Vice Ganda, mas piniling patawarin ang pumaslang sa kanyang ama: “Kasi ’yon ’yong magpapagaan ng pakpak mo para makalipad ka.”

Ipinarating na raw ni Vice Ganda noon pa sa taong pumaslang sa kanyang ama ang kanyang pagpapatawad. Ito ay sa pamanagitan ng kanilang kapitbahay at maging sa morning show na Magandang Buhay noong 2016.  “Nu’ng nabalitaan ko nga na may sakit s’ya, sabi ko du’n sa kapitbahay namin... Kahit sa TV sinabi ko ’yon, e, na, ‘Kung nanonood ka, gusto kong malaman mo na pinapatawad kita...Kasi ngayong may karamdaman ka at matanda ka na, baka ’yon ang nagpapabigat sa kondisyon mo.’”

PHOTOS: @praybeytbenjamin & @officialmaricelsoriano on Instagram

Ipinarating na raw ni Vice Ganda noon pa sa taong pumaslang sa kanyang ama ang kanyang pagpapatawad. Ito ay sa pamanagitan ng kanilang kapitbahay at maging sa morning show na Magandang Buhay noong 2016. “Nu’ng nabalitaan ko nga na may sakit s’ya, sabi ko du’n sa kapitbahay namin... Kahit sa TV sinabi ko ’yon, e, na, ‘Kung nanonood ka, gusto kong malaman mo na pinapatawad kita...Kasi ngayong may karamdaman ka at matanda ka na, baka ’yon ang nagpapabigat sa kondisyon mo.’”

 

Napa-throwback si Kapamilya TV host-comedian Vice Ganda sa isa sa pinaka-mapait na kabanata ng kanyang buhay at ito ay noong mapaslang ang kanyang Tatay Rey. 

Nangyari ang mapait na pagbabalik-tanaw nang mag-guest si Vice sa vlog ni Diamond Star Maricel Soriano entitled “Ang Tanong Ko, Ang Sagutin Mo” na in-upload sa YouTube kagabi, September 18. 

Question-and-answer ang naging content nila kung saan kailangang bumunot ni Vice ng question sa isang bowl. At isa nga sa tanong na nabunot niya ay kung ano daw ba ang gusto n’yang i-edit kung ire-rewind ang buhay n’ya ngayon. 

Dito na napa-throwback si Vice sa panahon kung kailan napatay ang tatay n’ya dahil lang sa alitang magkapit-bahay. At nagresulta iyon para mangibang bansa ang nanay nila para buhayin sila.

Siguro ’yong part na napatay ang tatay ko. That was very tragic, it was very tragic. Na-experience ko ’yon as a child,” kuwento n’ya sa nanay-nanayan n’yang si Maricel.

“For a child to experience that, na pinatay ’yong tatay n’ya sa harapan ng pamilya n’ya… Ang hirap-hirap nu’ng naging buhay ng aming pamilya.

Bukod raw kasi sa pagpasalang sa kanilang padre de pamilya ay nakuha pa silang takutin ng pamilya na gumawa noon sa kanila.  

’Yong araw-araw nabubuhay kaming takot kasi feeling namin isusunod na kami dahil tinatakot kami nu’ng pumatay sa tatay ko. ’Yong magigising kami isang araw, may nambabato ng bahay namin kasi tinatakot kami nu’ng pamilya [nu’ng pumatay],” patuloy na pagbabalik-tanaw n’ya.

Dumanas rin umano ng depression ang nanay n’ya noon dahil sa masakit na karanasang ito. 

Naalala ko ’yong nanay ko nu’ng panahon na ’yon ang payat-payat na. Ngayon ko lang s’yempre nauunawaan ’yong depression. Sabi ko nga nu’ng time na ’yon, sobrang depression siguro ang inabot ng nanay ko,” aniya. 

Ang payat-payat na ng nanay ko, buto’t balat na s’ya, tapos pabalik-balik lang kami sa city hall kasi inaayos namin ’yong kaso ng tatay ko.

Sadly, dahil sa kakulangan sa pera ay hindi na umano nila naipaglaban pa ang kaso para mabigyan ng hustiya ang sinapit ng tatay n’ya. 

Dahil mahirap kami, hindi na namin naitaguyod ’yong kaso. Hindi na namin nabigyan ng hustiya ’yong tatay ko. Hanggang sumuko na lang kami, na wag na [ilaban ang kaso]. Umabot na kami sa ‘Ipagpasa-Diyos na lang natin,’” malungkot na kuwento ni Vice. 

