Vice Ganda at Kim Molina, possibleng mag-collab sa pelikula? Unkabogable Jowable kaya ang title?

Kim on Vice: “No’ng Camp Sawi palang, gusto na niya ng material for me na para mapakita lahat...’yong kung ano ’yong kaya kong gawin. Ta’s eto na, nag-Jowable. That’s why he was very happy.”

Photos: Melo Balingit & @kimsmolina

Kim on Vice: “No’ng Camp Sawi palang, gusto na niya ng material for me na para mapakita lahat...’yong kung ano ’yong kaya kong gawin. Ta’s eto na, nag-Jowable. That’s why he was very happy.”

Sa October 9 press conference para sa Titas of Manila—isang stand up comedy show na concept ni Candy Pangilinan at ididirek ni Andrew de Real—nakausap ng ilang entertainment reporters—kabilang na ang pikapika.ph— ang mga co-stars ni Candy sa show na sina Giselle Sanchez at ang fresh-from-the-blockbuster-success star ng #Jowable na si Kim Molina (bilang na-late dumating si Candy dahil galing pa ito sa cremation ng kanyang theater mentor na si Tony Mabesa).

(#Jowable, by the way, has already earned P105M as of press time and is still showing in several theaters.)

Kim took the on-cam interview as opportunity na banggitin at pasalamatan si Vice Ganda, na tinatawag niyang Meme Vice, dahil sa magandang tweet nito patungkol sa kanya.

Tsika ni Kim: “...Si Meme Vice kasi nag-tweet siya kagabi, nagk’wento niya ’yong...nag-heart-to-heart...nagtsika po kami last week... ano po ’yon parang lumabas po kami ng mga [taga-] Rak of Aegis na artists kasi nag-closing kami tapos lumipat kami sa Tipsy Pig [a hip restor-bar in Tomas Morato, QC], tapos nando’n si Meme ta’s nagkausap kami...Ang tagal namin nag-usap. He was very happy [for me]...na-retweet ko, e, nasa Twitter ko.”

 

Ayon kay Kim, kinikilig siya kapag may mga taong kagaya ni Vice—and even Giselle and Candy—na openly ay nagpaparamdam ng support sa kanya.

Kinilig ako,” pag-amin ni Kim. “Sobrang kinilig ako kasi he’s happy kasi may bagong generation... ta’s marami ng komedyante na dumarating... same with as what Mama Giselle [Sanchez] said na support-support lalo na pag dating sa comedy... para may bago na nagpapasiya pa rin ng tao. Ako naman sobrang natutuwa ako na full support po sila...’yong mga ahead [sa akin sa showbiz]...’yong mga kings and queens natin. Sabi ko, approved [nila ako].” 

Ani Kim, matagal na raw very supportive sa kanya ang box-office royalty na si Vice at sobrang naa-appreciate naman niya ’yon.

Kumbaga, sobrang natuwa po siya about #Jowable, ta’s natuwa po siya sa mga nangyayari... kasi simula Camp Sawi, full support na rin po siya kahit kaming lima po. No’ng Camp Sawi palang, gusto na niya ng material for me na para mapakita lahat...’yong kung ano ’yong kaya kong gawin. Ta’s eto na, nag-Jowable. That’s why he was very happy.”

[Camp Sawi is the 2016 Viva Films dramedy that starred Kim along with more established stars such as Andi EigenmannBela PadillaYassi Pressman, and Arci Muñoz.]

Sumundot si Mario Dumaual ng TV Patrol ng tanong kung possible kaya silang magsama ni Vice sa isang project in the future? Tila sinapian si Kim ni Elsa Mangahas (character niya sa #Jowable) nang marinig ang tanong.

“Eleven-eleven!” tili ni Kim habang nagpi-fingers cross. “Diyos ko po, eleven-eleven, ika nga po ni  Elsa Mangahas. I-eleven-eleven na po yan! Diyos ko, Unkabogable Jowable! Hahaha! Oh my God, I’m gonna claim it—Unkabogable Jowable!”

Giselle, who was beside Kim the while time, said: “Dapat kasama ako diyan!”

“Yes! Oh my God! Oh my God!” patuloy na tili ni Kim. “Meme! Meme!”

Kung sakali, siguradong riot ’yon!

Pero bago ’yon, may mas mauunang riot, ang Titas of Manila comedy show nga nilang tatlo nina Candy at Giselle. Concept at project ito ni Candy Pangilinan at siya rin ang susulat. Binitbit niya ’yong dalawa na through phone call lang daw niya na-booking.

Ayon kay Candy, matagal na niyang concept. Time pa raw ng  first salang niya sa pagpapa-mammogram na ang sakit-sakit daw palang proseso. Nagsimula na siyang maglista ng mga kina-bi-bitter-an ng mga nasa age brackets niya kaya nabuo niya ang character sketch niya bilang tita na maraming hugot.

Hindi na siya nag-isip ng iba pang artista para sa gaganap ng tita in denial. Fit na fit daw kay Giselle Sanchez ’yon dahil ’yon siya in real life. Meanwhile, si Kim naman, bilang the youngest among them, ang tita-in-training. May guest pang Jon Santos bilang titang-tito.

Presscon palang, dalang-dala na ang lahat sa pagba-baliw-baliwang sumagot ng tatlo kaya sure kaming maraming LOL effects during the live show.

Titas of Manila will be staged on November 22, 8pm, at the Music Museum in Greenhills, San Juan. For tickets, please visit: www.ticketworld.com.ph.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.