Vice Ganda at Ion Perez, sinampahan ng criminal case ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas

May ginawang paglabag umano sina Vice Ganda at Ion Perez sa Cybercrime Prevention Act of 2012 kaya naman sinampahan sila ng criminal case ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc.

PHOTO: @pereziion27 on Instagram

May ginawang paglabag umano sina Vice Ganda at Ion Perez sa Cybercrime Prevention Act of 2012 kaya naman sinampahan sila ng criminal case ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc.

Hindi pa man natatapos ang issue na kinakaharap ng noontime program nilang It’s Showtime, heto’t nahaharap sa panibagong hamon ang mga hosts nito na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Sinampahan kasi ng criminal case ang real-life couple ng mga members ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI.

Ayon sa isinampa nilang reklamo nitong September 11 sa Quezon City Prosecutor’s Office, may ginawang paglabag umano sina Vice at Ion sa Article 201 of the Revised Penal Code in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

PHOTO: @31millionmovement on Facebook

Sa ilalim ng nasabing batas, parurusahan ang nagsasagawa ng “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows.”

Ayon sa mga ulat, nag-ugat ang isinampang kaso ng KSMBPI sa nag-viral na cake-icing-eating incident na kinasangkutan nina Vice at Ion sa segment nila na Isip Bata last July.

Ito rin ang isa sa mga insidenteng naging batayan ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB para patawan ng 12-airing suspension ang It’s Showtime last September 4.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng It’s Showtime na iaapela nila ang ipinataw na sanction ng MTRCB.

 

Bukas naman ang pikapika.ph sa panig nina Vice Ganda at Ion Perez hinggil sa kasong isinampa laban sa kanila.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

It’s Showtime, hinatulan na ng MTRCB; suspended for 12 days!

Pagiging “in a relationship” ni Ryan Bang, si Vice Ganda ang unang sinabihan

Ayon kay Vice Ganda, “fake news” ang tsikang binitiwan na niya ang alagang si Awra Briguela

Ion Perez, nagpakitang-gilas ng mga three pointers sa basketball match ng mga It’s Showtime male hosts versus cameramen

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.