol, popurlarly known as Hipon Girl, kahit nabigo s’yang masungkit ang inaasam n’yang Bb. Pilipinas-Grand International crown.

Out of 40 candidates sa grand coronation ng Bb. Pilipinas 2022 kagabi, July 31, sa Smart Araneta Coliseum, matagumpay na nakapasok si Herlene sa Top 12 at umani ng iba’t ibang special awards. Kabilang dito ang Manila Bulletin Reader's Choice Award, Bb. Shein, Bb. Pizza Hut, Bb. Kumu, Jag Queen, Bb. Silka, at Bb. World Balance. 

Pinatunayan din ng kandidate from Angono, Rizal ang kanyang confidence sa pagsagot sa Question and Answer portion ng competition in Filipino. Natapat s’ya sa judge na si Cecilio Asuncion, a Filipino-American director and producer, na game namang isinalin sa Filipino ang tanong sa kanya tungkol sa kanyang biggest transformation sa pagsali n’ya sa beauty pageant. 

Narito ang kabuang sagot ni Herlene: 

Para sakin, isang karangalan ang nakatungtong ako sa Binibining Pilipinas, bilang isang binibining hindi inaasahan, para sa ’kin ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible.

Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang mabigay ng inspirasyon because I know for myself that I am beautiful, I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”

Sa huli, s’ya ang itinanghal na first runner-up habang ang inaasam n’yang Bb. Pilipinas-Grand International crown ay napunta kay Roberta Tamondong ng Laguna. 

Wagi naman bilang Bb. Pilipinas-Globe si Chelsea Fernandez ng Leyte, at nakuha naman ni Gabrielle Basiano ng Eastern Samar ang Bb. Pilipinas-Intercontinental title. 

Si Nicole Borromeo ng Cebu naman ang nakasungkit ng pinakamataas na korona sa patimpalak, ang Bb. Pilipinas-International crown, habang ang aktres na si Stacey Daniella Gabriel ng Cainta, Rizal ang itinanghal na second runner-up. 

 

Say hello to the new 2022 reigning queens of Binibining Pilipinas! Miss International, Nicole Borromeo Miss Grand...

Posted by Binibining Pilipinas on Sunday, July 31, 2022

Sa kanyang social media post ngayong araw, August 1, nagpasalamat si Herlene sa D’yos dahil kahit unang beses n’yang sumabak sa national pageant ay hindi naman s’ya umuwing luhaan. 

“Thank you Papa [J]esus for everything you have done for me. [A]lay ko sayo isa kong flower bouquet natanggap ko kagabi sa 58th Annual search ng Binibining Pilipinas Coronation nyt,” saad n’ya sa kanyang post kalakip ang photo n’ya with a life size crucifix. 

“Mornight muna mga Hiponatics dahil pagod na pagod ang Hipon girl nyo. Later po ako mag post ng bago kong update at pag papasalamat sa inyo at sa mga tao tumulong sa aking Journey. [I] am your Binibini #8 Herlene Hipon Budol saying ‘I am uniquely beautiful with a mission,’” dagdag pa n’ya. 

 

Thank you Papa jesus for everything you have done for me. alay ko sayo isa kong flower bouquet natanggap ko kagabi sa...

Posted by Herlene Nicole Budol on Sunday, July 31, 2022

Ikinatuwa rin n’ya ang pagiging top trending topic n’ya on Twitter. 

“Number 1 Trending pala ako sa Twitter mga Hiponatics ko! Nakakatouch,” saad n’ya sa hiwalay n’yang post sa Instagram. 

“At tama nga ang turo ni @sirwil75 sa akin. The moment maka hawak ako ng Mic siguradong trending daw ako ma pasablay o maka sagot ako ng matino. [K]aya ibigay ko daw ang pinaka best shot ko sa patimpalak ng @bbpilipinasofficial,” she added. 

Hindi man daw s’ya nakapag-uwi ng kahit isang korona, nakakuha naman daw s’ya ng respeto mula sa kayang supporters. 

“[S]iempre Congratulations sa atin mga KaSquammy, KaBudol at KaHiponatics ko dyan. di ko man nasungkit ang Korona, may magandang premyo naman at yan ang respeto sa akin bilang mahusay na Squammy at natatanging babae,” aniya. 

“Naitaas ko ang respeto ang mga comedians. Na hindi lang basta komedyante, kundi tao cla na may angking ganda at may kakayahan pa gawin ang gusto nila. Basta maniwala at kumapit lang sa pangarap,” pagtatapos n’ya. 

Congratulations, Herlene!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Herlene “Hipon Girl” Budol officially registers for the Binibining Pilipinas; hopes she passes the screening

Maine Mendoza meets Hipon Girl Herlene Budol; says "sobrang kwela siya talaga, nakakaaliw!"

Herlene “Hipon Girl” Budol, devastated sa pagpanaw ng kanyang lola

Pika's Pick: Beauty-queen aspirant Herlene Budol thanks Queen Pia Wurtzbach for the motivation

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.