Vic Sotto sa mga taong nagpapakalat ng fake news: “Darating ang araw na may paglalagyan kayo.”

“Sa mga nagsa-cyber bully o gumawa ng fake news o naninira ng tao sa social media o sa ibang paraan, lagi n’yong tandaan na may nasasaktan kayo at yan ay pagbabayaran n’yo.”—Vic Sotto

SCREENSHOT: Eat Bulaga! on YouTube

“Sa mga nagsa-cyber bully o gumawa ng fake news o naninira ng tao sa social media o sa ibang paraan, lagi n’yong tandaan na may nasasaktan kayo at yan ay pagbabayaran n’yo.”—Vic Sotto

May patawa ngunit malamang banat si Bossing Vic Sotto sa mga nagpapakalat ng fake news para manira o i-cyberbully ng isang tao. 

Inilahad ito ng comedian-TV host sa July 10 episode ng longest-running noontime show na Eat Bulaga! kung saan ang mga naging biktima ng bullying at cyberbullying ang naging guests nila sa patok na segment na “Bawal Judgmental.”

Marami kasi ang kumikita sa social media sa pag-iimbento at pagpapakalat ng mga pekeng balita online at kadalasang tina-target ng mga ito ang mga celebrities na tulad ni Bossing.

Ito, makinig kayo. Ito ang hugot ko for today,” natatawang pero seryosong pahayag ng naka-relate na si Bossing. 

Sa mga nagsa-cyber bully o gumawa ng fake news o naninira ng tao sa social media o sa ibang paraan, lagi n’yong tandaan na may nasasaktan kayo at ‘yan ay pagbabayaran n’yo.

Hindi man n’ya binanggit sa show pero mismong s’ya nga kasi ay biktima ng fake news. Nitong mga nakalipas na araw ay lumutang ang pekeng balita na s’ya daw umano ang tunay na ama ng anak ni Julia Clarete na dati nilang co-host sa Eat Bulaga!

Malinaw naman na hindi ito totoo at nagpaparami lamang ng views at subscribers ang gumawa noon sa YouTube. 

Bukod doon ay naging biktima na rin si Bossing ng death hoax.

Pagpapatuloy pa ni Bossing Vic: “Huwag n’yo isipin na dahil pinalalampas lang nu’ng iba ay mahina na o naduduwag. Nakikita kayo. Tandaaan n’yo ‘yan, nakikita kayo at hindi natin yan palalampasin. 

Darating ang araw na may paglalagyan kayo. N’yo!” dagdag pa na sadyang may pagdiin sa katagang “n’yo!” na animo’y napa-mura ito.

Abangan. Abangan n’yo ’yan,” dagdag niya “Basta ‘yong mga nambu-bully at namimeyk news...n’yo!” natatawang pagtatapos n’ya.

Maliban kay Bossing, ilan pa sa mga gaya n’yang celebrity ang nabiktima na rin ng fake news gaya nina Jose Manalo, Ai-Ai delas Alas, Michael V., Vilma Santos, at marami pang iba.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil nawalay sa kanyang Dabarkads, Baeby Baste, naiyak matapos maka-video call sina Bossing Vic Sotto at Baby Tali

Pika's Pick: Vic Sotto and Pauleen Luna mark 5th wedding anniversary

Cindy Kurleto, may nilinaw at inamin sa pagkaka-link niya noon kina Vic Sotto at Jericho Rosales

Pika's Pick: Pauleen Luna tells Vic Sotto that she is “forever thankful to the Lord for making you my husband” on their 9th anniversary as couple

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.