Vice Ganda, aminadong sablay sa mga hirit niya kay Karylle; "Bawi po ako. Bawi right away."

Sa kanyang tweet kagabi, inamin ni Vice Ganda na nagkamali nga siya sa mga hirit kay Karylle. Sisikapin daw niyang bumawi sa kanyang kaibigan at co-host sa It's Showtime. "Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away," pahayag ni Vice.

PHOTOS: @vicegandaofficialph & @welovekarylle on Facebook

Sa kanyang tweet kagabi, inamin ni Vice Ganda na nagkamali nga siya sa mga hirit kay Karylle. Sisikapin daw niyang bumawi sa kanyang kaibigan at co-host sa It's Showtime. "Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away," pahayag ni Vice.

Nagpakumbabang inamin ng comedian-TV host na si Vice Ganda na sumablay siya sa mga hirit niya sa kanyang It's Showtime co-host na si Karylle.

Inulan kasi ng puna mula sa netizens ang komedyante sa naging paraan n'ya nang pagsagot sa singer-actress and TV host sa kanilang noontime show kahapon, February 2.

Nagsimula ito nang ipinarating ni Karylle kay Vice ang tungkol saloobin ng kasama nilang si Vhong Navarro. Hindi raw kasi natuloy ang dapat sana'y song number ni Vhong sa show dahil ini-assign umano ni Vice ang kanta sa iba. 

"Vice, may request si Vhongskie. Kasi last time nagre-rehearse s'ya sa umaga, tapos binigay mo sa iba 'yong kanta niya," natatawang sabi ni Karylle.

Tugon naman ni Vice sa kanya, "Ano'ng problema natin, Karylle?"

"Hindi, natatawa lang kami kasi isang buwang pinraktis daw niya,” sagot ni Karylle.

Dahil dito ay binalingan ni Vice si Vhong at sinabing, "O, e, 'di sana kinanta mo."

Dagdag hirit pa ni Karylle, "Sa bawat sulok daw ng bahay n'ya pinraktis n'ya."

Pero sagot naman sa kanya ni Vice, "O, okey na 'yan, Karylle."

Hindi nagustuhan ng netizens, lalo na ng mga fans ng aktres, ang tila pambabarang ito ni Vice.

Ito rin ang naging dahilan kaya't inulan ng puna sa social media ang It's Showtime main host.

"@vicegandako magkaiba po yung pagbibiro sa pagiging bastos!" paalala ng isang netizen sa Unkabogable Star.

Ayon naman sa isa pa, parang na-invalidate umano ang feelings ng nabarang si Karylle at nag-practice na si Vhong sa nangyari. 

"[O]ff naman kasi talaga grabe napahiya yung tao, parang nainvalidate samantalang pag sila vhong anne laging naka back up si vice pag waley. Pero di lang yan once, madalas barado talaga lagi si Karylle sknla," sey nito.

"May mga micro-aggression talaga sa kanya si Vice. Kinakaya-kaya sya. Bait kasi ni Karylle," pahayag naman ng isang fan.

May mga natanggol din naman kay Vice at sinabing matagal nang ganu'n ang komedyante, hindi lang kay Karylle kundi maging sa iba pa nilang co-hosts.

"1st time n'yo po bang manood ng It's Showtime? Ginaganyan din naman ni Vice Jhong at Anne eh," katwiran ng isang viewer ng programa.

"Cguro, karamihan nag rereact dito hindi talaga regular viewer. Tapos pag may pumutok na isyu, sunggab agad," pahaging naman ng isa pa. 

Samantala, napa-tweet din maging ang Kapamilya-turned-Kapuso at dating It's Showtime co-host na si Kuya Kim.

"I love you Karylle  :) @anakarylle," pahayag nito sa kanyang Twitter post.

Sa isa pa niyang tweet, ibinida ni Kuya Kim ang kabaitan ng daughter ni Zsa Zsa Padilla.

"@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle," saad pa niya.

At sa kanya namang tweet kagabi, inamin ni Vice na nagkamali siya sa mga hirit kay Karylle. Sisikapin daw niyang bumawi sa kanyang kaibigan at co-host sa It's Showtime.

"Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away," pahayag ni Vice.

Sa tweet naman niya ngayong araw, February 3, iniulat n’yang naka-usap na sila ni Karylle. Hindi naman daw ito na-offend sa mga hirit n’ya pero humingi pa rin daw s’ya ng despensa.

“Story time! Magkakasama kami ni K at Tyang and Anne sa dressing room. Di daw sya naoffend when i asked her. But i still apologized. So to simplify WE ARE OK,” pagtatapos ni Vice.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda, gusto nang magka-anak

Dahil nagpahiwatig na siya ay "really exhausted," Vice Ganda, pinayuhan ng fans na magpahinga

Vice Ganda at Toni Gonzaga, nagbatian at nagyakapan sa MMFF 2022 Parade of Stars

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.