Vice Ganda at Ion Perez, may baby na!

“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya 'yong bahay namin, para may mapag-share-an din kami ng saya, tapos may magpapasaya sa’ming bago.” —Vice Ganda

PHOTOS: @praybeytbenjamin on Instagram & Vice Ganda on YouTube

“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya 'yong bahay namin, para may mapag-share-an din kami ng saya, tapos may magpapasaya sa’ming bago.” —Vice Ganda

Masaya ang celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez ngayong may nadagdag na bagong miyembro ang kanilang pamilya.

Ito ang ipinasilip nila sa trending na vlog entry ni Vice kagabi, March 15, sa YouTube channel nito.

Paliwanag ng Unkabogable Star, matagal na daw nilang pinagpa-planuhan ni Ion ang pagkakaroon ng baby.

"We have been taking about this for quite some time now... We are excited. We have been preparing for this. We want to share you our plan to have a baby," pag-i-intro ni Meme Vice sa kanyang vlog.

"Gusto naming magka-baby. Bakit ba gusto nating magka-baby?" tanong niya kay Ion.

Tugon ng actor-TV host, gusto daw niyang may kasa-kasama sa bahay si Vice lalo na kapag umaalis siya.

"Siyempre, 'pag wala ako...s'yempre, mas kailangan mo ng [kasamang] nasa kwarto, 'yong binabantayan mo,” lahad ni Ion.

Dagdag naman dito ni Vice, gusto daw nilang mas sumaya pa ang vibes sa bahay nila kaya't plinano na nilang magka-baby na.

"Gusto naming magka-baby para lalong sumaya 'yong bahay namin, para may mapag-share-an din kami ng saya, tapos may magpapasaya sa’ming bago," aniya.

"Mayroon na kaming lalambingin, mayroon na kaming mamahalin, meron na kaming aalagaan para lalong maging masaya ang life," pagpapatuloy niya.

"So, we plan to have a baby para mas gumanda ang mundo. Pag mas maraming masaya, mas maganda ang mundo. Ganu'n. Kaya kailangan happy tayo lagi."

At mangyayari lang daw iyon kapag nadagdagan na sila ng family member.

"Para happy, dadagdagan namin ng member ang family namin para lumaki-laki naman ang pamilya namin kasi da-dalawa lang kami," saad pa ni Vice.

"So today, samahan n'yo kami. Ipapakilala namin sa inyo ang baby namin."

Ang tinutukoy pala nilang "baby" ay ang black and white Pomeranian na binili nila sa isang pet shop. Nagkakahalaga ito ng P380,000.

Makikita nga sa vlog na na-excite ang cute na aso nang masilayan nito sina Vice at Ion for the first time. Tila gustong gusto agad nitong sumama sa celebrity couple.

Kaya naman sa huli, ang maliksing Pomeranian na ito ang napili ng dalawa para maging bagong baby nila.

"Ang GV-GV [good vibes-good vibes] ng life because meron na kaming baby daughter," masayang pahayag ni Vice sa latter part ng kanyang vlog.

Wala pa silang naibibigay na pangalan ng alaga nilang aso sa ngayon pero asahan daw sa mga susunod na araw na ire-reveal nila ang name nito.

Balak din daw nila itong pabinyagan at imbitado ang mga co-hosts nila sa It's Showtime.

"We will share with you kung anong name n'ya at kung anong mangyayari sa life niya in the days to come," pagtatapos ni Vice.

As of this writing ay tumabo na nga mahigit 724K ang YouTube vlog nina Vice at Ion about their "baby" na mapapanood dito:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda, aminadong sablay sa mga hirit niya kay Karylle; "Bawi po ako. Bawi right away."

Vice Ganda at Toni Gonzaga, nagbatian at nagyakapan sa MMFF 2022 Parade of Stars

Dahil nagpahiwatig na siya ay "really exhausted," Vice Ganda, pinayuhan ng fans na magpahinga

Vice Ganda, gusto nang magka-anak

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.