Vice Ganda at Toni Gonzaga, nagbatian at nagyakapan sa MMFF 2022 Parade of Stars

Matatandaang nagkaroon na ng gap si Toni Gonzaga sa ilang dati niyang kasamahan sa ABS-CBN dahil sa pulitika. Umani ng backlash ang TV host-actress matapos niyang i-endorso last February si Cong. Rodante Marcoleta sa proclamation rally ng UniTeam noong tumakbo ito sa pagka-senador.

SCREENSHOT: @lairasabelrys on Instagram & @teamtoniglobal via @gonzaga.editszx on TikTok

Matatandaang nagkaroon na ng gap si Toni Gonzaga sa ilang dati niyang kasamahan sa ABS-CBN dahil sa pulitika. Umani ng backlash ang TV host-actress matapos niyang i-endorso last February si Cong. Rodante Marcoleta sa proclamation rally ng UniTeam noong tumakbo ito sa pagka-senador.

Masasabing maayos pa rin ang pagkakaibigan nina Vice Ganda at Toni Gonzaga kahit na magkaiba sila ng political stand nitong nagdaang May 2022 Elections.

Base iyan sa naging gesture nila nang magkita sila kahapon, December 21, sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars in Quezon City.

Kapwa may pelikulang kalahok sa MMFF this year sina Vice at Toni kaya naman present sila kahapon at sumakay sa float ng kani-kanilang pelikula.

Bibida si Vice sa pelikulang Partners in Crime kasama si Ivana Alawi, habang pinangungunahan ni Toni ang movie'ng My Teacher with Joey de Leon and celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Sa nakunang video kahapon na in-upload sa TikTok, si Vice mismo ang umakyat sa float ng My Teacher kung saan masaya naman siyang sinalubong ni Toni at nagyakapan pa sila.

Matatandaang nagkaroon na ng gap si Toni sa ilang dati niyang kasamahan sa ABS-CBN dahil sa pulitika.

Umani ng backlash ang TV host-actress matapos niyang i-endorso last February si Cong. Rodante Marcoleta sa proclamation rally ng UniTeam noong tumakbo ito sa pagka-senador.

(Later on ay nag-withdraw ng kanyang candidacy si Marcoleta.)

Nadismaya ang mga Kapamilya sa ginawa ng aktres lalo pa't isa si Marcoleta sa mga nagsulong para huwag nang mabigyan pa ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.

Nagresulta ito sa pagre-resign ni Toni bilang isa sa hosts ng Pinoy Big Brother, at pag-a-unfollow niya sa Instagram accounts ng mga dati niyang kasamahan sa Kapamilya network.

Katunayan, hindi pa rin pina-follow back ni Toni ang IG account ni Vice mula noong in-unfollow niya ito, habang naka-follow pa rin naman si Vice sa account niya.

Sa ipinakita ng dalawa sa publiko, mukhang hindi naman nagkalamat dahil sa politika ang friendship nila.

Mapapanood ang mga pelikula nilang Partners in Crime at My Teacher simula sa araw ng Pasko, December 25, in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil nagpahiwatig na siya ay "really exhausted," Vice Ganda, pinayuhan ng fans na magpahinga

Vice Ganda, gusto nang magka-anak

Vice Ganda, mas piniling patawarin ang pumaslang sa kanyang ama: “Kasi ’yon ’yong magpapagaan ng pakpak mo para makalipad ka.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.