Vice Ganda, hindi daw iiwan ang ABS-CBN: “Magkamatayan na.”

PHOTOS: @caiixvii on Instagram & ABS-CBN Entertainment on YouTube

PHOTOS: @caiixvii on Instagram & ABS-CBN Entertainment on YouTube

Never say goodbye daw ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa ABS-CBN at magiging loyal s’ya dito sa kabila ng mga sinapit ng network noong 2020.

Pahayag ito ni Vice sa programang It’s Showtime last Saturday, January 16, nang maging topic nila ng co-host n’yang si Kim Chiu ang tungkol sa plot twist. 

Ang ayaw kong plot twist ‘yong sasabihing last day na ng Showtime,” sey ng komedyante about his daily show. “For me, no. Hindi ko talaga keri ‘yon. Hindi ko talaga kekerihin ‘yon. Hindi ko alam kung pano ko ‘yon idi-deal with.

Naramdaman daw kasi n’yang ma-down noon—tulad din nang nararanasan ngayon ng ABS-CBN—during nang kasagsagan ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa katapat nilang show na Eat Bulaga

Kasi nangyari na ‘to sa ‘min dati, e,” paliwanag pa n’ya. “Ako talaga, hinanda ko na ‘yong sarili ko [kasi] feeling ko talaga tatanggalin kami. 

Nu’ng panahon ng AlDub…prangkahan na. Nu’ng panahon ng AlDub feeling ko wala nang nanonood ng Showtime. Parang buong Pilipinas nakatutok sa AlDub, tapos parang ang laking kasalanan kapag fan ka ng Showtime, ang laking kasalanan pag nanonood ka ng Showtime.

Pagre-recall pa ni Vice, sumadsad daw talaga ang ratings ng It’s Showtime noon laban sa longest-running noontime TV program. 

Parang nag-aaway-away ‘yong mga tao sa social media na parang, ‘Hindi ka dapat nanonood ng 
Showtime. Dapat lahat tayo nakatutok lang sa
AlDub.’ ‘Yong ganu’n. Tapos ang baba-baba ng ratings ng Showtime.

Kaya naman inasahan na daw n’ya that time na any moment ay kakanselahin na ng management ang show nila. 

Pero ako, laban na laban pa rin ako,” lahad n’ya. “Pero habang lumalaban ako, dumating ako sa punto na tinanggap ko na. Feeling ko, any time soon tatawagan ako ng management at sasabihin, ‘We are canceling the show.’ Tanggap ko ‘yon.

However, laking pasalamat daw nila na hindi nangyari ‘yon at patuloy pa rin silang nakapagpapasaya sa kanilang audience. 

Tapos hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN. Hindi ako nilalaglag...’yong show,” sey pa ni Vice. 

Dahil dito, hindi daw n’ya iiwan ang Kapamilya network sa kabila nang mapait na sinapit nito. 

Mataandaan na nag-expire ang broadcast franchise ng ABS-CBN noong May last year at nabigo itong makakuha ng panibagong prangkisa mula sa kongreso due to alleged violations. 

Kaya ‘yon ang pinanghahawakan ko, e,” pagpapatuloy ni Vice. “Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan ‘tong ABS-CBN ngayon. 

"Kasi nu’ng nangyari ito sa buhay ko hindi ako iniwanan ng ABS, e. Lahat kami, lahat kaming hosts, lahat kaming show, isama na natin ‘yong direktor namin, hindi ‘yan iniwanan ng ABS nu’ng mukha na kaming kawawa at halos patay na kami. 

Kaya ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwanan katulad ng hindi mo pang-iiwan sa akin noon,” pagtatapos ni Vice.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda, nanibago sa kanyang Pasko na walang MMFF entry

Unjust police killing of mother & son in Tarlac evoked nightmarish memory for Vice Ganda, whose father also died from hands of a still-at-large gunman

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nakipag-meeting sa ABS-CBN bosses, hindi para magpa-alam kundi para alamin kung ano ang maitutulong nila sa network

Vice Ganda, nagpapasalamat na ibinigay sa kanya si Ion Perez bago dumating ang pandemya, ABS-CBN shutdown, at pagkamatay ng bestfriend niya

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.