Sa puntong ito na rin daw nagpasyang mag-abroad ang nanay n'ya, bilang ito na ang tumayong head of the family, para maitaguyod silang magkakapatid. Dito na rin n’ya naranasan na mabuhay nang wala na ngang ama ay malayo pa sa ina. 

Tapos umalis na ’yong nanay ko kasi kailangan n’yang itaguyod ’yong pamilya namin. Nagpunta ng Amerika, nag-TNT [tago nang tago]. Lumaki akong walang nanay. Wala na nga akong tatay, wala pa akong nanay. Ang daming mapapait na nangyari sa buhay ko, na feeling ko ’yon ang ugat,” pagbabahagi ng It’s Showtime host. 

Hanggang ngayon ay masakit pa rin daw sa kanya ang pangyayari. Walang sinuman kasi ang deserving na makaranas noon. 

Pag nire-recall ko ’yon nabibigatan pa rin ako. No child deserves to experience that. No family deserves to experience that. No wife deserves to experience that,” aniya. 

Kung may nakuha man daw s’ya sa mga masasakit na pinagdaanan ng kanilang pamilya, iyon daw ang pagiging matatag n’ya ngayon. 

Isa rin ’yon sa mga pinakamalalaking rason kung bakit ang tapang-tapang kong tao, kung bakit ang tatag-tatag kong tao. Minsan pag may pinagdadaanan ako, iniisip ko, ‘Iyon nga nairaos namin, ito pa kayang mga problemang dumadating sa akin sa buhay ko ngayon?’ ’Di ba?” salaysay pa ni Vice.  

Malaking bagay ’yon sa strength na meron ako ngayon, sa wisdom na meron ako ngayon, sa understanding about life, ’yong pag-unawa ko sa forgiveness. Kasi ’yon ’yong magpapagaan ng pakpak mo para makalipad ka.

And speaking of forgiveness, gaano man kahirap ay matagal na raw n’yang napatawad ang taong pumaslang sa kanyang ama. 

“It wasn’t very easy for a lot of people to forgive especially kung ganun kalaki ’yong pagkakasala sa’yo. Pero ako, I have forgiven that person na pumatay sa tatay ko…full, sincerely, at wholeheartedly. Kaya ko s’yang makita nang hindi na ako natatakot sa kanya,” pahayag ni Vice.

Nakikita mo ’yong mukha n’ya,” curious na tanong naman ni Maricel sa anak-anakan. 

“Yeah, malinaw sa akin,” tugon ni Vice.

Ipinarating na raw n’ya before sa taong iyon ang kanyang pagpapatawad sa pamamagitan ng kanilang kapitbahay at maging sa morning show na Magandang Buhay noong 2016. 

Nu’ng nabalitaan ko nga na may sakit s’ya, sabi ko du’n sa kapitbahay namin... Kahit sa TV sinabi ko ’yon, e, na, ‘Kung nanonood ka, gusto kong malaman mo na pinapatawad kita,’” pag-uulit ni Vice.

Kasi, for sure, kilala n’ya ako, e. For sure, alam n’ya ’yong nangyari sa akin, kung ano na ako ngayon. For sure, napapanood ako ng pamilya n’ya. 

“Kaya sabi ko,  ‘Kung napapanood mo ako, gusto kong malaman mo na pinatawad na kita. Kasi ngayong may karamdaman ka at matanda ka na, baka ’yon ang nagpapabigat sa kondisyon mo,’” pagtatatapos ni Vice sa paksa.

Humanga naman si Maricel hindi lang sa katatagan ni Vice kundi lalo na ni Nanay Rosario dahil kung sakaling s’ya daw ang nasa sitwasyon na iyon that time ay baka nabaliw daw s’ya. 

Bilib din ako kay Mama, ano? Iba rin s’ya. Doon ako nayanig talaga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka mabaliw ako,” komento ni Maria sa mga inilahad ni Vice.

Panoorin ang kanilang buong Q&A dito:


 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda sa pagbuo ng UnkabogaBALL event niya: “I want to be the bridge to create a relationship amongst all of us.”

Vice Ganda, nagpa-gender reveal party for Angeline Quinto and it’s a boy!

Banat ni Cristy Fermin sa anti-Marites patutsada ni Vice Ganda: “’Wag kang nagiging balat-sibuyas kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha mo.”

Gulay-seryeng patutsada nina Lolit Solis at Cristy Fermin kay Vice Ganda, tuloy pa rin; latest hirit ni Lolit: “Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.